Elijah Canlas, hindi lang magaling umarte, progressive and conscientious artist din

by PEP Troika
Jun 27, 2020
Elijah Canlas for Durex
Anti-terrorism bill noon, sa LBTQ Pride party naman susunod na makikita si Elijah Canlas.

JERRY OLEA

Mali ang aking sapantaha.

Akala ko ay si Pearl (Adrianna So) ang tinik, bubog o kalawang sa pag-iibigan nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).

Si Terrence (Kyle Velino) pala!

Si Terrence na ang username ay GavreelsOnlyLove.

At kagaya ni Gavreel, galit sa t-shirt. Mahilig maghubad!

Iyan po ang aking natanto sa Episode 5 ng BL series na Gameboys nitong Hunyo 26, Biyernes ng gabi.


Continue reading below ↓

Natalos ko rin sa nasabing episode entitled "Thrill of the Chase" kung ano ang ibig sabihin ng “lels.” Nyahahaha!

Trending topics sa Twitter nitong Friday night #GameboysEp5 (#2), Cairo (#12) at Pearl (#16).

Whiskey tango foxtrot! Ba’t wala si Gavreel?!

As of this writing, naka-241K views na ang Episode 5 ng Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Siyanga pala, lalahok si Elijah sa Durex Online Pride Party ngayong Hunyo 27, Sabado, 8:00-9:00 PM sa Facebook page ng DurexPH.

“No one way. Love all ways.” — iyan ang paandar ng Durex.

Hosted by Becky Nights, makiki-party rin dito ang transgender beauty queen na si Kevin Balot (Miss International Queen 2012), maging sina Sam YG, Slick Rick, at Tony Tony ng radio show na Boys Night Out.

Endorser ba si Elijah ng Durex condom kaya ka-join siya sa Online Pride Party?

“For this campaign lang po, tito. But I chose to accept it, kasi, I agree with the advocacy it promotes. Which is HIV Awareness and the Pride Month for the LGBTQIA+ community,” tugon ni Elijah via Messenger.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kamakailan ay sumali rin ang 19-anyos na si Elijah sa rally ng Anti-Terrorism Bill.

Lagi siyang involved sa mga isyung pinag-uusapan na pinaniniwalaan at pinanindigan niya.

Magaling umarte si Elijah at talagang bumagay sila ni Kokoy de Santos na napakagaling din sa Gameboys.

Sabi nga ng ilang showbiz observers, sa panahon ng pandemic ay mukhang mas lulutang at hindi mawawalan ng trabaho ang mga maliliit na artista kesa mga malalaking artista.

Pero kahit maliit na artista, mas aariba yung mga magagaling umarte kagaya nina Elijah at Kokoy.

Sana, may mga madi-discover pang magagaling na kagaya ng dalawang ito.

NOEL FERRER

Siyempre, pinanonood ko ang groundbreaking na Gameboys—at medyo pabebe na talaga si Cairo, ha?!

Pero magaling pa rin sina Elijah at Kokoy, pati naman si Adrianna.

Medyo kailangan pang mag-level up itong baguhan na si Kyle.

Kailangan kasi, bukod sa pagandahan ng kuwento at execution ay pagalingan din sa acting! It’s a tie naman.

Continue reading below ↓

So, para sa Hello Stranger, may JC Alcantara, 'tapos, sa Gameboys, merong Kyle Velino.

Unahan sila sa pag-improve sa acting.

On the point of socio-political orientation, maganda itong effort ni Elijah to position himself as a progressive and conscientious artist—being involved sa Anti-Terrorism Bill and LBTQ Pride Mobilizations.

Sana, all!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anti-terrorism bill noon, sa LBTQ Pride party naman susunod na makikita si Elijah Canlas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results