PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, naka-self-quarantine pagkatapos ng lock-in shooting

Paolo Contis, di pwedeng lapitan sina LJ, Summer, at Aki.
by PEP Troika
Published Jul 9, 2020
Two weeks na magse-self-quarantine ang Kapuso actor na si Paolo Contis pagkatapos mag-shooting ng isang linggo sa Binangonan, Rizal para sa YouTube channel nila ng kanyang Bubble Gang co-stars.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Naka-self quarantine ngayon ang Kapuso actor na si Paolo Contis.

Kagagaling lang niya kasi sa shooting para sa YouTube channel nilang P.A.R.D. kasama sina Boy2 Quizon, Roadfil, RJ Padilla, Antonio Aquitania, at Sef Cadayona.

Text niya sa akin nitong Hulyo 9, Huwebes, “Kakauwi ko lang. Nag-shoot kami one week na naka-lock in sa Binangonan.

“So, naka-self quarantine ako ngayon, at hindi ko puwede lapitan si LJ, Aki, at Summer for two weeks.”

Marami silang kinunang online contents para sa YouTube at Facebook pages ng P.A.R.D. Kaya inabot sila ng isang linggo na dapat naka-lock in sa isang location.

Dusa kay Paolo ngayong dalawang linggo siyang hindi makalapit sa kanyang pamilya.

Kaya inaaliw na lang daw niya ang sarili sa pagsusulat ng iba’t ibang sketches na puwede nilang gamitin sa All-Out Sundays, na muling mapapanood sa Linggo, July 12.

Nag-iisip din si Paolo ng mga nakakatuwang material na puwedeng gamitin sa Bubble Gang sakaling magbalik-taping na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka puwede ninyong promote na rin na nasa Netflix na pala ang Through Night and Day,” pahabol pa niyang text sa akin.

Ang Through Night and Day (2018), na pinagtambalan nila ni Alessandra de Rossi, ang isa sa mga pelikulang ipinagmamalaki niya.

JERRY OLEA

Ingat! Dobleng ingat! Tripleng ingat!

Tiis-tiis kung ayaw mong ipahamak ang mga mahal mo sa buhay.

Kaya naiintindihan ko ang GMA Network kung hinay-hinay sila, at hindi nagmamadaling magbalik-taping ang kanilang mga TV program.

Mas mabuting isaalang-alang ang kaligtasan ng mga artista at crew.

Pagtiyagaan muna natin ang mga online pasiklab ng mga paborito nating artista.

Sa Netflix, sa tuwi-tuwina ay may mga bagong panoorin.

Andiyan ang Homemade anthology, tampok ang labimpitong (17) short films ng filmmakers na nasa iba’t ibang panig ng mundo ngayong may pandemya.

Nasa Netflix din ang makabuluhang serye na Coronavirus, Explained.

NOEL FERRER

Oo, kailangan ng content ngayon sa maraming platforms. At marami tayong mga kapatid sa industriya na gustong tumulong at gusto ring may pagkaabalahan. Maganda iyan!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero habang marami na tayong ginawang kawanggawa para sa frontliners at vulnerable sectors, sana rin, we respect the need of creative people’s valuation of their work.

Oo, magde-deliver ang mga kapatid natin sa industriya ng kanilang libreng services kung kailangan, pero huwag naman mamihasa ang mga humihingi ng concepts at nagpapa-brainstorm ng mga posibleng content, na gratis lang lahat.

Magbayad din po sana kayo nang tama, kasi hindi dapat nakadepende ang pamumuhay ng mga creative people sa ayuda.

Kasi, kung ganyan na lang if ever... lagot kayo kina Congressman Marcoleta, Remulla at Mike Defensor.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two weeks na magse-self-quarantine ang Kapuso actor na si Paolo Contis pagkatapos mag-shooting ng isang linggo sa Binangonan, Rizal para sa YouTube channel nila ng kanyang Bubble Gang co-stars.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results