PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Piolo Pascual, humihingi ng compassion sa mga kongresistang boboto sa ABS-CBN franchise

Piolo Pascual, sumama sa caravan para sa franchise renewal ng ABS-CBN.
by PEP Troika
Published Jul 10, 2020
Nakiisa si Piolo Pascual sa caravan ng Kapamilya stars and employees sa Batasang Pambansa upang ipanawagan aa Kongreso ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN. Kasama ni Piolo sa kanang larawan si Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: Courtesy of Aaron Domingo

NOEL FERRER

Namataan ngayon si Piolo Pascual sa Batasang Pambansa bilang pagsuporta sa pagpapasa ng bagong prangkisa ng ABS-CBN.

Okey iyan, maganda iyan sa cause ng network na matagal na pinagtrabahuhan ni Piolo.

Nang kausapin siya ng ABS-CBN News, ang sabi niya, humihingi raw siya ng compassion para sa mga kongresistang boboto sa prangkisa ng ABS-CBN. Maganda rin yun.

Pero ang sinasabi ng ibang taong nandoon, sana, kay Presidente Duterte siya humingi ng compassion dahil isang kumpas lang ni Presidente Duterte, alam natin na susunod ang Kongreso.

Ano sa tingin ninyo, mga Ka-Troika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Lahat, may puna. Lahat, may kuda!

Hindi natin alam kung ano nasa puso ngayon ni Piolo. Baka puwedeng ibigay na natin sa kanya iyan.

Kung may mali man sa ginawa niya, pananagutan niya iyan sa network at sa kanyang konsensiya.

Mas nanaisin ko na lang ngayong mahamik at ipagdasal na malagpasan ang bigat na pinagdadaanan natin.

Pabigat nang pabigat at lalong lumalala ang kahirapan ng bansa.

Itong mga mahilig mag-comment at mag-bash, baka puwedeng lumabas kayo at tingnan ang paligid.

Lalong dumarami ang namamalimos, at ang pinakamasaklap, may mga bitbit pang tulog na sanggol na walang kamalay-malay sa kagigisnan nilang mundo.

Sa halip na bantayan ang mali ng kapwa, ano kaya ang puwede nating gawin na kahit paano ay may magawa tayong pantawid sa gutom na nararamdaman nila?

JERRY OLEA

Oo, si Piolo Pascual ang may hawak ng watawat ng bansa sa music video ng "Lupang Hinirang" na ginawa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Hinangaan natin si Piolo Pascual sa pagganap bilang aktibista sa Dekada ‘70—kung saan itinanghal siyang best supporting actor sa MMFF 2002, Gawad Urian, Star Awards for Movies, FAP/Luna Awards, Gawad Tanglaw, at Gawad Pasado.

Sa Young Critics Circle ay kinilalang Best Performers si Piolo at ang ina niya sa nasabing movie na si Vilma Santos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saludo tayo kay Piolo at co-actor na si John Lloyd Cruz sa pagbibida sa pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis (2016) ni Direktor Lav Diaz.

May iba pang makabuluhang pelikula si Piolo kay Direk Lav, maging kay Direk Brillante Mendoza.

Hinay-hinay tayo kung lilitisin si Piolo bilang artista at Pilipino. Hayaan nating kasaysayan ang humusga.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakiisa si Piolo Pascual sa caravan ng Kapamilya stars and employees sa Batasang Pambansa upang ipanawagan aa Kongreso ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN. Kasama ni Piolo sa kanang larawan si Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: Courtesy of Aaron Domingo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results