JERRY OLEA
Umabot sa 17K ang live audience sa premiere ng Episode 8 (“No Matter What”) ng Gameboys nitong Hulyo 17, Biyernes, 8:00 P.M., sa YouTube channel ng The IdeaFirst.
Sa Twitter, nag-#1 trending ito sa Philippines, #4 worldwide at sa Puerto Rico, at #36 sa USA.

Sa episode na ito, meron nang mga karakter na nagkita sa personal.
Nakausap ni Cairo (Elijah Canlas) nang harapan ang kanyang Kuya London (ginampanan ng kuya ni Elijah na si Jerom Canlas).

Meron ding flashback scenes ng bonding moments ni Cairo at ng kanyang Daddy Arturo (ginampanan ng tatay ni Elijah na si Rommel Canlas).

Nagbalik ang bugok na si Terrence (Kyle Velino), na umamin kay Pearl (Adrianna So) na may problema siya sa mental health. May redemption si Kyle!
Walang dialogue si Risa (Angellie Saño) pero ang lakas ng dating ng hitad bilang dating kaibigan ni Cairo na hopia at asado.
Matindi rin ang impact ni Mommy Leila (Sue Prado) nang magkausap sila ng anak na si Cairo.

Siyempre, ang sentro ng Gameboys ay ang unti-unting pamumukadkad ng pagmamahalan nina Cairo at Gavreel (Kokoy de Santos).
Nakakakilig ang reaksiyon ni Gavreel nang sabihin ni Cairo ang bagong username nito.

GORGY RULA
Ginanap ang 1st International Reactors’ Meet ng Gameboys nitong Biyernes ng 6 P.M., sa Facebook page ng The IdeaFirst Company.

Kuwento ng isang Gameboys fanghorl, “Tilian agad ang fans nang isa-isang pumasok sa Zoom sina Elijah, Adrianna, at Kokoy.
“Si Elijah at si Adrianna, ang galing sumagot in English.
"Si Kokoy, hirap mag-express sa Ingles. Tapos, ang sama ng connection ni Kokoy, laging napuputol.
“Aliw ang mga afam, sobrang fans ng GB! Patok sa mga afam ang jologs humor ni Kokoy.
"Benta sa kanila ang naughty pickup line niya kay Elijah tungkol sa HOTDOG!
“Iyong black girl at ang mga beks, elyah-elyah kay Kokoy. Ang haharot ng mga hitad.
“Selos kunwari si Elijah kaya nag-walkout!”
At any rate, itong Episode 8 ang pinaka-heart wrenching sa lahat ng episodes ng Gameboys so far.
Pinagpugayan dito ang freelance cinematographer na si Joseph de los Reyes, 32, isa sa mga unang taga-showbiz na pumanaw dahil sa COVID-19.
Abril 3 yumao si Joseph, na naging DOP (director of photography) sa Kapuso shows na Sahaya, Wagas, Karelasyon, Tadhana, Dangwa, Sirkus, at Magpakailanman.

Kuwento ni Direk Perci Intalan, na executive producer sa The IdeaFirst Company katuwang ang asawang si Direk Jun Lana, “Nakatrabaho rin namin si Joseph sa Big Night, yung movie ni Jun with Christian Bables na natapos namin before quarantine.
“Si Ash de los Reyes na wife ni Joseph yung may post, ka-work din namin siya. Kaya ginawa talaga yung part na yun para sa lahat ng nagpaalam, nangulila, at nalampasan ang Covid.”
Ang episode na ito ay sponsored ng TM. May dalawa pang episodes ang Season 1 ng Gameboys, na idinidirek ni Ivan Andrew Payawal, mula sa panulat ni Ash M. Malanum.
JERRY OLEA
Nag-last shoot day na si Kokoy sa Gameboys nitong Biyernes.
Napuputol ang connection ni Kokoy sa 1st International Reactors’ Meet ng Gameboys dahil wala siya sa bahay.
Tatapusin kapagkuwan ni Kokoy ang Pinoy BL series na Oh, Mando! with Alex Diaz, Barbie Imperial, and Migs Villasis, sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr.
Tinatapos na ni Ash Malanum ang screenplay ng Gameboys movie.
Siyanga pala, noong Hulyo 8, Miyerkules, in-upload ang kantang "Hiling" sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.
Akala ko tuloy ay sa Episode 7 (“Elephant in the Room,” na in-upload noong Hulyo 10) gagamitin ang "Hiling."
Kinanta ito ni Joshua Ronett, words and music by Emerzon Texon, additional lyrics by Elmer Gatchalian.
Tagos sa puso ang paghibik sa mga titik ng awit, “Ako’y humihiling sa mga bituin na ikaw ay dumating, sana’y makapiling
“Hinahanap ka pag ika’y wala, di ako mapakali kahit sandali/ Saan ang daan sa ‘yong puso?
“Pupuntahan kahit malayo/ Tutuparin ang aking pangako na tayo’y magtatagpo “Sa ngayon, ang hiling, ika’y makapiling...”
Swak na swak iyon sa mga hugot nina Cairo at Gavreel sa Episode 7, pero mas malalim at mas mahapdi pala ang pinaglaanan ng "Hiling" sa Episode 8.
Sino kamo si Joshua Ronett na umawit ng "Hiling"?
Kuwento ni Direk Perci Intalan nang maka-chat namin noong Hulyo 8 ng gabi via Messenger: “Na-discover ko si Joshua last week sa Twitter, nakita ko ang YouTube channel niya and na-realize naming magaling siyang kumanta.
“Tamang-tama naman, ipinarinig sa amin ni Emerzon yung study niya for 'Hiling.'
“Noong hinahanap na namin si Joshua kung paano makontak, nalaman namin na dating schoolmate siya ni Elijah.
“Talagang small world, di ba? Naghahanap talaga kami noong simula pa lang ng singer na kasing-age lang nina Elijah at Kokoy, yung may raw at batang sound para POV talaga ng characters.”
Twenty-one (21) years old si Joshua, na schoolmate dati ni Elijah sa MINT College, McKinley Hill, Taguig City.
May Gameboys fans na nagsabing perfect match si Joshua para kay Kyle Velino!
NOEL FERRER
What I’ve always liked about Gameboys is its well-thought out storyline, good character development and, yes, good acting—na sobrang angat sa ibang mga BL series.
Bigger expectations kapag ginawa na ito for the big screen. Pero with the following that it has created, sana ay mas lumawak pa ang suporta ng mga tao para sa BL series na ito.
Apart from their roles, it also helps na mga conscienticized people of the Philippines ang mga artista rito. Tumataya at naninindigan.
Katulad ng pagtataya nila ukol sa gender equality and LGBT rights, alam mong progresibo ang tinatahak nilang kaayusan ng lipunan.
Dahil diyan, ipinagkakapuri talaga natin ang Gameboys.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
