Liza Dino, nakakaantig ang post para kay Ice Seguerra, na 'ate, tita, mama, baba, dad' ng anak

by PEP Troika
Jun 21, 2020
Saksi si Liza Dino (not in photo) sa pag-evolve ng tawag at turing ng anak na si Amara kay Ice Seguerra, “from Ate Aiza to Tita Aiza to Mama (for like 2 seconds) to Baba to... DAD."
PHOTO/S: @lizadino on Instagram

JERRY OLEA

Ibinunyag ni Liza Diño nitong Hunyo 21, Linggo, sa Facebook at Instagram ang evolution ng tawag at turing ng anak na si Amara kay Ice Seguerra.

“From Ate Aiza to Tita Aiza to Mama (for like 2 seconds) to Baba to... DAD,” lahad ni Liza.

Pagpapatuloy niya, “This journey was seven years in the making, and I bore witness sa mga pinagdaanan nyo para makarating dito.

"It wasn't easy—TRUST, RESPECT LOVE... these are earned, not demanded. I'm so happy because you both willingly took part in the process to get to the kind of relationship you have now.

"Kaya yung meaning ng DAD, alam niyo pareho kung gaano kahalaga, and when we reached the point that Amara voluntarily said she wants to call you DAD and not Baba, ang sarap pakinggan because I know how you both are taking this word to heart.

"One of my greatest joys is seeing this beautiful relationship evolve right in front of my eyes. What you and Amara have are uniquely yours, and Im proud of it.

Continue reading below ↓

"Sabi nga nya, you are the unbiased parent. Sa panahon ngayon na she's growing up so fast, she needs that kind of perspective.

"I hope she realizes how lucky she is to have three parents who love her so much—You, Me and Ken.

"Happy father's day, LOVE. Enjoy it because this is YOUR DAY.

"Hindi ka ate. Hindi ka Tita. Hindi ka Mama. Hindi ka na Baba.

"You are—Amara's ‘DAD.’

"Thank you for loving her unconditionally.

"Mahal na mahal kita!"

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakikita naman kung paano alagaan ni Ice si Amara kaya naging close sila sa isa't isa.

Sinasabi rin ni Liza noon na hindi rin ang nagkulang ang tunay na ama ng bagets.

Nagkakausap daw si Liza at ang tatay ni Amara kapag tungkol sa anak nila ang concern.

Wala namang problema ang ganoong kakaibang set-up basta napapag-usapan nang maayos.

Gusto ko ring batiin ang mga single mom na tumatayong ama sa kanilang mga anak ng Happy Father's day!

NOEL FERRER

Halos kapanabayan ni Ice sa showbiz ay si Billy Crawford na isa namang expectant dad.

May pangalan na raw sila sa para sa kanilang magiging anak na lalaki.

Yung second name na lang daw ang kulang. Sana lang, makuha ni baby ang looks ng Mommy Coleen niya pero iyung passion for performing naman ang makuha kay Billy.

Isa pang expectant dad ulit sa isang magiging Baby Boy (number 3) ay ang talent kong si Marco Alcaraz with Miss International Lara Quigaman-Alcaraz.

Continue reading below ↓

May pangalan na rin sila sa magiging anak nila na, I’m sure, nakabase sa Bible tulad ng naunang dalawa na Noah at Tobias.

Maligayang Araw ng mga Ama ngayon!

Dahil ang sabi, sa Pilipinas, the rest of the days ay araw na ng mga Ina.

Gaano katotoo yun, Father Gorgy! Maligayang Araw Mo!

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saksi si Liza Dino (not in photo) sa pag-evolve ng tawag at turing ng anak na si Amara kay Ice Seguerra, “from Ate Aiza to Tita Aiza to Mama (for like 2 seconds) to Baba to... DAD."
PHOTO/S: @lizadino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results