PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Duterte supporter Elizabeth Oropesa, gustong mapatalsik sa puwesto sina Duque at Roque

Elizabeth Oropesa, magpoprodyus ng pelikula para makatulong sa taga-industriya.
by PEP Troika
Published Jul 8, 2020
Elizabeth Oropesa says she will ask the President to remove some government officials who are not doing their job: “Sasabihin ko sana sa kanya na bago mahuli ang lahat, tanggalin na ang dapat tanggalin... Lahat na kasiraan ng ginagawa ng mga kasamahan ng lahat na iniupo niya, sa kanya papatak. Siya ang tatamaan,”
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Magpo-produce ng pelikula si Elizabeth Oropesa para kahit paano ay mayroon daw trabaho ang ilang kasamahan natin sa movie industry.

Nakatsikahan namin ang veteran actress sa DZRH noong Lunes ng gabi, July 6.

Aniya, nasa gitna siya ng pre-production ng gagawin niyang indie film na ang kuwento ay tumatalakay sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kuwento raw ito ng magkapatid na matandang dalaga, at isa si Elizabeth sa gaganap na bida. Bumisita raw ang ang kapatid niyang biyuda at na-lockdown sila sa loob ng bahay noong ECQ.

Pagpapatuloy ni La Oropesa, “Nagkasama sila sa isang bahay. After a while, na-realize nila, they don’t really know each other.

“There were a lot of comedies there. Nakakatawa."

Sabi pa niya, “Maliit na pelikula lang ito. Konti lang kami, kasi hindi naman tayo puwedeng mag-shooting na maraming tao.”

ELIZABETH WANTS DUQUE AND ROQUE TO RESIGN

Dahil COVID-10 ang tinatalakay ng pelikula, may mga saloobin ang aktres kaugnay rito na hindi niya alam kung mai-inject sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dismayado kasi siya sa ilang opisyales ng gobyerno na gusto niyang mag-resign na lang.

“Ang dami kasing taong nakaupo sa gobyerno na akala nila, 100 percent, kakampi nila ako. Nagkakamali sila," sabi ni Elizabeth, na isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Number one si Duque, ayaw ko kay Duque. Ayaw ko kay Roque,” paulit-ulit na sabi ng aktres tungkol kay Department of Health Secretary Francsico Duque III.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya, “Ayaw ko kay Duque, kasi puro na lang kapalpakan.

"Lahat na lang ng mga sinasabi niya… pag sinabi niya, pula, actually puti yun.

"Pag sinabi niya brown, actually, ang ibig sabihin nun, black. Palaging mali.

“Tandaan mo iyan. Basahin mo lahat na pronouncements niya, puro baligtad.”

Pinuna rin ni Elizabeth ang pagbisita ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Ocean Adventure Park sa Subic, Bataan, noong July 1.

Nagpakuha pa ng larawan si Roque kasama ang mga dolphins.

Saad ni Elizabeth, “Ito namang si Roque, putsa naman, o!

"I’m a scuba diver, search and rescue ako.

“Lahat kami, law-abiding citizen, ipinagbawal iyan mag-scuba dive sa lahat.

"Ke professional ka, ke search and rescue ka, lahat bawal iyan.

“Tapos, nakipaglaro sa dolphins, naka-pose pa. Ano ba, hello?!"


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa niya, “E, ikaw namang nakaupo, hindi ka ba nahiya?”

Ang hiling daw niya sana sa Pangulo ay pagtatanggalin ang mga taong hindi nakakatulong sa pamahalaan.

“Sasabihin ko sana sa kanya na bago mahuli ang lahat, tanggalin na ang dapat tanggalin.

"Kasi, para kang nanghahatak ng hollow blocks.

“Pabigat nang pabigat ang hinahatak mo, nadadamay siya.

“Lahat na kasiraan ng ginagawa ng mga kasamahan ng lahat na iniupo niya, sa kanya papatak. Siya ang tatamaan,” pakli ni La Oropesa.

HOT STORIES

JERRY OLEA

Masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si Elizabeth.

“BASTA Ako Mahal ko ang PILIPINAS Kahit Anong Mangyari!” shout out niya sa Facebook noong Hunyo 26.

Kahit DDS, hindi niya pinalagpas ang palusot ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kesyo dolphins lang ang katabi nito nang mag-side trip kamakailan sa Ocean Adventure Subic Bay.

All caps, as in naghuhumiyaw ang himutok ni La Oropesa sa Facebook:

“ANONG KLASENG TAO KA SIR? HINDI KA BA NAHIHIYA? NASA GOBYERNO KA PA NAMAN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“KAMING MGA ORDINARYONG DIVERS, NAGTITIIS NA SUMUNOD SA NAKAKATAWANG BATAS NA MAY KINALAMAN SA SOCIAL DISTANCING.

“ANG MGA DIVERS PO NASA ILALIM NG TUBIG. MAY MASK. MAY SARILING OXYGEN. MAY WETSUIT NA MAS MAKAPAL PA SA PPE. PERO SUMUSUNOD KAMI DAHIL LAW ABIDING CITIZEN."


Patuloy niya, “TAPOS IKAW NAGAWA MO YAN? KUNG SABAGAY... MAY MGA PULIS NA KAHIT BAWAL, NAGDADA-DIVE. WALANG MAKASITA DAHIL TAKOT MARESBAKAN! MARAMI SA BATANGAS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MAY MGA WALANG TAKOT NA NAGPOPOST PA NGA! HINDI AKO MAKAHINGA SA ASAR KO SAYO SIR!”

NOEL FERRER

Kilala bilang mahusay na aktres si Elizabeth Oropesa at nagustuhan ko siya sa mga pelikula niyang Bulaklak Ng Maynila at Milagros noong nasa Young Critics Circle pa ako.

Paborito siyang aktres ni Ishmael Bernal at napanday rin siya ng magagaling nating direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, itong gagawin niyang bagong pelikula (hindi lang bilang aktres kundi bilang producer din) ay tatatak muli bilang isang gem sa Philippine cinema.

At hihintayin natin kung ang mahal niyang si Digong ay makikiisa sa nararamdaman ng tulad ni La Oro na umaayaw kina Duque at Roque.

Aaksyunan kaya ito o pababayaan na lang?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elizabeth Oropesa says she will ask the President to remove some government officials who are not doing their job: “Sasabihin ko sana sa kanya na bago mahuli ang lahat, tanggalin na ang dapat tanggalin... Lahat na kasiraan ng ginagawa ng mga kasamahan ng lahat na iniupo niya, sa kanya papatak. Siya ang tatamaan,”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results