Ramon Revilla Sr. gustong mag-celebrate ng Father's Day kasama ang mga anak

by PEP Troika
Jun 21, 2020
Bong Revilla to dad Ramon Revilla Sr.: "Hangad ko na mabiyayaan ka ng kalusugan, kalakasan at kaligayahan upang mas marami pa tayong Father's Day na maipagdiwang..."
PHOTO/S: Bong Revilla on Facebook

JERRY OLEA

Humahaplos at kumukurot sa puso ang mensahe ni Senador Bong Revilla para kay dating Senador Ramon Revilla Sr.

Ang post ni Sen. Bong today sa Facebook, “Daddy, walang salitang makatutukoy sa pasasalamat ko sa Panginoon na pinili Niyang ikaw ang aking maging ama at ako ay iyong maging anak.

"Ikaw ang aking pinaka-idolo at pinakatatangi!

"Maraming salamat sa iyong walang sawang pagmamahal at paggabay sa akin mula sa aking kamusmusan hanggang ngayon na mayroon na akong sariling pamilya.

"Hinding-hindi ko kayang pantayan lahat ng sakripisyo mo upang maitaguyod ang ating pamilya. Sa kabila ng iyong karera sa showbiz hanggang sa pagiging lingkod bayan, hindi ka nawalan ng oras para sa amin na iyong mga supling.

"Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang agimat na nagpapalakas, nagpapatatag at nag-uugnay sa aming lahat bilang isang pamilya.

"Hangad ko na mabiyayaan ka ng kalusugan, kalakasan at kaligayahan upang mas marami pa tayong Father's Day na maipagdiwang, pati ang ating bonding kasama ang iyong mga apo tuwing Linggo ng hapon."

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang hiling lang pala ni Mang Ramon, 93, ay makakauwi siya ngayong Father's Day.

Gusto raw niya, sa bahay lang siya mag-celebrate kasama ang mga anak at mga apo. Hindi ko lang alam kung kakayanin at papayagan ng doktor.

Pero nagpapasalamat si Sen. Bong at mga kapatid na makakasama pa nila ang kanilang ama ngayong Father's Day.

Hangad nilang marami pa silang Father's day na ise-celebrate!

Matatandaang noong May 31 ay isinugod sa St. Dominic Medical Center si Mang Ramon dahil nahirapan ito sa paghinga. Inilipat siya sa St. Luke's Medical Center - Global City.

JERRY OLEA

Ang pagbati ni Aiko Melendez sa Facebook, “Happy Fathers day to all the single moms like me who continuously play the role of being the 2-1 in the family! You deserve to celebrate today, too!

"After all, it’s never easy being a Dad and Mom at the same time. Be proud of who you are, and what you sacrificed for the love of your children.

Continue reading below ↓

“God bless you all! Ooops Us all!

"Shout-out din sa mga single dads diyan! We rock! Don’t we?!”

Nakakaaliw ang dalawang shout-out ni Ogie Diaz sa FB: “‘Mama Ogs, happy Father’s Day!’ Nakakatawa yung tawag na Mama Ogs pero salamat sa mga bumati!

“Happy Father’s Day sa lahat ng dakilang ama sa lahat ng kanilang anak. Sa mga di kasama diyan, may chance pang maging.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bong Revilla to dad Ramon Revilla Sr.: "Hangad ko na mabiyayaan ka ng kalusugan, kalakasan at kaligayahan upang mas marami pa tayong Father's Day na maipagdiwang..."
PHOTO/S: Bong Revilla on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results