NOEL FERRER
Napanood ko ang episode ng Paano Kita Mapasasalamatan nitong Hulyo 18, Sabado ng gabi, na programang hosted by Judy Ann Santos-Agoncillo.
Maayos ang takbo ng programa with its usual inspiring chain of gratitude.
Muli, even under conditions of quarantine, masasabi kong pulido at topnotch ang technical values ng programa, na bukod sa documentary portion ay may reenactments pa, na gamit ang hindi mga pipitsuging artista, ha, in all fairness!
Fast forward to the closing spiels ni Juday, bigla na lang siyang dinatnan ng bara sa lalamunan nang sabihin niyang, “Muli, isang mahigpit na mahigpit na mahigpit na yakap sa inyo, mga Kapamiiya... “ na halos maiyak na nang mag-exit frame.
True enough, noong closing credits na, may outtake pala yun na halos hindi masabi ni Juday ang linya, dahil sa lungkot na nararamdaman sa dami ng nababalitaang mawawalan ng trabaho sa kanyang Mother Station.
Nang tanungin ko ang program head ni Juday, nagulat na lang ako na isa pa rin pala siya sa mga casualty ng retrenchment.
Ang lungkot talaga!!!
Marami pa silang ganito ang sitwasyon.
SANA, PATULOY NATING GISINGIN ANG ATING MGA KABABAYAN na hindi dapat tayo manatili sa ganito!!!
WE DESERVE BETTER!
Kasabay ng pagdarasal (lalo pa’t araw ng pagsamba ngayon), sana ay kumilos tayo, magtaya, manindigan, makiisa sa mga boses ng mga maliliit na siyang sobrang naghihirap ngayon!!!
Nakakatuwa lang talaga those WHO HAVE STOOD IN SOLIDARITY WITH THIS CAUSE!
Ako man ay malungkot at galit pa rin, pero TULOY ANG PUSO!
Mahigpit na yakap, mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Dabarkads... lahat-lahat, mga Kababayan!
JERRY OLEA
“Lilipas din ito.” Tuloy ang ikot at ikit ng mundo.
Pagsubok sa atin ang pandemya, at habang tumatagal ay lumalala ang sitwasyon sa ating bansa.
Pumapangalaw lamang ang Pilipinas sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) countries na may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19. Ang Indonesia ang nangunguna.
Nakakalungkot. Nakakaiyak. Hanggang kailan natin mapapanood ang makabuluhang programa ni Juday na Paano Kita Mapasasalamatan?
Maraming tanong na naglalaro sa ating isip ngayon. At sa mga susunod na araw ay marami pang tanong na manunuot sa ating mga buto at sikmura.
GORGY RULA
Itong 2020 ang hinding-hindi makakalimutan nating lahat.
Isipin na lang natin na sana, may magandang kalalabasan ito.
Masakit talagang pakinggan ang hinaing ng ilang kaibigang ramdam na nilang mapapasama sila sa retrenchment.
Kaya nagsisimula na silang maghanap ng mapapasukan sa ilang produksyon.
Ini-endorse na rin namin sila sa ilang kakilala naming magpu-produce ng shows.
Maraming naka-line up na gagawin sa TV5.
Si Pokwang, dalawa na raw ang gagawing programang mapapanood sa TV5.
May isang young actress na gusto ring bigyan ng magandang programa, pero tinanggihan raw ng magulang.
Natatakot kasi silang lumabas ang nag-iisang anak at baka mahawa pa ng COVID-19. Kaya okey lang daw na wala munang ginagawa ang anak, kahit tempting ang offer.
Sana, matuloy rin ang ilang produksyong gagawin sa IBC-13, at kung totoong magtatayo si Vice Ganda ng sariling produksyon, sana’y ma-absorb nila ang ilang tauhang natanggal.
Lahat tayo ay naghihirap. Lahat ay nagdarasal na matapos na ito, na malagpasan natin ang matinding pagsubok na hinaharap natin.
Kapit lang at mas mag-focus sa kung ano ang susunod na gagawin at huwag nang pairalin ang matinding galit.
Sana, magsisilbing leksyon na rin ito sa mga hindi nawalan ng trabaho, na dapat ayusin ang trabaho nila dahil marami ang puwedeng pumalit na mas marunong at mas magaling sa kanila.
