Derek Ramsay at Andrea Torres, parehong gusto ng intimate wedding

by PEP Troika
Aug 3, 2020
Derek Ramsay on girlfriend Andrea Torres: "We share the same values. And I can see na she could be a great mother, and yun talaga ang gusto ko sa mapapangasawa ko, na kailangang mabuting ina siya."
PHOTO/S: Screen grab from DZRH Facebook

GORGY RULA

Mahigit isang linggo pa lang nakakalipat si Derek Ramsay sa bagong bahay na ipinatayo niya sa Ayala Alabang.

Binanggit niya sa mga nakaraang interviews na may mga binago siya sa bahay nang naging sila na ni Andrea Torres.

Nakapanayam ang aktor ng partner ko sa DZRH na si Morly Alinio nitong Linggo, August 2 ng gabi, at tamang-tama na nandoon si Andrea.

Muling ipinahayag ni Derek na ang Kapuso actress ang babaeng gusto niyang makasama sa bahay na yun at babaeng pakakasalan niya.


Continue reading below ↓

Muli ring binanggit ng aktor na isa sa kanyang nakita kay Andrea, kaya lalo niya itong minahal, ay ang pagiging malapit nito sa pamilya.

“Talagang priority ni Andrea yung family niya, just like me. And the thing that made me fall in love with her is how she takes care of her family.

“Yun talaga ang inuuna niya. Sobrang nirerespeto ko yun and ganun din ako, e,” pakli ng Kapuso actor.

Kuwento pa ni Derek, “Nung ipinakilala namin ang parents namin sa isa’t isa… kami na nga ni Andrea ang naghihiwalay sa kanila.

“Kapag nag-uusap sila, sabi ni Andrea, ‘Ma, Pa, kailangan na natin umuwi.’

“Para sa akin, wala lang stress na isipin pa yun na kailangang tanggapin ng pamilya ko, kailangang tanggapin ng pamilya niya.

“Nalagpasan na namin yun sa umpisa pa lang ng relationship namin, wala lang stress na kailangang magkasundo ang pamilya namin.

“We share the same values. And I can see na she could be a great mother, and yun talaga ang gusto ko sa mapapangasawa ko, na kailangang mabuting ina siya.

Continue reading below ↓

“No doubt ako na she will be a great mother,” paniniguro ni Derek.

Napapag-usapan na ba nila ang kasal?

Hindi pa raw siya nakapag-propose kay Andrea, pero gusto nila pareho na isang simpleng seremonya lang, at maaaring beach wedding ito.

“Not so big, very intimate. Gusto ko, outdoors.

“Baka nga sa Palawan, gawin ko sa Palawan. Pero depende yun sa gusto niya. Siyempre, siya ang masusunod,” ani Derek.

Kinikilig na saad naman ni Andrea, “Simple lang. Yung imbitado, piling-pili lang, yung kilala kami bilang couple.

“Simple lang, Gusto ko lang, maraming bulaklak.”

NOEL FERRER

Nasa tamang edad na si Derek para lumagay sa tahimik.

Sa interview sa kanya ni Morly Alinio, kinantiyawan siya dahil kapansin-pansing tuwing may bago siyang karelasyon ay lumilipat siya sa bagong bahay.

Hindi raw naisip ni Derek yun, baka nagkataon lang daw.

Kung anuman yun... Bahay, Buhay, at Kabuhayan, maligaya tayo sa buhay ni Derek na sanay na sanay na sa Lipat-Bahay.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nagkataon lang din ba na nandoon si Andrea sa bahay ni Derek nang mainterbyu ni Morly?

Hindi kaya nagli-live in na sila?

Paano kung mag-MECQ, mala-lock in na si Andrea sa bahay ni Derek?

Oh, well... kung ano’t ano man, hangad natin ang kaligayahan ng magsing-irog!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on girlfriend Andrea Torres: "We share the same values. And I can see na she could be a great mother, and yun talaga ang gusto ko sa mapapangasawa ko, na kailangang mabuting ina siya."
PHOTO/S: Screen grab from DZRH Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results