Kampo ni Jinkee Pacquiao, pumalag sa pasaring ni Agot Isidro

by PEP Troika
Jul 9, 2020
Arnold Vegafria, as manager speaking for Jinkee Pacquiao (left), to Agot Isidro (right): “...please be more discerning about your use of the word ‘nouveau.’ The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Pumalag kay Agot Isidro ang business manager ng Pacquiao family na si Arnold L. Vegafria (ALV) nitong Hulyo 9, Huwebes ng gabi.

Nagpasaring kasi si Agot kay Jinkee Pacquiao kaugnay sa mga ipinu-post ni Jinkee sa Instagram ngayong panahon ng pandemya.

Post ni ALV sa Facebook: “What’s your issue, Agot?

Continue reading below ↓

“What Jinkee posts on her Instagram page is not for us to judge.

“What she does with her family’s hard-earned money is none of our business, because such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corruption.”

Ipinagdiinan ni ALV na nagsumikap si Jinkee sa investments nito bilang ismarte at masinop na negosyante.

Pagpapatuloy ni ALV, “You probably have no idea as to the extent by which the good Senator, Manny Pacquiao and his family, have done so much to help our countrymen, not just during the past three months during the height of the pandemic, but even way before when he was still working hard to achieve his iconic stature.

You probably don’t see or hear much about it because they are not the types to brag about their noble and charitable deeds for other people to see.

Continue reading below ↓

“They would rather do their humble acts of generosity away from the eyes of the media or the glare of the spotlight.”

Pakiusap ni ALV kay Agot, “And please be more discerning about your use of the word ‘nouveau.’

“The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help.

“Their fervent desire to serve their countrymen continues to inspire them to pursue higher education and excel in their public service endeavors.”

May pa-hashtags si ALV na #justsaying #unityinunderstanding

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Agree ako sa hanash ni Agot.

Naintindihan ko rin ang pagtatanggol ni ALV kay Jinkee dahil under sa management group niya si Senator Pacquiao at ang pamilya nito.

Ilan sa malapit sa mag-asawa ang nagsasabing matagal na raw nabili ni Jinkee ang dalawang bike na yun. Huli lang nai-post.

Sana, nakalimutan na lang niyang i-post.

Alam ng lahat na galing sa hirap ang mag-asawang Pacquiao, kaya naniniwala akong mas alam nila ang nararamdaman ng mahihirap.

Pero sa lumalalang sakit na dinadanas ng ating bansa, parang mas nanaisin kong manahimik na lang muna.

Isantabi muna ang sumbatan, pagpupuna, at pagmumura.

NOEL FERRER

Lampas ito sa usaping Jinkee at Agot na pareho kong kilala at nakakausap, ha?

Bilang public figures, at kahit ordinaryong tao nga, kapag nag-post tayo, kino-consume ito at binibigyan ng kahulugan ng ibang tao. (Labas ito sa kahit na anong pagtulong natin sa ating kapwa na tawag ng ating konsyensya bilang Pilipino.)

Continue reading below ↓

Ang tanong ko lang: Ano kaya ang mensaheng puwedeng ipahiwatig ng mga post natin na ganoon? Na mayaman tayo? Na nakaluluwag at kayang bilhin ang gusto?

At ngayong may pandemya, ano ang maitutulong ng ganitong mensahe sa publiko?

May matutunan tayo rito. Mabuting magnilay bago mag-post ng kahit ano, di ba?

May tamang panahon para sa mga ipo-post. May konteksto ang lahat.

Oo at personal nating space ang social media, but what we post always represents what we stand for.

We should never forget.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Vegafria, as manager speaking for Jinkee Pacquiao (left), to Agot Isidro (right): “...please be more discerning about your use of the word ‘nouveau.’ The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results