Mayor Vico Sotto, piniling um-absent sa Father's Day celebration ng amang si Vic Sotto

by PEP Troika
Jun 23, 2020
Tuliy-tuloy ang gawain ni Mayor Vico Sotto nitong mga nakaraang araw sa Pasig City.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Post ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Hunyo 21, Linggo ng gabi, sa Facebook:

“Father's Day 2020. I wish i could spend some time with Papa or even my brothers. But i dont want to put them at risk.

“Kaya ayun, nag-meeting na lang kami sa opis tungkol sa palengke at sa economic stimulus package na isusumite namin sa Sanggunian bukas para sa approval nila.

“Wag kayong mag-alala... alam kong Sunday naman ngayon... so we kept our meeting very SHORT.”

Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy ang aktibidades ng ating lodi na si Mayor Vico.

Nitong Hunyo 22, Lunes ng gabi, nag-officiate siya sa kasal ng dalawang couple.

Kuwento ni Mayor Vico sa FB, “Nakakuha sila ng marriage license bago pa mag-ECQ. Pinayagan silang magtanggal ng mask, 5 seconds lang para mag-kiss!

“Kung may expiring marriage license kayo, tawag na po kayo office para ma-sked na natin ang seremonyang sibil.”

Continue reading below ↓

Nitong Hunyo 23, Martes ng umaga, may dinalaw siyang puntod sa sementeryo.

“I paid my respects to former Senate President Jovito Salonga, one of the greatest statesmen to have ever come out of Pasig,” aniya sa FB post.

“Kahapon ang ika-100 anibersaryo ng kanyang kapanganakan.

“Umikot na rin ako sa Barracks (Pasig City Cemetery) para tingnan ang status ng mga pinapagawa roon. Naabutan ko rin yung paalis nang sasakyan na susundo sa mga ike-cremate mamaya.”

Continue reading below ↓

Mabuhay ka, Mayor Vico!

GORGY RULA

Si Mayor Vico lang nga ang absent sa Father's Day celebration nila sa tahanan ng kanyang ama na si Vic Sotto.

Naintindihan ni Bossing Vic na di muna puwedeng humarap sa kanila si Mayor Vico dahil sobrang exposed ito sa napakaraming tao, kaya at risk siya.

Continue reading below ↓

Kagaya ng ate niyang si Danica Sotto-Pingris, nami-miss na rin ni Mayor Vico mayakap ang Papa Vic niya.

Isa pang nami-miss ni Mayor Vico ay ang bunsong kapatid na si Talitha, anak ni Vic kay Pauleen Luna.

Mahilig si Mayor Vico sa mga bata.

NOEL FERRER

Ngayon naman, habang ang leader ng ating bansa ay nagsasabing move on na lang at wala raw sisihan, heto si Pasig Mayor Vico Sotto who signed into a city ordinance the Pasig City Transparency Ordinance dahil may karapatan tayong malaman kung paano ginagamit ng gobyerno ang pera natin.

Ang sabi tuloy ng mamamayan sa ibang mga siyudad... Mayor Vico, how to be you po?

Sana all!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuliy-tuloy ang gawain ni Mayor Vico Sotto nitong mga nakaraang araw sa Pasig City.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results