ViBe, Beco, ViA: anong magandang tawag sa Bea Alonzo-Vico Sotto tandem?

by PEP Troika
Jun 21, 2020
Nakakakilig ang pagkikita nina Bea Alonzo at Vico Sotto noong June 20, 2020, sa donation turnover ng I Am Hope sa Pasig City
PHOTO/S: courtesy of I Am Hope

NOEL FERRER

Kinilig ang maraming netizens nang i-post ni Bea Alonzo ang pagpunta ng kanyang I AM HOPE organization para mag-turn over ng bags at disinfectants para sa frontliners ng Pasig City.

Malugod at mainit na tinanggap si Bea ng mga taga-Pasig, kasama na ang sinasabi ni Bea nang pabiro na idol ng mama niya ang rock-star mayor na si Vico Sotto.

Continue reading below ↓

Sumabog ang thread sa panunukso ng mga tao na kinakitaan ng magandang vibe ang pagsasama ng dalawa.

Ang sabi pa ng isang follower nila, “Imagine all the good that you can do together.”

Hay naku, ipagdadasal ko iyang si Classmate Bea ko at Mayor Vico—at magkakapit-bisig kami ni Tita Coney at sana ni Bossing Vic!!!

Ano kaya ang itatawag sa tandem nila?

GORGY RULA

So, painitin natin ang tambalang BeCo o ViA?

Si Vico pa lang, panalo na at laging trending sa social media, much more pag sikat na celebrity rin ang ili-link sa kanya.

Naalala ko noon sa mga nakaraang interviews namin kay Bossing Vic, tingin niya ay wala pang panahon ang anak niya sa love life.

Sobrang nakatutok daw si Vico sa Pasig lalo na't nasa pandemya pa tayo.

Kaya tama na munang pakilig-kilig pa lang muna, pero parang hindi maisingit sa schedule ng alkalde ng Pasig ang makipag-date.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

ViBe! Pampa-good vibe, medyo katunog ng “baby”...

Pero cute ding mala-bibe as in duck. O kaya, BeVi?!

Kung ano’t ano man, kilig-kilig tayo kung lalo silang magkakalapit at magkakamabutihan!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakakilig ang pagkikita nina Bea Alonzo at Vico Sotto noong June 20, 2020, sa donation turnover ng I Am Hope sa Pasig City
PHOTO/S: courtesy of I Am Hope
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results