Willie Revillame, naipamigay na ang P5M ayuda para sa higit 3,000 jeepney drivers

by PEP Troika
Aug 19, 2020
Willie Revillame, namigay ng cash donation mula sa sariling bulsa para sa jeepney drivers dahil ramdam daw niya ang hirap ng mga ito. "Sa bawat success ko...hindi ko makakalimutan yung masa. Inangat ninyo ako," ani Willie.
PHOTO/S: Courtesy of Val Gonzales of DZRH

GORGY RULA

Maayos na naipamahagi ni Willie Revillame ang limang milyong pisong ayuda para sa jeepney drivers ngayong Miyerkules ng tanghali, August 19.

Personal itong inasikaso ni Willie.

Sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tinipon ang transport leaders at jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit anong transport group.

Nakatanggap ng PHP1,449,500 ang Pasang Masda, na tinanggap ng kanilang leader na si Ka Obet Martin.

Ang grupong ALTODAP naman na pinamunuan ni Boy Vargas ay nakatanggap ng PHP1,132,500.

Nabigyan din ang isang grupo ng mga jeepney drivers ng PHP342,000, at ang mga driver na may biyaheng Tandang Sora-Visayas Avenue ay tumanggap ng PHP298,500.

Continue reading below ↓

Bukod sa perang ipinamahagi, namigay rin si Willie ng dalawang libong sakong bigas na pinaghati-hatian ng jeepney drivers. Binigyan din niya ng jacket ang lahat ng nandoon sa LTFRB central office.

Ayon sa LTFRB, umabot sa 3,211 jeepney drivers ang nakinabang sa ayudang ipinamahagi ng Wowowin host.

Sabi naman ni Willie, ang pagtulong na ito para sa PUJ drivers ay mula sa kanyang sariling ipon. Ibinahagi ito ng TV host dahil alam daw niya ang nararamdaman ng mga mahihirap.

"Sa bawat success ko, sa bawat baytang ng buhay ko, hindi ko makakalimutan yung masa, yung mahihirap. Inangat ninyo ako.

"Kung anong meron ako, galing din po sa inyo iyan," bahagi ng pahayag ni Willie sa harap ng mga jeepney drivers at iba’t ibang transport leaders.

Nangako si Willie na sa susunod na buwan ay mamimigay siya uli ng limang milyong piso para sa bagong batch ng jeepney drivers.

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

"Sana, all."

Emote iyan ng ibang jeepney drivers na hindi kasama sa unang batch ng nabiyayaan ng ayuda ni Willie.

Salamat at may second batch pa ng jeepney drivers na makatatanggap ng ayuda.

Samantala, patuloy ang GMA Regional TV (RTV) sa pagtulong sa mga Kapuso sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng “Kapuso Barangayan on Wheels.”

Noong Mayo, lumibot ang “Kapuso Barangayan on Wheels” sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang mamahagi ng mga pagkain at iba pang essential items sa mahigit 2,000 pamilya.

Ngayong Agosto, target ng GMA RTV na mas marami pang pamilya ang maabot ng “Kapuso Barangayan on Wheels.” Level-up version ito ng “Kapuso Barangayan” outreach na matagal nang ginagawa ng RTV.

Pero dahil maraming lugar ang naisailalim sa community quarantine, minabuti ng GMA RTV na sila na mismo ang pumunta sa mga kabahayan upang mamahagi ng tulong.

Mula North Central Luzon, Central and Eastern Visayas, Western Visayas, hanggang North, Central, and Southern Mindanao—pupuntahan ang mga ito ng RTV teams para mamigay ng pagkain, grocery packs, mga gulay at iba pang poultry products.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana all talaga!

Patuloy na pinupunan ng mga pribadong mamamayan at kumpanya ang dapat ayudang ibinibigay ng pamahalaan.

Sa gitna ng usaping corruption sa PhilHealth, hindi natin maitatanggi na may mali talagang nagaganap sa ating lipunan ngayon!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame, namigay ng cash donation mula sa sariling bulsa para sa jeepney drivers dahil ramdam daw niya ang hirap ng mga ito. "Sa bawat success ko...hindi ko makakalimutan yung masa. Inangat ninyo ako," ani Willie.
PHOTO/S: Courtesy of Val Gonzales of DZRH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results