KC Montero at iba pang inarestro sa Makati, di pa alam kung kakasuhan o pagmumultahin

by PEP Troika
Jun 29, 2020
“Good na wala kaming nakuhang party drug, kasi it will aggravate the situation. It’s all about yung usual na drinking, liquor, nagkadikit-dikit, and yung iba po, not wearing protective gear," says Colonel Oscar Jacildo of Makati City Philippine National Police about more than 100 individuals, including TV host-actor KC Monter (in photo), arrested in a Makati bar Sunday, June 28.
PHOTO/S: Instagram / Makati City Police

GORGY RULA

Sa isang gym sa Barangay Guadalupe Nuevo sa Makati City dinala si KC Montero at iba pang mga nahuli ng Makati City Police sa isang restobar sa Salcedo Village, Makati City.

Kabilang din ang ilang British at Irish nationals na nahuli na nagpa-party raw sa restobar kahapon, June 28.

Ini-inquest na ngayong Lunes, June 29, si KC at iba pang mga inaresto upang madetermina kung kakasuhan sila o hindi sa paglabag sa mass gathering at social distancing protocols.

Nakausap ng PEP Troika si Colonel Oscar Jacildo ng Makati City Philippine National Police ngayong umaga.

Ayon sa kanya, nilabag umano nina KC ang Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases, at ang Article 151 ng Revised Penal Code o resistance and disobedience to a person in authority.

Nahuli raw nila ang grupo na nag-iinuman sa restobar.

Hindi rin daw pina-practice ng mga ito ang social distancing, at ang iba raw ay walang suot na face mask o anumang protective gear.

Continue reading below ↓

Nilinaw naman ni Jacildo na walang drugs na involved.

“Good na wala kaming nakuhang party drug, kasi it will aggravate the situation,” sabi ni Jacildo.

“It’s all about yung usual na drinking, liquor, nagkadikit-dikit, and yung iba po, not wearing protective gear.

“Parang normal days when you go to a party, ganun yung inabot ng mga tropa dun.”

Pero sinabi ni KC sa isang interview na may suot silang mask at may social distancing din daw. Magkakalayo rin daw ang mga mesa.

Wala pang masabi ang mga pulis kung ikukulong ang mga hinuli o magpu-post ng bail.

Depende raw ito sa resolution ng prosecutor na nag-i-inquest sa mga inaresto ngayong umaga.

“Nasa prosecution na, e. We will abide with the resolution of the prosecutor,” sabi pa ng Makati City police.

NOEL FERRER

Ito talaga ang focus—ang sampulan ng mga awtoridad ang private individuals.

At dahil celebrity si KC Montero, magiging high profile ito.

Continue reading below ↓

Kung ganito ang magiging kalakaran, sana’y maging consistent ito sa pagpapatupad.

Hindi tulad ng nangyari sa mañanita ng mga pulis at sa senador na nag-COVID positive na nilabag din ang protocols.

Ano na nga pala ang nangyari doon?

JERRY OLEA

Nabuburyong o nabubugnot na ba ang mga tao sa community quarantine kaya ipinagwawalang-bahala ang social distancing?

Nakakabahala rin iyong nabalitaan nating pagtitipun-tipon ng mga tao sa CCP Complex noong isang umaga, na karamihan ay walang face mask o face shield, at may mga umpuk-umpok!

Sumpa ni Covida Verde!

Hindi masusugpo ang pandemya hangga’t may mga pasaway!

Sige, matira ang matibay!

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Good na wala kaming nakuhang party drug, kasi it will aggravate the situation. It’s all about yung usual na drinking, liquor, nagkadikit-dikit, and yung iba po, not wearing protective gear," says Colonel Oscar Jacildo of Makati City Philippine National Police about more than 100 individuals, including TV host-actor KC Monter (in photo), arrested in a Makati bar Sunday, June 28.
PHOTO/S: Instagram / Makati City Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results