GORGY RULA
Dalawang linggo nang nakabalik sa TV airing ang All-Out Sundays, at masaya sila sa kinalabasan ng ratings.
Noong July 12 ay nakakuha ito ng 7.1%, at noong July 19 ay naka-6.4%. Ito ay ayon sa AGB Nielsen.
Nakakatuwa na nagawa ng mga taga- All-Out Sundays na maging entertaining ang palabas kahit naka-Zoom pa lang sila.
Pero siyempre, nami-miss na rin nilang mag-perform nang live o kahit naka-tape sa studio.
Isa si Julie Anne San Jose sa nag-enjoy sa ginagawa nila sa All-Out Sundays dahil nakabalik na sila sa TV. Ilang buwan din kasi silang naghintay bago nakabalik.
“Some parts of it are challenging for all of us since we’re working from home. But each day is a learning experience and naka-adapt na rin kami sa new normal,” sabi ni Julie Anne.
Marami raw tayong aabangan na mas masayang song and dance numbers, pati mga comedy segments kasama ang mga paboritong Kapuso artists.
Pero ang isa sa inaabangan ng mga fans at supporters ni Julie Anne ay ang launching ng bagong single niyang pinamagatang "Bahaghari." Kasama niya rito si Gloc-9.
Ini-release na ang "Bahaghari" noong July 10.
Naging bahagi na ito ng Apple Music’s Absolute OPM playlist at kasalukuyang featured sa Original Pilipino Music section.
Nag-number one din ang "Bahaghari" sa iTunes PH All Genres Chart noong araw ng release nito, at featured din ito sa Spotify Asia’s homepage.
Abangan na lang natin ang launching ng kantang "Bahaghari" nina Julie Anne at Gloc-9 sa All-Out Sundays.
NOEL FERRER
OK na rin ang effort ng pagsu-Zoom, pero nakadepende talaga yun sa lakas ng connectivity.
Good news iyang bagong kanta ni Julie Anne with Gloc 9, aabangan natin iyan.
On the ASAP Natin ‘To front naman, usap-usapan ang well-thought-and-carried-out "In Your Eyes" number with Songbird Regine Velasquez with three Regines singing together.
Una, with 2 LED screens, and later, naka-postprod na 3 Regines with the 3 colors of ABS-CBN na red, green and blue!
Ang galing lang!!!
Tunay na kapag limited ang resources at may mga challenges na ganito, lumalabas ang commitment to arts and creativity — notwithstnding the health protocols! Bravo!!!
JERRY OLEA
Tweet ni Regine Velasquez noong Hulyo 19, Linggo, matapos ang world-class performance niya sa ASAP Natin ‘To:
“Thank you everyone for watching today.
“Bagamat may mga pinagdadaanan tayong lahat..... sana napasaya namin kayo kahit papano.
“Patuloy po ang ASAP natin to, tuloy po ang pagbibigay insperasyon,pagasa at saya para sa inyong lahat mahal naming #kapamilya”
Multiple trending topics sa Twitter ang mga pasabog ng ASAP noong Linggo, pero walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ito mapapanood.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
