GORGY RULA
Mabuti na lang at nalagpasan na ni Alden Richards ang pinagdaanang anxiety noong nagsisimula ang ECQ.
Tatlong buwan siyang na-lock in sa kanilang tahanan na walang labasan.
“Nung pag-start po ng ECQ, yun pong tatlong buwan na yun, diretso po, hindi po talaga kami lumalabas ng bahay, kahit mag-grocery.
"Nagpapasuyo lang po kami sa iba po naming kaibigan na nakakalabas at pinapaiwan lang po namin sa gate,” pakli ni Alden sa virtual presscon ng bago niyang endorsement, ang Cosmo Cee, noong Biyernes, August 14.
Malaking bagay ang nakahumalingan niyang online games kaya natanggal daw ang sobrang stress niya.
Ang online game ay video game na nilalaro sa computer o cellphone sa tulong ng Internet.
that is either partially or primarily played through the Internet or any other computer networ
“Parang nagkaroon lang po ako ng realization na hahayaan ko lang ba ‘tong anxiety na ‘to na diktahan ako ng dapat at hindi ko dapat gawin?
“So, after nung ECQ… nung nag-GCQ na tayo, dun na po ako nag-start na maglalabas, pero with safety precautionary measures pa rin.
"Kasi, napakahirap po ng ano, e... ang pinaka-inaaalala ko lang po talaga, yung lolo at lola ko po.
“Sila po kasi yung madaling tatamaan pag hindi po nag-iingat,” dagdag niyang pahayag.
Ngayon ay okey na raw siya.
Kahit nasa enforced quarantine tayo, si Alden ang isa sa pinakaabalang artista sa ngayon dahil nasa daily noontime show siyang Eat Bulaga, na natigil lang dahil sa MECQ.
Mayroon din siyang "Stay Home Party" para sa All-Out Sundays, at ibabalik din ng GMA-7 sa ere ang teleserye nila ni Louise delos Reyes na One True Love.
Pinaghahandaan na rin sana ang pagbabalik-taping niya sa singing search na Centerstage. Pero ayon sa ilang napagtanungan namin, baka maurong ito dahil may mga batang involved.
Baka next year na raw nila ito itutuloy, at mukhang mauuna pa ang season 3 ng The Clash.
Malaking bagay rin ang sunud-sunod na endorsements ni Alden, kaya nagiging abala siya.
Dagdag pa rito ang ikinakampanya niyang BIDA Solusyon ng Department of Health laban sa COVID-19.

Dapat talagang mapangalagaan nang husto ni Alden ang kanyang kalusugan gawa ng mga ganitong campaign.
Malaking bagay rin daw ang pagti-take niya ng Vitamin C na sinimulan niya nung February. Baka na-boost dito ang immune system niya kaya nananatili siyang malusog at, sana nga, maiwasan niya ang nakakahawang COVID-19.
“I see the results naman po. Hindi ako masyadong nagkakasakit when it comes to, eto nga, rainy season.
“Pag rainy season kasi, diyan na ako tinatamaan ng small sickness lang, like headaches, simple colds, simple coughs, sometimes fever.
“I noticed, when I started taking it, nawala lahat ‘yun, e,” saad ni Alden.
JERRY OLEA
Kung si Paolo Contis ang "Netflix King" at "Pandemic Superstar," si Alden ang "Pandemic Bida."
Bidang-bida ang Asia’s Multimedia Star sa campaign ng Department of Health (DOH).
Nabulabog ang fans sa pagsama nila ni Bea Alonzo para sa isang ad campaign na kinunan noong Pebrero sa Thailand.
Hopia na, asado pa ang pagtatambal sa pelikula nina Bea at Alden. Malabo pa ito dahil sa pandemya.
Noong Hulyo 31 ay unang anibersaryo ng pagpapalabas ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan nina Alden at Kathryn Bernardo.
Ito ang pinakamalakas na pelikulang Pilipino sa kasaysayan.
Kung may kakabog man sa record nito, matatagalan pa iyon. Hindi pa nga nagbubukas ang mga sinehan, at hindi natin priority ang panonood ng sine.
Araw-araw na napapanood sa TV si Alden.
Lunes hanggang Biyernes sa rerun ng teledramang One True Love sa Afternoon Prime Block ng Kapuso Network.
Lunes hanggang Sabado sa Eat Bulaga, kung saan kwela ang tambalan nila ni Maine Mendoza.
Frontliner siya tuwing Linggo sa All-Out Sundays, kung saan namimigay siya ng papremyo sa "Ayos Panalo Promo."
Ipagpaliban man ang iho-host niyang singing contest na Centerstage, may iba pang projects na ipini-pitch sa kanya.
Sabi pa ni Alden sa virtual mediacon, inaasam niyang matuloy ang planong concert niya na ini-announce sa New Year Countdown ng Kapuso Network.
Dapat ay noong Hulyo 25 ito, kaso nakansela dahil laganap pa ang COVID-19.
“We’ll work on that. We’ll find a way to still produce a concert this year,” sambit ni Alden.
“Tapos, meron din po tayong gagawin na parang... anthology sa GMA.
"That’s still a work in process. Pag na-finalize po, ipapaalam namin agad sa inyo.
“And then, yun po, tuluy-tuloy pa rin po yung pagpe-Facebook gaming. Kasi, nakausap na po namin sila, the heads of Facebook gaming.
“We reached an agreement po and we paired with them, para tuluy-tuloy pa rin ang pagiging gamer natin.”
NOEL FERRER
Pinanood ko ang All-Out Sundays ngayong Agosto 16, Linggo, sa GMA 7.
I’m sure, masasabi ni Alden sa mga kasamahan niya ang disiplinang pinagdaanan nila sa Eat Bulaga! na nagla-live presentation na bago mag-MECQ ulit.
With the vitamins and energy he gets from his new endorsement, puwede niyang bigyan ang mga kasamahan niya nito para matapatan ang kalidad ng ASAP Natin ‘To na talagang nagla-live.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
