GMA-7 programs, unti-unti nang magre-resume ng taping; Descendants of the Sun, sa 2021 na babalik?

by PEP Troika
Jun 26, 2020
Sa pagbabalik ng regular programs ng GMA-7, isa ang All-Out Sundays (kaliwa) sa unang magre-resume, samantalang posibleng sa 2021 na bumalik sa taping ang Descendants of the Sun (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal / GMA Network

GORGY RULA

Nag-iingat pa rin ang GMA-7 sa mga programang sisimulan nila.

Sa totoo lang, nakakatakot pa rin ang patuloy na pagtaas ng positive cases ng COVID-19.

Sana, pababa na ito sa susunod na buwan dahil, ayon sa mga nasagap namin, unti-unti nang ibabalik ng Kapuso network ang ilang programa nila.

Hindi pa nila ito kinukumpirma, pero ayon sa nasagap ng PEP Troika, ang isa sa unang magbabalik ay ang All-Out Sundays.

Pero Zoom lang daw muna at mayroon ding gagawin sa studio.

Magsisimula na rin daw mag-taping muli bandang July ang mga programang Pepito Manaloto, Amazing Earth, iBilib, Bubble Gang, at Dear Uge.

May apat na programa na ipinu-produce ng GMA News and Public Affairs na magbabalik na rin sa taping next month.

Kapansin-pansing wala pang mga drama series na magbabalik-taping.

May ilang artistang ayaw magpa-lock in, at hindi pa ganoon ka-safe sa ngayon, kaya wala pa tayong ideya kung kailan na sila magbabalik.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Naiintindihan natin ang ganyang posisyon—ang pag-iingat!

Pero ngayong hindi nagtatrabaho ang mga tao, at patuloy na kumikita ang network dahil sa ad load sa free TV, I suppose tuloy naman ang ayuda nila sa mga trabahador nila.

Pero paano ang talents?

I suppose, may advances din na pagtatrabahuhan nila later.

At paano sa kanilang pagbabalik, may pay cut din kaya katulad sa Kapamilya Channel?

JERRY OLEA

May mga online pasiklab ang mga artista ng Prima Donnas at Anak ni Waray vs Anak ni Biday, pero nakaka-miss mapanood ang pagpapatuloy ng kanilang istorya.

Iyong maaksyon na Descendants of the Sun, kapani-paniwala ang bali-balitang sa Enero 2021 magre-resume ang taping.

Ilang buwan pa ba ang bibilangin natin bago mapanood muli ang Bilangin Ang Bituin sa Langit, Magkaagaw ,at Love of My Life?

Sa pagdiriwang ng GMA-7 ng ika-70 anibersaryo, isusulong pa ba ng Kapuso Network ang First Yaya nina Gabby Concepcion at Marian Rivera; Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixon, Megan Young, at Bianca Umali; Owe My Love nina Lovi Poe at Benjamin Alves; Babawiin Ko Ang Lahat nina Pauline Mendoza at John Estrada; The Seed of Love nina Glaiza de Castro at Mike Tan; Sanggang Dikit nina Derek Ramsay at Andrea Torres; Lolong ni Ruru Madrid; at Voltes V Legacy?

Continue reading below ↓

Kumusta na rin ang Alamat ng Agila ni Senator Bong Revilla?

At tungkol sa paycut ng mga artistang Kapuso... porke ba may franchise ang GMA-7, hindi na papayag ang ibang talent managers na mabawasan ang TF ng kani-kanyang alaga?

Aba! UNFAIR iyon sa GMA, lalo pa’t dagdag-gastos din sa production budget nila ang pagsunod sa safety protocols and guidelines!

Inaasam nating maayos ang accommodation ng Kapuso stars and staff sakaling mag-balik taping ang kanilang mga drama series.

Kaya kung may kaukulang bawas ang TF ng Kapamilya stars, dapat iparamdam din ng Kapuso stars ang kanilang loyalty, pagmamahal, at pagmamalasakit sa nangungunang TV station ng bansa!

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagbabalik ng regular programs ng GMA-7, isa ang All-Out Sundays (kaliwa) sa unang magre-resume, samantalang posibleng sa 2021 na bumalik sa taping ang Descendants of the Sun (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results