Pokwang may na-achieve nang mag-guest sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga!

by PEP Troika
Jun 20, 2020
Hudyat na kaya ang guesting ni Pokwang sa Eat Bulaga! ng mas marami pang guesting ng Kapamilya stars sa GMA-7?

JERRY OLEA

Mangiyak-ngiyak kunwari si Pokwang nang mag-guest sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! nitong Hunyo 20, Sabado, sa GMA-7.

Kinumusta ni Vic Sotto si Pokwang sa buhay-buhay nito during ECQ, at agad nag-emote ang comedienne.

Hanash ni Pokwang, “Naiiyak ako... huwag gano’n! Hindi, totoo ito...”

Pokwang Eat Bulaga

Continue reading below ↓

Napailing, napatungo, at tinakpan sandali ni Pokwang ng kanyang kamay ang bibig. Gumagaralgal ang boses ni Pokwang, “Kasi, Bossing, thank you po sa lahat. Thank you! Ang tagal... pero ano po, na-realize ko sa tatlong buwan, ngayon, kaninang bago pumunta rito, ngayon ko lang naramdaman na...

"Ang sarap pala na nakapag-shave ka ng kili-kili.

"Nagupit mo yung buhok mo sa ilong. Ang saya-saya ko, Bossing!

"Kasi kung hindi pa ako maggi-guest dito, hindi talaga ako magse-shave, ha!”

Ipinakita at ipinagmalaki ni Pokwang ang kanyang kanang kili-kili, “Huwag kang... O! O!”

Pokwang, Eat Bulaga

Continue reading below ↓

Habang hinaplus-haplos ni Pokwang ang kanyang kili-kili, aniya, “Bossing, alam mo naman, iyan lang ang pinakamaganda sa akin!”

Napangiting umayon si Vic.

Last year pa raw dapat nag-guest si Pokwang sa "Bawal Judgmental."

Kasama ni Vic si Pokwang sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Mission Unstapabol: The Don Identity, na nagtampok din kina Maine Mendoza, Jose Manalo, Jake Cuenca, at Wally Bayola.

GORGY RULA

Kahit biro iyon ni Pokwang, nakikita kong nararamdaman niya ang malaking pagbabago sa trabaho niya bilang artista.

Si Pokwang ay isa sa pinaka-busy na artista noon, at kung wala itong pandemic, maaring naglalagare pa ito kung makapag-guest man siya sa Eat Bulaga!

Pokwang Eat Bulaga

Continue reading below ↓

E, ngayon, itong guesting lang sa EB ang ginawa niya, kaya nakapag-ahit na siya ng kili-kili.

Kakaiba nga siguro ang naramdaman niya na after three months, ngayon lang siya uli nakita sa TV.

Ang isa pang kakaiba rito ay isang Kapamilya artist ang guest sa naturang noontime show.

Sana, maging normal na ito ngayon, na puwedeng mag-guest ang mga Kapamilya artists sa Kapuso network, at ganundin sana ang mga talents ng GMA-7 na posibleng mapanood din sa Kapamilya Channel.

Ewan kung mawawala nang tuluyan ang network war.

NOEL FERRER

Maraming mga leksiyon tayong natutunan ngayong pandemya.

Isa na rito ang pagbabalik ng bayanihan, at diyan nagpakaabala si Pokwang sa pagtulong sa mga kababayan natin.

Kung pagbabasehan ang kanyang social media posts, isa si Pokwang sa mga mulat at vocal sa pagnanais magkaroon ng maayos na pagbabago!

Ang iyak niya ay siyang tawa niya rin.

Isa itong tanong na may kasamang panalangin. Kailan nga ba matatapos ang ating pagkakahati-hati? Mabuti at sa guesting na ito sa “Bawal Judgmental” ay napapatunayan ni Pokwang na puwede siyang maging tulay ng pagkakaisa.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hudyat na kaya ang guesting ni Pokwang sa Eat Bulaga! ng mas marami pang guesting ng Kapamilya stars sa GMA-7?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results