Aiko Melendez, naghamon na ilabas ang alleged video scandal ng anak na si Andre Yllana

by PEP Troika
Jun 22, 2020
Aiko Melendez (left) to Twitter user who claims he has a copy of alleged video scandal of her son Andre Yllana (right): “I dare you! Ilabas mo kng me scandal anak ko!!!! Kapag wala ka mailabas ah ikaw ang ipapaproduce ko ng scandal mo mismo ah!"
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nag-tweet ang “jakolinks” nitong Hunyo 22, Lunes ng umaga, ng dalawang litrato ni Andre Yllana, ang panganay na anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Naka-pin iyon sa kanyang Twitter account, at ang paandar: “Not for Sale. Dami ko nakikitang pasikat sa twitter, kaya mag papasikat din ako, baka sabihin nyo weak si Doc Lito.

"Kapag umabot ng 25k ang followers ko, i popost ko ang video nya kaya RT na.
More RT more followers.

“Proof at the comment section.”


Continue reading below ↓

Nakarating kay Aiko ang nasabing tweet ni “jakolinks” na nagpapahiwatig na may videocall scandal ang 21-anyos na si Andre.

Ramdam namin ang ngitngit ni Aiko kay “jakolinks” sa Facebook post niya nitong Lunes ng tanghali:

“I dare you! Ilabas mo kng me scandal anak ko!!!!

"Kapag wala ka mailabas ah ikaw ang ipapaproduce ko ng scandal mo mismo ah!

"Wag ka bastos ah!

"Wag anak ko na si Andre Yllana matapang ka mangggamit!

“Ako harapin mo! at ang anak ko walang twitter po!

"Ang only legit na acct ng anak ko sa socmed is facebook at his upcoming Youtube channel! Kengkoy Bros!”

Nagbago ng username at handle si “jakolinks.”

Ginawa niya iyong “idoclito” at “SalamatDocLito,” respectively.


Continue reading below ↓

Hindi natin sigurado kung ang profile pic na nakalagay ay siya ngang may-ari ng nasabing Twitter account na nilikha noong Disyembre 2019.

Nagkomento sa thread ang isang Alexios, “Yari ka, the family is already coordinating with NBI. Mukhang mabobottom ka sa kulungan pre. Dun ka na lang gumawa at magbenta ng sex video. Sinayang mo buhay mo para sa ganitong video.”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nakakatakot ang mga panahon ngayon.

Maraming sanhi ng galit, at marami rin ang hindi napipigilang magalit!

Parang kalakaran ngayon ang maglabas ng mga saloobin sa social media, at kung gagawin ninyo iyan, akuin mo dapat ang mga ipinu-post mo.

Huwag kang magtago sa anonymous at fake accounts.

Sa puntong ito, nakita na naman natin ang mother’s wrath in Aiko. Tingnan natin kung saan hahantong ito.

Salat na nga tayo sa magagandang balita, heto pa talaga ang papalutangin sa social media.

Saan na ba tayo pupulutin? Haay, Diyos na mahabagin!!!

GORGY RULA

Ang pagkakaalam ko, ibang Andre ang may vidjakol, e.

Naniniwala akong walang ganoon si Andre Yllana.

Kaya dapat mag-ingat itong mga nagpo-post kung hindi naman nila kumpirmado.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez (left) to Twitter user who claims he has a copy of alleged video scandal of her son Andre Yllana (right): “I dare you! Ilabas mo kng me scandal anak ko!!!! Kapag wala ka mailabas ah ikaw ang ipapaproduce ko ng scandal mo mismo ah!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results