Usapang kiss at kiskisan with MyDay The Series stars Aki Torres, Miko Gallardo

by PEP Troika
Aug 2, 2020
Sa August 8 na ang labas ng first episode ng MyDay The Series sa YouTube. Bida rito sina (L-R) Miko Gallardo at Aki Torres.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Good kisser ba sina Aki Torres at Miko Gallardo, ang mga bida sa Pinoy BL series na MyDay The Series?

Ang sundot na tanong: Why or why not?

"Yeah," mabilis na tugon ni Miko, na sinundan ng matamis na tawa habang nagme-make face ang katabing si Aki.

Dagdag ni Miko, “Why ba? I don’t know. I just know I’m a good kisser."

Bulalas ni Aki, "Huh, yabang!"

Dugtong niya, "Ang makakasagot kung good kisser ako, si Miko."

Sambit naman agad ni Miko, na naging finalist sa It's Showtime! "Bidaman" segment, "He’s a good kisser! Simple. As simple as that! Let’s keep it simple. Bakit? Kasi, good kisser ka."

Habang nakatawa, pakli ni Aki, “Kulit, ‘no?!”

Ipinadala namin sa MyDay producer na si Carlo Morris Galang ang mga tanong para kina Aki at Miko noong Hulyo 28, Martes, via Facebook Messenger.

Nitong Agosto 1, Sabado, sinagot nina Aki at Miko sa video ang mga tanong, at sinend sa amin ni Carlo via Messenger pa rin.

Continue reading below ↓

Sa trailer ng MyDay, andaming scenes na magkadikit sina Aki at Miko. Halos magkakiskisan na. Naging awkward ba ang mga iyon o dedma na lang?

“Dedma na lang,” halos sabay na sagot ng dalawa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad ni Aki, “Hindi siya awkward, e. Kasi, wala."

Sabi ni Miko habang nagtitinginan sila ni Aki, "Kasi dedma na lang."

Saka sila bumungisngis pareho.

Hirit ni Aki, “Kasi, pinipilit dedmahin...”

Kontra ni Miko, “Hindi naman pinipilit. Talagang dedma lang.”

HOT STORIES

NOEL FERRER

Kahit OK ang mga itsura nila, needs improvement pa rin talaga ang acting—lalo pa ang kuwento at execution ng MyDay.

Malayung-malayo sa pagka-engaging ng Gameboys at sa far second na Hello Stranger.

This makes Elijah Canlas and Kokoy de Santos the Breakthrough Stars of the New Normal. At una ninyo iyang nabasa sa PEP Troika!

At ang masaya lang, mukhang sa atin magpapa-interview ang Love Team of the 2020 (of the New Normal) bago ang kanilang finale episode, at magiging big event iyon— tulad ng finale/ending ng trending My Husband’s Lover na truly phenomenal!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

May "umay factor" na sa akin itong pagsulputan ng iba’t ibang Pinoy BL series.

Ang papanget naman kasi talaga ng iba, kaya ang daling nabitiwan at hindi na nasubaybayan.

Tatapusin ko na muna itong Gameboys at Hello Stranger, saka ko na papansinin ang ibang Pinoy BL series kung karapat-dapat pag-aksayahan ng panahon.

Ewan ko lang kung itong MyDay will make my day.

Sana, mag-isip ng iba pang tema na puwedeng tutukan online, lalo na’t kailangang limitahan pa natin ang paglalabas natin dahil sa tumataas pa ring COVID-19 cases.

Mas mabuti kung marami pa tayong mapapanood na mga bago sa YouTube at ibang digital platforms.

JERRY OLEA

Ang lakas ng dating ng trailer ng MyDay na in-upload noong Hulyo 25, sa YouTube channel ng Oxin Films.

Naka-273K views na ito!

May mga nag-post din nito sa Facebook, at maging ang international fans ay agad nabighani sa tambalang AkiMi.

Pahayag ni Aki, “Ahmm, sobrang happy lang, kasi na-appreciate ng mga taga-ibang bansa yung trailer namin. At inaabangan din nila, talagang nilu-look forward nilang panoorin yung Episode 1 sa August 8.

Continue reading below ↓

"And I just want to say thank you sa lahat ng naniniwala and sumusuporta.”

Seryosong sabi ni Miko, “Ako naman, sobrang happy lang. Kasi, na-appreciate...”

Napabunghalit si Miko, “Lahat na lang, inuulit! Hahahahaha! Sorry! Sorry!”

Pagpapatuloy ni Miko, “Uhm, yun na nga. Nasabi mo na lahat, e. Like, you know, I just wanna say, ‘Thank you, guys,’ kasi di namin in-expect lahat na, you know, people from outside the country would, you know, like and watch our trailer as it is, and talagang...

"Tayo nga, napapanood natin yung mga reaction video, kaya pati kami, nagre-react sa mga reaction niyo!"

Singit ni Aki, "Kinikilig tayo!”

Dugtong ni Miko, "Tayo ang kinikilig sa kanila. Sa reactions. Kaya ayun, thank you, guys, for the support. Kasi, we really appreciate it. And hopefully, we can deliver in every episode of the series.

"And sana, maibigay namin lahat ng mga expectation ninyo.”

Magpa-pilot streaming ang MyDay sa Agosto 8, Sabado, 9 p.m., sa YouTube channel ng Oxin Films.

Continue reading below ↓

Labindalawang (12) episodes ito, at bawa’t episode ay 30 minuto hanggang isang oras ang running time.

Nasa cast din ng MyDay sina Yul Servo, Lara Morena, Kate Yalung, Moises Magisa, Lourdes Serreno, Gio Emphese, Dante Salamat, Jamil Bonifacio, Shannice Eve, Red Mendoza, Kristel Galang, Frost Galang, Chino Liu, Darrel Castillo, at Juan Alcala.

May special participation sina Paolo Bediones, Mel Martinez, at Ameer Emir bilang Mayordoma Becky. Ang direktor at executive producer ay si Xion Lim.

RELATED STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa August 8 na ang labas ng first episode ng MyDay The Series sa YouTube. Bida rito sina (L-R) Miko Gallardo at Aki Torres.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results