GORGY RULA
Nawala ang antok ng isang kaibigan ng PEP Troika sa bumungad sa kanya sa Instagram nitong Hulyo 18, Sabado ng umaga.
Isang aktor na nalilinya sa comedy ang nag-IG live nang mga oras na iyon. Sinasagot ng aktor ang matatapang na tanong.
May isang deretsahang nagtanong kung naka-experience ba siyang makipag-sex sa kapwa lalaki. Kung pumapatol ba siya both sexes.
Sabi ng aktor, “Noon, nag-explore ako, na feeling ko, I’m bisexual.
“But I don’t know kung may tendencies, e.
“I get attracted to guys. Pero not to the point na I’d been in a relationship with a guy.
“I don’t know, baka hindi lang dumadating pa yung lalaking magpapatibok ng puso ko. Wow!
“Kung meron man, hindi ko naman itatanggi, Pero wala, e.”
Malapit na kayang mag-out itong si Aktor?
Noon pa man ay pinagduduhan na ang kasarian niya nang sumali siya sa isang talent-reality search.
Pero nakalimutan na ang tsismis na yun dahil alam ng lahat na girlfriend niya ang isa sa nakasabayan niya sa reality show na yun.
Hindi ko lang alam kung sila pa rin hanggang ngayon.
Baka type niyang sumali sa mga BL series, dahil dito nakikita na tila open na open na sa same sex relationship ang millennials sa ngayon, kagaya nitong si Aktor.
NOEL FERRER
Naku, mahal ko ang twentysomething actor na yan! Crush iyan ng isang direktor na malapit din sa akin.
Anupaman ang kanyang sexual preference, mananatili siyang talented na hindi lang aktor, kundi writer at musikero rin!
Nauna na siyang gumanap sa isang LGBT film noong 2016.
Sayang lang at hindi gaano kagaling ang kasama niyang swarsh-swarsh na starlet!
JERRY OLEA
Noon pa man ay mahiwaga ang ngiti ng aktor na iyan, na sadyang mahusay umawit.
Ipinapahiwatig ng kanyang mga mata na hindi pa niya ganap na arok ang kanyang sexual preference.
Nag-explore siya noon at naging adventurous online.
Off the record, inamin niya sa isang presscon na siya nga yung nasa video na pinapaligaya ang sarili.
Nilinaw niyang babae ang ka-chat niya nang mga sandaling iyon.
Huwag nating husgahan ang moral values ng aktor, na magiliw kapag iniinterbyu ng mga taga-entertainment media.
