PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hatol ng mga kongresista sa ABS-CBN franchise renewal, malalaman ngayong linggo

ABS-CBN franchise, pag-uusapan ng mga kongresista kung paano pagdedesisyunan?
by PEP Troika
Published Jul 6, 2020
Kapalaran ng ABS-CBN franchise, pag-uusapan ng mga kongresista kung paano pagdedesisyunan bago ang botohan?
PHOTO/S: House of Representatives of The Philippines / ABS-CBN Facebook

JERRY OLEA

Bilang Na Ang Oras Mo.

Title iyan ng 1985 action movie na pinagbidahan ni Rudy Fernandez. Co-stars niya rito sina Donna Villa, George Estregan, Paquito Diaz, Johnny Wilson, Dick Israel, Bomber Moran, at iba pa.

Naalala ko iyan ngayong Lunes, Hulyo 6, na may hearing ang House committee on legislative franchises sa Kongreso.

Tila kasi binibilangan—o kaya'y tinataningan na—ng mga maiinit na kongresista ang buhay ng ABS-CBN.

Gumitaw rin sa aking diwa ang kantang "My Way" na pinasikat ni Frank Sinatra noong 1969.

Ang musika niyon ay mula sa 1967 French song na “Comme d’habitude” na komposisyon at isinulat ni Jacques Revaux at inawit ni Claude Francois.

Ang English lyrics ay sinulat ni Paul Anka, at walang kaugnayan sa French original song.

Bahagi ng lyrics, "And now, the end is near / And so I face the final curtain..."

Nanindigan ang mga executives ng ABS-CBN at ipinaglaban ang kanilang network kahit hinihiya pa sila at pinagmumukhang walang kuwenta ng mga kongresista.

Chika via Facebook Messenger ng isang tech-savvy journalist nitong Hulyo 5, Linggo, "I just got notified by LinkedIn."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-update umano ng LinkedIn profile ang isang ABS-CBN reporter na naghahanap na ng ibang trabaho.

"Kaya ba meron nang memorial ang mga Kapamilya sa ABS-CBN Compound?Tinitirikan nila ng kandila, as if someone died," tanong ng tech-savvy journalist.

Ang ikinalukring ko, may nag-forward sa akin ng meme na tinatabunan ng lupa ang logo ng ABS-CBN. Inililibing.

Marahil ay alam na nila kung saan papunta ang boto ng 46 na kongresistang may hawak sa buhay o kamatayan ng network.

Pakatandaan lang ang kanta ni Lenny Kravitz, "It aint over till it's over."

Patuloy naman ang pagkalampag ng ABS-CBN supporters na paboran ng Kongreso ang ABS-CBN franchise.

Trending today sa Twitter ang hashtags na "#VoteYESforABSCBN" at #KapamilyaForever.

GORGY RULA

May ilang napagtanungan ako sa Kongreso, at sinabi ng isang source ko na magkakaroon daw ng meeting ngayon ang committee sa franchise issue ng ABS-CBN.

Pag-uusapan daw ang isyu ng bias, at pag-uusapan kung ihi-hearing pa ba ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung mapagdesisyunang hindi na, magkakaroon na ng botohan bukas, July 7, o kaya sa Miyerkules, June 8.

Medyo nakakapanghina ang ilang kuwentong nasagap ko, pero umaasa pa rin akong magiging maganda ang resulta sa panig ng Kapamilya network.

Ayon sa isang kongresistang nakausap ko, lahat daw ng napagdidesisyunan nila ay may basehan, hindi raw dahil sa nadiktahan o maaring awa rin sa mga taga-ABS-CBN.

Habang padami nang padami ang mga nagpopositibo sa COVID-19, sana itong isyu ng ABS-CBN franchise ay masaya at positibong resulta ang mababalitaan natin sa mga susunod na araw.

NOEL FERRER

Sa pagmo-monitor ko ng galawan sa social media, I came across breaking news na irereklamo umano ni Congressman Jesus "Boying" Remulla ng contempt si ABS-CBN President Carlo Katigbak.

Base ito sa Twitter post ng SMNI News kahapon, July 5.

Ang contempt o contempt of court, ayon sa lawphil.net, ay tumutukoy sa "willful disregard or disobedience of a public authority"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tapos, meron ding lumabas na issue tungkol sa diumano'y alleged careless Facebook post ng ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy, na sinasabing puwedeng mag-incriminate diumano sa kanyang home network.

