PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kokoy de Santos at Elijah Canlas, "ikinasal" na?

Elijah, ipinakilala bilang "Elijah Santos" sa CNN Philippines interview.
by PEP Troika
Published Jul 6, 2020
Nabaliw at nahibang at nagbunyi ang masusugid na sumusubaybay sa love story ng CaiReel nang ipakilala ang Gameboys stars na sina Kokoy de Santos (kaliwa) at Elijah Canlas (kanan) sa isang interview bilang "Kokoy de Santos at Elijah Santos."
PHOTO/S: Screen grab from IdeaFirst YouTube

JERRY OLEA

Na-shookt AF ang Gameboys fans sa Zoom interview ni Menchu Macapagal ng CNN Philippines kina Kokoy de Santos at Elijah Canlas nitong Hulyo 5, Linggo ng gabi.

Generic ang mga tanong ni Menchu, at safe ang mga sagot ng EliKoy (portmanteau ng Elijah at Kokoy).

Natigalgal ang Gameboys fans sa intro ni Menchu sa dalawa bilang "Kokoy de Santos at Elijah Santos."

Sa extro, inulit iyon ni Menchu, kaya nabaliw at nahibang at nagbunyi ang masusugid na sumusubaybay sa love story ng CaiReel (blending ng Cairo at Gavreel, na pangalan ng mga karakter nila sa first Pinoy BL series).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trending topics sa Twitter ang “Elijah Santos” at “#ELIKOYonCNNPhilippines.”

Sa inilabas na clip ng CNN Philippines, wala na iyong intro at thank you sa dulo ng panayam. Pero na-save iyon ng listong fans at nai-share sa Twitter.

Itong kolokoy na si Kokoy, inasar ang "baby" niyang si Elijah at nag-tweet agad-agad:

“Narinig niyo po mismo, LIVE sa CNN. Official na ‘Elijah Santos.’ Kami na!!! Chareng! Thanks for watching Guys! Love you all!! Stay safe [with red heart emoj]"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Elijah Canlas, ang username sa Twitter ay ginawang “Not Elijah Santos,” at tila sungit-sungitan sa reaksiyong tweet: “Luh.”

Kilig-kiligan ang Elijah Nation, Kolokoys, at EliKoys!

Naghimutok si Elijah sa Facebook, “Elijah Santos? Kasal na pala tayo Kokoy De Santos. 'Di ko nabalitaan.”

Pag-alo ni Kokoy, “Bakit nila sinabi agad. Okay lang yan. [with smiling emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ng certain LJ Royo, “ELIKOY IS REAL!” Na sinundan niya agad ng, “From CaiReel to CaiReal! [with five lovestruck emojis]”

Sa PEP Live nina Elijah at Kokoy ngayong Hulyo 6, Lunes, 6:00 P.M., sa Facebook page ng PEP, uuriratin ng PEPster na si Jimpy Anarcon ang “bagong kasal” na sina “Mr. & Mr. Canlas-de Santos”!

Best wishes!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Katulad ng AlDub, ang CaiReel ay naganap sa tamang panahon.

Actually nga, kung puwede lang, makisuyo ka kay Jimpy ng "PEP Live" ng questions na puwedeng sagutin ng most loved BL lockdown loveteam:

Justice League or Avengers?

Ilan na ang naging ex mo?

Dahan-dahan o mabilis?

On your wedding day (kung ikakasal man), what do you prefer to wear—tuxedo or barong Tagalog?

Saan ninyo bet mag-honeymoon—Baguio City or Boracay?

Mas gusto ninyong flavor ng ice cream—strawberry or chocolate?

Fresh milk or buko juice?

Baby blue or baby pink?

Yes or No—naghihilik ka ba kapag natutulog?

Lights on or lights off?

"Hanggang" by Wency Cornejo or "Walang Hanggang Paalam" by Joey Ayala?

Naniniwala ka ba sa forever?

Elijah at Kokoy... pakisagot naman mula sa inyong mga Tito Troika!!!

GORGY RULA

Nagkamali lang naman ng tawag si Menchu Macapagal ng CNN Philippines dahil hindi siguro siya familiar sa Gameboys at sa mga bida nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos, sinakyan na ngayon at ginawan na ng isyung kasal-kasal na ‘yan?!

Napakabata pa nila para pasukin nila iyan. Hayaan na muna sa pakilig-kilig silang dalawa dahil marami pang puwedeng gawin sa kuwento ng Gameboys.

Hindi ako naniniwalang may kasalang magaganap.

May mga nagtatanong na sa akin kung sinu-sino pa sa cutie actors ang bagay pagtambalin sa mga susunod pang BL series.

Ito lang kasi ang puwedeng gawin sa ngayon, habang naghihintay pa tayo sa mga susunod na gagawin ng ilang movie productions at TV networks.

Bilang magiging active uli ang TV5, matutuloy kaya this month ang premiere ng BL series nilang My Extra Ordinary?

JERRY OLEA

Menchu-to-Menchu Wedding?!

Sa gay lingo, ang ibig sabihin ng “menchu” ay “lalaki.”

Obviously, derived from “men.” Synonymous with mhin, menthol, menchang, and the likes.

Halimbawa, “Ang yummy ng bagong menchu ni Mommy Kimmy!”

Kaya naniniwala ako, itinadhana na si Menchu Macapagal ang “magkasal” kina Elijah at Kokoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong kasagsagan ng kalyeseryeng AlDub, andami-daming fan art na tampok sina Alden at Yaya Dub, maging sina Lola Nidora, Lola Tidora, at Lola Tinidora.

Ganoon din sa Pinoy BL series na Gameboys ngayon.

Bidang-bida sa mga fan art at meme sina Cairo at Gavreel, maging sina Pearl at Terrence.

Iyong Anti-Terrorism Bill, nasakyan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa isang meme na may picture ni Kyle Velino, “Just in! Anti Terrence Bill has been signed.”

Si Terrence kasi ang sagabal sa love story nina Cairo (Elijah) at Gavreel (Kokoy).

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabaliw at nahibang at nagbunyi ang masusugid na sumusubaybay sa love story ng CaiReel nang ipakilala ang Gameboys stars na sina Kokoy de Santos (kaliwa) at Elijah Canlas (kanan) sa isang interview bilang "Kokoy de Santos at Elijah Santos."
PHOTO/S: Screen grab from IdeaFirst YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results