NOEL FERRER
Labis na natuwa ang jeepney drivers kay Kim Chiu nitong Hunyo 23, Martes.
Lumabas si Kim at inayudahan ang mga tsuper na matagal nang natengga sa pagtatrabaho.
Nitong mga nakaraang araw, isang kabalintunaan na ang dating pinapara at tinitigilan nating mga jeepney drivers ay siya nang pumapara para humingi ng tulong dahil nawalan sila ng arawang kita.
Kaya labis ang tuwa nila at ipinost ito ng grupong PISTON sa kanilang FB Page:
“TIGNAN: LUMABAS SI KIM CHIU para sa ating mga jeepney driver!
"Kasalukuyang namimigay ng relief goods ang PISTON kasama ang kanyang team sa mga tsuper ng Monumento- Baclaran- Avenida. #BalikPasada #MassTransportNow #NoToJeepneyPhaseout”
Mula sa amin sa PEP Troika, mabuhay ka at ang mabuti mong puso, Kim Chiu!!!
JERRY OLEA
Kim Chiu, pinasalamatan ng mga chiu-per! Bashers at haters ni Classmate Kim, supalpal na naman!
Love Thy Woman, Love Thy Kim Chiu! Tuwing 2:30 PM sa Kapamilya Channel.
Abang-abang din sa movie ni Kim with JM de Guzman, ang Pinoy remake ng horror thriller na U-Turn!
GORGY RULA
Noong Hunyo 7 ng umaga pa na-sold out ang Bawal Lumabas shirt for a cause.
Sabi ng Chinita Princess kaugnay sa nasabing merchandise, “Malaki po ang matutulong nito sa mga pamilyang bawal pa ring lumabas and donation for mass testing!”
Nag-comply si Classmate Kim sa Law ng Classroom, kaya love na love siya ng mga produktong ineendorso niya.
Share lang nang share si Kim ng blessings! Kaya lalo siyang nabibiyayaan!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