Deleted na umano ang post na iyon ni Canoy.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng mga usap-usapang ito sa social media, lagi na lang ang panalangin ko ay mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ang paniniwala ko nga, "Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan."

Gusto ba nating basta patayin na lang ang Kapamilya network? Kung nagkamali man, isasara na ba agad?

Ayaw ba natin silang magbago? O bibigyan natin sila ng pagkakataon para itama ang mali at maging katuwang sa pag-unlad at pagsulong ng bansa?

We appeal for consideration and clear discernment. We stand by ABS-CBN and for any other media entity for that matter.

Patuloy tayong magdarasal para sa mabuting resolusyon sa isyung ito!

JERRY OLEA

Wala si Piolo Pascual sa tatlong araw na vigil ng mga manggagawa at tagasuporta ng ABS-CBN sa compound ng kumpanya sa Quezon City, mula Hulyo 4 hanggang 6, Sabado hanggang Lunes.

Nitong weekend ay bumiyahe sina Piolo, Direk Joyce Bernal, dalawang tsuper, at isa pang kasama pa-Sagada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Advance party sila para sa magsu-shoot doon ng footages na gagamitin sa nalalapit na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Istrikto ang community quarantine sa Sagada, kaya hindi pinayagan sina Piolo at Direk Joyce na mag-shooting doon.

Iyong three-day vigil ng mga Kapamilya ay bilang panawagan sa publiko na iparating sa mga mambabatas na bumoto ng “yes” sa prangkisa ng ABS-CBN.

Kilalang DDS si Vice Ganda, pero kaisa siya sa panawagan para mabigyan ng karagdagang 25-year franchise ang Kapamilya Network.

Katuwang din sina Martin Nievera, Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo, Angel Aquino, Karla Estrada, Jake Cuenca, Gary Valenciano, Daniel Padilla, Janella Salvador, Ruffa Gutierrez, KaladKaren, Karen Davila, Regine Velasquez, Agot Isidro, Ogie Diaz, Kyle Echarri, Khalil Ramos, at napakarami pang iba sa panawagan online para iapela ang positibong resulta para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Nanikluhod si Martin sa kanyang open letter para sa mga kongresista, “With every ounce of humility that I can muster, I beg of you, please give us a chance to be better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I pray you all make the right decision where it’s a win-win for all concerned.”

Pag-amin ni Judy Ann, “Tanging dasal na lang ang kinakapitan naming lahat, hindi na para lang sa aming mga artista kundi para sa pamilya ng mga empleyadong nawalan ng trabaho, para sa mga nangangailangan ng mga impormasyon sa mga malalayong lugar, para sa ekonomiya natin na patuloy ang pagbagsak dahil sa pandemya.”

Tuluyang hihinto ang operasyon ng broadcasting service ng ABS-CBN—na nagsimulang mag-operate noong 1953—sakaling manaig ang mas maraming “no” sa nalalapit na botohan ng mga kongresista.

Nasa 70 milyong mga Pilipino ang tumututok sa ABS-CBN kada linggo para sa balita, impormasyon, at kasiyahan noong nagbo-broadcast pa ito.

Nakatanggap na ng 181 petisyon ang Committee on Legislative Franchises ng Kamara na sumusuporta sa pagbibigay ng 25-year franchise sa ABS-CBN, pero sa kasalukuyan ay ang mga isyu na inihayag ng ilang grupong salungat dito pa lamang ang natatalakay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtipun-tipon ang mga manggagawa at tagasuporta ng network sa broadcast compound sa Sgt. Esguerra Avenue sa Quezon City para magsulat ng mga mensahe ng pagsuporta sa freedom wall na tinawag na RENEWall na nasa labas ng gate ng ABS-CBN.

Ang iba ay nag-iwan pa ng mga bulaklak at lobo sa paligid, na pawang puno ng mga banderang may dekorasyong puso na may kulay na red, green, at blue (RGB), ang mga kulay ng ABS-CBN logo.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapalaran ng ABS-CBN franchise, pag-uusapan ng mga kongresista kung paano pagdedesisyunan bago ang botohan?
PHOTO/S: House of Representatives of The Philippines / ABS-CBN Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results