Laos na nga ba si Sharon Cuneta?

by PEP Troika
Jun 20, 2020
Ngayong araw, June 20, 2020, hindi na nakapagtimpi si Sharon Cuneta at sinagot ang maaanghang na Facebook posts ng isang writer-director tungkol sa kanya.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

JERRY OLEA

Laos na ba si Sharon Cuneta?

Gimik ba niya ang pagpapaawa, pagpapahamak sa anak, at pahayag na magre-retire sa showbiz?

Walang-hiya ba ang 54-anyos na Megastar, at mega-flop na ang kanyang mga pelikula?

“Kailan ako GUMAMIT NG GIMIK SA LOOB NG 42 YEARS KO SA SHOWBIZ?” ang nanggagalaiting pahayag ni Sharon sa Facebook nitong Hunyo 20, Sabado ng hapon, bilang tugon sa post ng writer-director na si Ronald Carballo, na malapit niyang kaibigan noong kabataan niya.

“Maaaring di na singlaki ng kinikita ng movies ko noong nakasiyam—count themNINEstill UNMATCHED na BOX-OFFICE QUEEN TROPHIES ang kinikita ng movies ko ngayon.

"Pero huwag masyadong mabilis sa pagbitaw ng salitang ‘FLOP.’

"Ang comeback ko, hindi parating? Palpak ka na naman. 2017 pa ako nag-comeback sa pelikula!

"Naaalala mo ba ang isang pelikulang tinatawag na UNEXPECTEDLY YOURS na tumabo ng mahigit 300++ milyon sa takilya?

"Pati naman ang THREE WORDS TO FOREVER NA LIMITADO ANG PWEDENG GAWING ISTORYA DAHIL COMMITMENT NG STAR CINEMA SA REBISCO YUNG PROJECT ay DISENTE ANG KINITA.

Continue reading below ↓

"Yung KUWARESMA, nakabawi kami dahil sa Netflix—nakakatakot siguro masyado at di naman ako nanghinayang dahil napaka-high-quality naman ng pelikula namin ‘yon ni Direk Erik Matti at Kuya Dondon Monteverde.

"FYI, kundi nagka-COVID19, tapos na sana ang 2 pelikula ko for the year, isang multi-city concert tour sa AUSTRALIA, isang multi-city concert tour with REGINE ng ICONIC at 5 corporate shows (alam mo ba kung magkano ang talent fee ko para sa tatlong kanta for a corporate show?) and two TVCs.

"Grabe, laos na laos na talaga ako at kailangan ko talagang gumimik! Ayoko pa magretire kaya kailangan kong gumimik dahil WALA NA AKONG TRABAHO!!! Nakakaawa na ako!

"Wala akong career! Wala akong pera! Wala akong PAMILYA! Wala akong KAIBIGAN!..."

Bilang masugid na Sharonian na nakasubaybay sa kanyang career mula noong 1981, batid kong hindi totoo ang mga paratang sa Megastar.

Ipinagdiinan ni Sharon na hindi siya gigimik para wasakin ang reputasyon ng kanyang anak at makapukaw lang ng pansin.

Continue reading below ↓

"Excuse me—nagbabawas nga ako ng attention at 54 na ako,” ani Sharon, na hindi matatawaran ang kontribusyon sa local entertainment industry.

"In fairness, may career pa ako ha! At iba ang kinalakihan ko. Hindi kami ganong klaseng pamilya. Kung may tunay na may ugaling masama sa mga anak ko, lalabas at lalabas yon kahit hindi na ako magsalita.

"INA AKO. Hindi ako ang sisira sa sarili kong anak. Maliban na lang kung may masira ang ulo sa kanila at ako ang walanghiyain o baligtarin.

"Aba apat ang anak ko at dala ko pa rin ang mga pangalan ng Mommy at Daddy ko! Dedepensahan ko ang reputasyon namin kahit sa kadugo ko pa!"

NOEL FERRER

LAOS is a very harsh word.

Kailangang i-qualify iyan kung binibitawan dahil it determines dominance at a particular time—na kapag hindi malinaw ang sukatan at konteksto, it may really offend or create a major stir.

Ganyan ang nangyari sa kaso ni Shawie.

Continue reading below ↓

Dahil ako ay isang Sharonian, at objectively—sa narating ni Sharon at pinagdaananhinding-hindi siya malalaos para sa akin.

Marahil, puwede siyang mawala at magpahinga, but whatever she does will always be relevant hindi nga lang sa mundo ng entertainment dahil na rin sa pamilya at impluwensya niya, pati na lipunan in generalmapa-politika man o kahit sa business pa!

Kilala ko si Sharon at malamang napuno at nasagad siya sa mga ibinatong mga masasakit at bastos na mga paratang at banta sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kaso ang naghihintay sa mga tao who crossed her line, hindi lang social-media post. Kung may mabago man, and I know this will be a really painful (even messy issue dahil maraming opinyon at taong dawit), sana ay may maayos na kahihinatnan itong pagsiklab ng Megastar.

GORGY RULA

Ang pagsabihan kang laos ay puwede nating pansinin depende kung sino ang nagsabi. Naabot kaya ng nagsabi ang kasikatan ng isang taong sinabihan ng laos?

Continue reading below ↓

Dati kong kapitbahay si Kuya Ronald Carballo sa Quezon City at nasaksihan ko pa dati ang closeness nila ni Sharon.

May isang birthday celebration siya noon na dinaluhan ng Megastar.

Tama ang sinasabi ng iba, “Your best friend could be your worst enemy.”

Bakit kaya umabot sa ganoong gulo ang kanilang friendship? Ilang taon na raw na maaanghang ang post ni Kuya Ronald tungkol kay Sharon na hindi lang gaanong napag-usapan dahil sa Facebook account lang niya nababasa.

Kaya dinidedma na lang ito ng Megastar.

Pero napuno na siya ngayon dahil ang dami na ring nagalit at nagsasabing dapat nang paabutin ito sa korte.

Sa demandahan na nga kaya ang kahahantungan nito?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, June 20, 2020, hindi na nakapagtimpi si Sharon Cuneta at sinagot ang maaanghang na Facebook posts ng isang writer-director tungkol sa kanya.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results