NOEL FERRER
Nakakaiyak ang initiative ng mga miyembro ng Aktor (League of Filipino Actors), kasama ang malalaking pangalan ng iba’t ibang TV networks, bilang pagpapasalamat sa medical frontliners.
In-upload ang video nitong Agosto 5, Miyerkules ng 6:24 p.m., sa Facebook page ng Aktor.
Nag-sorry, nagpasalamat, at nangako ang mga artistang mas pahahalagahan pa ang tinig at saloobin ng medical frontliners.
Napakakonkreto ng pagsasama-samang ito nina Piolo Pascual, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Sunshine Dizon, Anne Curtis, at Angel Locsin.
Kasama rin sina Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Joel Torre, Iza Calzado, Angel Aquino, Gabby Eigenmann, Joel Saracho, Angeli Bayani, at Jackie Lou Blanco.
Napanood din sa video sina Janine Gutierrez, Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Vance Larena, Meryll Soriano, Adrienne Vergara, Kean Cipriano, at Chynna Ortaleza.
Gayundin sina Joem Bascon, Mylene Dizon, Gabbi Garcia, Kahlil Ramos, Ria Atayde, Jo Berry, John “Sweet” Lapus, at iba pa.
Narito ang kabuuang video:
Habang ang tingin ng iba’y rebolusyon ang kasagutan, malinaw na hindi ito ang pakay kundi tunay na pang-unawa sa sinasapit ng ating mga bagong bayani.
Hindi maiwasang mapaiyak ka na lang sa dala nitong pag-asa. Na sa kabila ng pagdurusa at pagsasakripisyo ng lahat sa panahon ng pandemya, kapit-kapit pa rin nating pinalalakas ang loob ng isa't isa.
Sana, mas marami pang ganitong efforts katulad ng ginawa ng Aktor.
JERRY OLEA
Pasakalye sa video, "Noong Agosto 1, may 40 frontline doctors at nurses na namatay na dahil sa Covid.
"Mahigit 3,300 health workers na ang maysakit."
Ang nag-script ng nasabing video ng Aktor ay si Juan Miguel Severo, at ang nag-edit ng video ay si Jojit Lorenzo.
Sa Facebook message ng Aktor, nagbigay-pugay ang mga lumahok na artista sa mga modern-day heroes ngayong pandemya.
"Ilang beses man kaming gumanap na doktor at nurse, hindi namin matutumbasan ang laki ng kontribusyon ninyo sa bayan, lalo na ngayong panahon ng pandemya.
"Kami sa Aktor ay nagpapadala ng liham pag-ibig para sa lahat ng ating health workers sa frontlines—ang aming mga bayani.
"Alam naming hindi sapat ang mga salita, pero ito na muna sa ngayon. Titindig kami para sa 'yo. Maraming salamat sa lahat."
Gagawa rin kaya ang Actors’ Guild—na pinamumunuan ni CamSur Vice Governor Imelda Papin—ng video na nagpapaabot ng pagmamahal at pagmamalasakit sa medical frontliners?
GORGY RULA
Marami na ring gumawa ng video para sa ating frontliners.
Ang isa sa nai-share sa social media noong nasa ECQ pa tayo ay ang ginawa ng Kapuso stars na "Ngingitian Kita."
Isa-isa nilang tinanggal ang suot nilang face mask para ngitian ang medical frontliners na nagpapakahirap sa pag-aalaga sa COVID patients, pati na rin sa ibang may sakit.
Sana nakakagaan iyon kahit paano sa bigat na pinagdadaanan ng ating medical frontliners.
Sa loob ng limang buwan na naka-quarantine tayo, pabigat nang pabigat ang nararamdaman natin, dagdag pa ang nangyayari sa ating paligid. Pagkatapos, makakarinig pa tayo ng pagmumura?
Sana, manaig pa rin ang taimtim na pagdarasal at pananalig sa Diyos sa ating mga puso.
Kahit may sapat na dahilan para magalit, sana’y iwaksi na muna ang poot sa ating mga puso, para maramdaman ng ating kapwa ang pagmamahal sa isa’t isa.
Ang ganda ng ibinahaging mensahe ng paring nag-officiate ng misa sa Sambuhay TV Mass na si Father Andres Inting, SSP, noong August 4.
Ginunita sa misang iyon si Saint Mary John Mary Vianney, patron saint ng parish priests.
Sabi ni Father Inting, itong panahon ng pandemya ay para tayong isang cellphone na in-upgrade o ni-reboot. Kapag in-upgrade, mamamatay o titigil sandali at sa pagbabalik nito ay parang na-refresh at mas updated na ang options at apps na nakapaloob dito.
Pahayag niya: "Everything paused. Everything stopped. We are unprepared. We cannot do anything...
"This is the moment of updating. This is the moment of rebooting. Because God wants to put new software to each one of us. New perspective, new life, new ways, new dreams.
"This is the moment in which God is putting new focus on ourselves. What is more important also is that, once we have been updated, we can not go back to the old ways of life.
"There must be a change. God has given us this opportunity to refocus. God has given us the opportunity to be able to realign ourselves into the life of Christ."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
