PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

OPM artists, sasabayan ang SONA ni Pangulong Duterte ng "SONAgkaisa" concert

Mga artista sa TV, pelikula, at teatro, magsasagawa ng alternative SONA.
by PEP Troika
Published Jul 16, 2020
Mga artista sa TV, pelikula, at teatro, isasagawa ang Tinig Ng Bayan: SONAgkaisa concert sa July 27, ang araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Presidential Communications Facebook

JERRY OLEA

Ang pinakaunang prayer rally ng mga Kapamilya ay ginanap noong Pebrero 14, Biyernes, Araw ng mga Puso, sa labas ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Itinakda tuwing Biyernes ang mass gathering para isulong ang renewal ng prangkisa ng network.

Ngunit naudlot iyon dahil sa pandemya at sa ipinatupad na enhanced community quarantine simula March 15, Linggo.

Noong May 5, ipinasara ang ABS-CBN ng National Telecommunications Commission nang mapaso ang prangkisa ng network.

Hanggang sa nitong Hulyo 10, Biyernes, tuluyang pinaslang sa Kongreso ang application para sa bago sanang prangkisa ng ABS-CBN.

Abangan natin kung mananahimik lang ba at mananalangin ang mga Kapamilya bukas, Hulyo 17, Biyernes, ang unang weeksary ng hatol ng Kongreso.

Sa Hulyo 27, Lunes, ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tweet ng multi-awarded Kapamilya scripwriter na si Jerry B. Gracio nitong Hulyo 15, Miyerkules: "Sa araw ng SONA ng pangulo, puwede bang lahat ng artists na fed-up na sa mga nangyayari sa bayan, mag-on line concert na lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hayaan na natin ang Kongreso na makinig sa mga boladas niya. Sila-sila na lang magbolahan."


Noong Hulyo 11, Sabado, nag-resign si tukayong Jerry B. Gracio bilang Commissioner for Samar-Leyte Languages sa KWF (Komisyon sa Wikang Filipino), dahil hindi raw niya maatim na magsilbi sa isang "fascist government."

NOEL FERRER

Bilang tugon sa panawagan na magkaroon ng "alternative SONA," ang bilis mag-organisa ng mga grupo ng mga musikero at mga artista sa TV, pelikula, at teatro para buuin ang "Tinig ng Bayan: SONAgkaisa concert."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama ang mga pinakamatatapang at maniningning na pangalan sa ating industriya, ibubuhos nila ang lungkot at galit at tapang sa kanilang sining.

Aabangan natin kung sinu-sinong AKTOR ang lalabas dahil ito na ang grupo ng FED UP artists—as in fed up sa power tripping, fake news, trolls, at incompetence na lalo pang na-expose ngayong panahon ng COVID.

This will be streamed via Radyo Katipunan and a lot of campus radios and Facebook pages of the artists involved on SONA day, JULY 27, Monday, at 3 to 6 p.m.

Malay mo, baka makakuha pa ito ng suporta sa mga mainstream networks!

Bukas pa ang grupo sa mga sasali sa alternatibong pagkilos na ito.

Kusang loob at para sa pagmamahal sa bayan ito.

GORGY RULA

Pagkatapos ng announcement ng retrenchment ng ABS-CBN, hindi na raw pumasok ang ibang empleyado.

Talagang bagsak na raw ang morale nila, at ang iba ay hindi alam kung ano ang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa pinangangambahan ngayon ay ang mental health ng Kapamilya employees.

Meron pa nga raw na nahawa na ng COVID-19. Kaya bukod sa nawalan na sila ng trabaho, hindi na rin nila alam kung saan sila kukuha ng pambayad ng hospital bill.

Napakasakit talaga nitong pinagdaanan nila.

Sa panahon ngayon, ibayong pag-iingat ang kailangan sa ating kalusugan. Lampas 61,000 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Heto pa... Isang producer ang napagtanungan ko kung may mga nag-apply sa kanya ngayon dahil sa balak nitong pag-produce ng TV shows para sa ibang istasyon.

Aniya, napakaraming nag-apply sa kanya at gustong magtrabaho sa mga gagawin niyang programa.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga artista sa TV, pelikula, at teatro, isasagawa ang Tinig Ng Bayan: SONAgkaisa concert sa July 27, ang araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Presidential Communications Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results