JERRY OLEA
Nanganganib ba ang iWant ng ABS-CBN sa GETS ng GMA-7?
Trending sa Twitter ang launch ng GMA Entertainment Shows Online (GETS) nitong Agosto 2, Linggo, sa All-Out Sundays ng Kapuso Network.
Bumida rito sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Heart Evangelista, at Glaiza de Castro.
Sa www.gmanetwork.com/GETS, mapapanood online, on-demand, at 24/7 ang iba't ibang exclusive digital content mula sa GMA shows at Kapuso stars.
Kasama riyan ang comedy capsules ng YouLOL, short films mula sa GMA TeleBahay, episodes ng AOS Stay at Home Party, online game shows tulad ng Quiz Beh at E-Date Mo Si Idol, at talk shows na Just In at How Do You Feel.
Sa drama, mapapanood sa GETS ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday vlogs, live streams ng Prima Donnas Watch From Home, DOTS How You Do It, at Let's Talk Love ng Love of My Life.
NOEL FERRER
Now that everything is going digital, welcome addition ang GETS o kahit na anong magbubukas na programa sa ganoong platform.
But like iWant, we lean towards quality viewing. Katulad ng sinasabi ko, dapat gandahan ang istorya at execution, at kaiba sa napapanood sa free television.
Let the battle of excellent online contents begin!
GORGY RULA
Lahat ay may karapatan kung ano ang gustong gawin ng isang network basta may franchise o kahit anong online site.
Alam ko, matagal nang pinaghandaan iyan ng GMA-7 dahil gusto rin nilang palakasin ang kanilang online platform.
Ngayong hindi pa nakakabalik ang mga drama series ng GMA-7, maganda iyung nakakapag-update sila sa pamamagitan ng GETS.
Ipinagdiriwang ng Kapuso Network ang ika-70 anibersaryo. Kaugnay rito, inilunsad nina Dingdong, Heart, at Michael V ang GMA Affordabox, na agad rumatsada sa merkado.
May mga Kapamilyang nagpasaring na gaya-gaya puto maya ang GETS sa iWant.
Gets niyo ba ang kanilang punto o Bitter Ocampo lamang sila?
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
