JERRY OLEA
Ilulunsad ng TV5 ang bagong programming nito umpisa sa Agosto 15, Sabado.
Back-to-back ang game shows na Fill in the Bank at Bawal na Game Show mula 6:00 to 8:00 p.m.
Iprinodyus ito ng APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera para sa Cignal.
Comedy explosion at nag-uumapaw na papremyo ang hatid nina Pokwang at Jose Manalo sa Fill in the Bank, maging nina Bebe Ghorl (Wally Bayola) at Barby Ghorl (Paolo Ballesteros) sa Bawal na Game Show.
Excited na ba kayo?
Pagsapit ng 8:00 p.m., magbabalik ang show na naging tahanan ng iba't ibang kuwento at talento ng mga Pinoy! A new era begins kasama si Ryan Agoncillo sa Bangon Talentadong Pinoy (BTP).
Talent scouts sa pilot episode ng BTP sina John Arcilla, Janice de Belen, at Joross Gamboa.
Pagpatak ng 7 a.m. ng Linggo, Agosto 16, makakasama natin ang ating bagong fitness bestie na si Jessy Mendiola sa fitness-centric show na Fit for Life.
Handog din ng APT ang morning show na Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy) kasama sina Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde.
Iho-host naman ni Luchi Cruz-Valdes ang Usapang Real Life.
First wave pa lang ito ng pagyabong ng TV5.
Masayang inanunsiyo ito nina Robert Galang (TV5 President and CEO, head of Cignal TV) at Direk Perci Intalan sa zoomcon nitong Huwebes ng hapon, August 6.
Welcome sa kanila ang lahat, maging ang Kapamilya stars na sina Coco Martin at Vice Ganda.
Iyong tungkol sa talk show ni Kris Aquino na Love Life With Kris, blocktimer iyon at wala raw kinalaman ang TV5 sa gusot niyon.
Very much welcome si Kris sa TV5, sabi nina Galang at Direk Perci.
Sa weekday programming, umaariba ngayon sa TV5 ang mga Tagalized TV series na gaya ng Gotham, Legends of Tomorrow, Tierra de Reyes, Betty sa NY, Furious Fire, at Marimar.
Nagtutulungan ang TV5 at Cignal TV, kaya marami pang Tagalized series sa kanilang library.
Major asset nila ang NBA na available nang live sa Cignal TV, TV5, at One Sports.
Pahayag ni Galang, "The NBA coming to Cignal TV and TV5 only strengthens our position of bringing the best sports to our Filipino viewers throughout the country.
"Our commitment is to celebrate the lives of today’s Filipinos by providing informative as well as inspiring and uplifting entertainment content.
"And hopefully, in so doing, we are able to make lives, a little better, a little safer, and a little easier in these changing times."
NOEL FERRER
Good luck sa mga shows ng TV5, lalo na ang mga ila-line produce ng APT ni Mr T., at siyempre sa flagship TV5 show na Bangon Talentadong Pinoy.
Hindi ko lang alam kung ano ang epekto ng MECQ sa mga taping ng bagong shows. Sana, hindi sila mag-hand-to-mouth na episodes dahil delikado sa health protocols.
The last thing we want is magkasakit or magka-COVID ang mga tao.
So ngayon, before the Ghost Month (Agosto 19-Setyembre 16) ang gagawing launch ng bagong TV5 shows.
Do we see more fresh episodes of GMA-7 entertainment shows now that TV5 is showing the way, Tito Gorgy?
GORGY RULA
May iba pang producers na blocktimer sa TV5, pero wala pang malinaw na balita kung alin ang sisimulan.
Binigyang-daan muna ngayon ang sa CignalTV at abangan na lang natin kung ano naman ang mga sisimulang proyekto ni Albee Benitez, na isang independent producer at dating Negros Occidental congressman.
Pagdating sa show ni Kris Aquino, wala pa kaming nakuhang detalye kung may bagong producer na ito.
Ang kuwentong narinig namin, wala pang nakausap na producer ang Cornerstone Entertainment Inc., at kung maaayos pa ang problema sa independent producer ng Love Life with Kris.
Si Kris ay isa sa artists ng Cornerstone, na pinamumunuan ni Erickson Raymundo.
Kahit naka-quarantine pa rin tayo, puspusan na ang pagsisimula ng mga bagong mapapanood sa TV5.
Pati nga ang Kapamilya Channel ay pinaghahandaan na raw ang pagbabalik-taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa Agosto 17 mag-uumpisa ang Ang Sa Iyo ay Akin, ang bagong teleserye sa Primetime Bida ng Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live. Tampok dito sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano.
Sa GMA-7, wala pang kumpirmasyon kung kailan mababalik-taping ang mga produksiyon ng mga teleserye ng network. Talagang nag-iingat ang mga Kapuso.
Kaya panay ang meeting ng mga bosses at production staff para mas plantsado ang lahat bago nila pagdesisyunang bumalik sa trabaho.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)