PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, sinabing may epekto sa lahat ang pag-reject ng Kongreso sa ABS-CBN franchise

Vice Ganda: "Hindi ito tungkol sa mga taga-ABS... Tungkol ‘to sa buhay natin."
by PEP Troika
Published Jul 10, 2020
Vice Ganda: "Hindi ito tungkol sa mga taga-ABS, hindi ito tungkol lang sa artista, tungkol ito sa ating lahat. Tungkol ‘to sa buhay natin. At naniniwala ako… kaya nga kayo lahat nandidito, e, dahil may epekto itong lahat sa inyo. Sa ating lahat ito, e.”

GORGY RULA

Gumagaralgal ang boses ni Vice Ganda nang nakapanayam siya ng media pagkatapos niyang mag-motorcade sa Quezon City nitong Biyernes ng hapon, July 10.

Pagdating niya sa labas ng ABS-CBN building, sinalubong siya ng ABS-CBN News at ng ibang reporters.

Doon lang niya nalamang na-deny ang application ng franchise ng ABS-CBN.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya alam ano ang isasagot nang tinanong siya ni Mario Dumaual tungkol sa desisyon ng Kongreso.

“Kailangan ko lang prosesohin ang naramdaman ko, kasi ngayon ko lang nalaman yung desisyon.

"So, magulo pa yung nararamdaman ko. Hindi ko alam.

"Para akong nanginginig na hindi ko alam. Ang alam ko, malungkot na malungkot ako ngayon," malumbay niyang pahayag.

Sinundan siya ng tanong ni Val Gonzales ng DZRH sa kung ano ang kahulugan nito sa kanya.

Ani Vice, “Mahalaga ito sa akin dahil buhay natin ‘to, e.

“Buhay ko, buhay ninyo, buhay ng audience, buhay ng madlang people, buhay ng mga kapamilya, buhay ng mga Pilipino, buhay natin ‘to.

“Ang ABS-CBN… ang serbisyong ibinibigay niya ay naging malaking bahagi ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Napakalaking bahagi.

“So, tungkol ito sa ating lahat.

"Hindi ito tungkol sa mga taga-ABS, hindi ito tungkol lang sa artista, tungkol ito sa ating lahat. Tungkol ‘to sa buhay natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At naniniwala ako… kaya nga kayo lahat nandidito, e, dahil may epekto itong lahat sa inyo. Sa ating lahat ito, e.”

Ramdam ko ang matinding kalungkutan ni Vice at ng mga taga-Kapamilya network sa lumabas na desisyon.

Agree ako sa sinabi ni Vice na hindi lang ito sa ABS-CBN, kundi para sa ating lahat.

Sa isang mahirap na bansa na humaharap sa pandemyang ito, talagang napagdesisyunan pa ng ating legislators na ipasara ang isa sa pinakamalaking kumpanya?

Nalulungkot tayo kapag nababalitaan nating isa-isa nang nagsara ang ibang kumpanya dahil sa mahinang pagpasok ng negosyo.

Tapos, heto't basta na lang ipasasara ang TV network na ewan ko kung pinag-aralan nila kung ano ang magiging epekto nito sa taumbayan.

JERRY OLEA

“Sabi ko nga, ang Diyos ang pinakamahusay na direktor, producer at scriptwriter.

"At alam kong kung comedy man, horror, action, drama ang mga pangyayari, happy ending pa rin ‘yan.

“Kaya kung hindi pa happy... ang ibig sabihin, hindi pa ending.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag na pahayag iyan ni Vice matapos paslangin sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN Network.

Natokhang ba ito?

Pwedeng umapela ang Kapamilya Network sa loob ng 24 oras—sapagka’t ang batas ay batas. At ang moro-moro ay moro-moro.

NOEL FERRER

Almost out of words.

WALANG PAKIRAMDAM. WALANG DAMDAMIN. MAGMULAT. GUMISING.

Heto lang ang gusto kong sabihin:

Kasabay ng paghahanap natin ng lunas sa COVID, sana makahanap din tayo ng gamot sa malubhang sakit ng ating lipunan.

Sana, marami tayong matutunan sa pangyayaring ito na babaunin natin sa 2022!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: "Hindi ito tungkol sa mga taga-ABS, hindi ito tungkol lang sa artista, tungkol ito sa ating lahat. Tungkol ‘to sa buhay natin. At naniniwala ako… kaya nga kayo lahat nandidito, e, dahil may epekto itong lahat sa inyo. Sa ating lahat ito, e.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results