PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5, bubuhayin ang entertainment content via five Tagalog-dubbed series

Limang Tagalog-dubbed series, ilulunsad ngayon July 20.
by PEP Troika
Published Jul 20, 2020
Kabilang sa Tagalog-dubbed series na magsisimula ngayong July 20 ay ang (clockwise) Gotham, Tierra de Reyes, Betty Sa NY, at Legends of Tomorrow.

JERRY OLEA

Ngayong Hulyo 20, Lunes, mistulang phoenix ang TV5 na nabuhay ang entertainment content sa pag-uumpisa ng limang Tagalog-dubbed series.

Simula today, mapapanood sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes ang Furious Fire (1:00 PM), DC’s Legends of Tomorrow (7:30 PM), Gotham (8:30 PM), Betty sa NY (9:30 PM), at Tierra de Reyes (10:30 PM).

Limang bagong palabas kung weekdays sa TV5!

Ang Furious Fire ay award-winning Thai drama tungkol sa dalawang magkaibang mundo na pinag-isa ng tadhana.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa teaser, “Isang maghihiganti. Isang lalaban para sa pamilya. Nakatakdang magtagpo. Magkasamang lalaban para sa pag-ibig at karangalan.”

Ang DC’s Legends of Tomorrow ay superhero series na ang setting ay Arrowverse. May mga karakter ditong ipinakilala sa mga series na Arrow at The Flash.


Ang Season 6 nito ay nakatakdang ipalabas next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuri ng mga kritiko ang action, comedy at acting sa seryeng ito.

Ang Gotham ay action crime drama, at tampok dito ang mga karakter sa Batman franchise, partikular sina James Gordon at Bruce Wayne.


Isinalaysay rito ang origins ng ilang kalaban ni Batman, gaya nina Joker, Penguin, Riddler, Catwoman, Poison Ivy, Scarecrow, Mr. Freeze, Bane, at Ra’s al Ghul.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakalimang season ito.


Ang Betty sa NY ay telenobela tungkol kay Betty la Fea aka Beatriz Aurora Rincon Lozano, isang Mexicana na tumira sa New York. Nagtrabaho siya sa fashion company na V&M Fashion.

Mahalin kaya ito ng mga Pinoy gaya ng I Love Betty La Fea (2008) na pinagbidahan ng Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Tierra de Reyes (Land of Honor) ay telenobela tungkol sa tatlong magkakapatid na lalaki, na umibig sa tatlong magkakapatid na babae na ang pamilya ay pinaghihigantihan nila.


Base ito sa Colombian-American drama na Pasion de Gavilanes (2003), na siya ring pinagbasehan ng Kapamilya series na Pasion de Amor (2015) na pinagbidahan nin Jake Cuenca, Arci Muñoz, Ejay Falcon, Ellen Adarna, Joseph Marco, at Coleen Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Kapag active na muli ang TV5 at maaayos na ang programming nila, magkakaroon kaya uli ng network war? Sana, wala na.

Ang mahalaga ay magagandang shows ang mapapanood ng taumbayan.

Mas maganda kung maayos din ang programming ng IBC 13 at PTV 4, para mas maraming mapagpipilian.

Sa ngayon ay namamayagpag ang mga programa ng GMA-7.

Mataas ang rating ng bagong episode ng Magpakailanman na napanood noong Sabado, July 18.

Ito yung kuwento ni DJ Loonyo, na nakakuha ng 22.4%. Ang laki ng itinaas mula sa replay noong July 11 na naka-19.9%.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bagong episode ng Sarap Di Ba?, na kinunan sa tahanan nina Carmina Villarroel at idinirek ni Zoren Legaspi, ay naka-6.2%.

Matataas din ang replay episodes ng Pepito Manaloto, Daddy’s Gurl, at Celebrity Bluff noong nakaraang Sabado.

Pero mas hinihintay ang mga bagong episodes ng Kapuso shows na malapit na ring simulan ang taping.

Abangan natin ngayon kung sinu-sino ang mga Kapamilya stars na magbibida sa mga bagong programang binubuo para sa TV5.

NOEL FERRER

Basta ang pinakaaabangan nila ay ang pagpapakita ng Troika sa pagbabalik ng toprating talent show na nagpaiba ng landscape ng TV programming for some time—ang Bangon Talentadong Pinoy!

Magandang movement ito dahil kasabay ng pagbangon at pag-ahon natin sa ating mga problema at pagsubok bilang isang bansa, kasama ninyo ang Troika sa pagbangon at pagbuhay at pagsuporta muli sa mga tunay na Talentadong Pinoy!!!

Abangan!!!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa Tagalog-dubbed series na magsisimula ngayong July 20 ay ang (clockwise) Gotham, Tierra de Reyes, Betty Sa NY, at Legends of Tomorrow.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results