Detach Video
Bakit maraming nagalit sa unboxing video ni Matteo Guidicelli?
Jun 22, 2020

JERRY OLEA

Pagkatamis-tamis ng ngiti ni Matteo Guidicelli sa kanyang unang “unboxing” video na in-upload noong Hunyo 2, sa kanyang eponymous YouTube channel na may 53K subscribers.

“Enjoy!” sabi pa ng mister ni Sarah Geronimo.

As of this writing, naka-326.7K views na ang video, at 2.5K ang nag-thumbs up na pahiwatig ng pag-e-enjoy.

Pero mas marami ang nag-thumbs down o nag-dislike—22K.

So far ay 4K na ang nagkomento.

Four minutes and four seconds ang tagal ng nasabing video, entitled UNBOXING PLAYSTATION PRO 1TB. (All caps. Ibig sabihin, ipinagsisigawan niya.)

May pa-trivia ang 30-anyos na si Matteo na ang first-ever Play Station niya ay PS1 noong 8 or 9 years old siya.

Ang kapatid niyang si Paolo ang kumumbinsi raw sa kanyang kumuha ng PS4.

Siya nga pala, ang live performance ni Kim Chiu ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" sa YT channel ng Wish 107.5 ay naka-8.3M views na mula nang ma-publish noong Hunyo 5.

So far, 246K na ang thumbs up (likes) nito, samantalang 653K ang thumbs down (dislikes).

GORGY RULA

Noong Hunyo 2 pa na-upload ang unboxing video ni Matteo, pero ngayon lang napansin, na ikinagalit ng mga mahilig mag-playstation at nakakaintindi nito.

Basta raw kasi sinira ni Matteo ang box kung saan nandoon ang warranty nito.

Sagrado ang ganitong mga rituales sa aficionados.

Sabi ni Matteo, hindi siya talaga magaling sa unboxing kaya nagkamali nga siguro siya roon.

Ayun! Mahigit 15k ang tweets at ika-25 na ito sa trending ng Twitter.

Nang pinanood ko ang naturang video, parang okay lang naman sa akin kasi wala akong alam sa PS.

Pero iba ang dating nito sa mga nakaintindi kaya katakut-takot na panlalait ang inabot ni Matteo.

Ang nakakaloka lang, nadamay pa ang pagsasama nila ni Sarah.

Merong nagsabing nai-imagine nila kung paano api-apihin ni Matteo si Sarah habang nasa kusina ito. Unfair naman yun.

Meron pang nagsabing parang tama raw si Mommy Divine. Nakakuha tuloy ng simpatiya si Mommy Divine dahil lang sa unboxing ng PS4!

Sa kabilang banda, sa mga napapanood nating mga artista sa kani-kanyang YT channel o vlog, doon na rin nakikita ang tunay nilang karakter.

Kayo na ang humusga.

NOEL FERRER

Kasama ko lang sina Matteo at Sarah sa surprise Zoom party sa dapat-ninong nila sa kasal (at musical director) na si Louie Ocampo.

Ok na ok ang mag-asawa at sobrang maaliwalas at ang ganda ng mood nila, kaya I don’t think nakakaapekto sa kanila ang ganitong usapin ng netizens.

Nang batiin namin ang lahat sa grupo—tulad nina Senator Kiko Pangilinan, Martin Nievera, Gary Valenciano, Homer Flores, at iba pa—ng Happy Father’s Day, tinanong namin si Matt kung Happy Father’s Day na rin ba soon.

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Ang nakangiti lang niyang sagot, “Wala pa,” with his signature sweet and charming smile.

Darating din iyan in God’s time, sabi ng mga kasama sa thread.

As I said, I don’t think may puwang ang nega sa buhay nina Sarah at Matteo now. Let’s just be happy for them!

RELATED STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
Sa first unboxing video ni Matteo Guidicelli sa YouTube, happy ito sa bago niyang PS4 Pro 1TB, pero higit 22K ang dislikes, at nag-trending pa ito sa Twitter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results