PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magandang aktres, inilalako ng matandang aktres sa mayayamang kliyente

Magandang aktres, aware kaya sa pagbu-book sa kanya ng matandang aktres?
by PEP Troika
Published Aug 24, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Aware kaya itong Maganda at Matangkad na Aktres (MMA) na inilalako siya ng isang dating aktres sa mga yayamaning kliyente?

Isang kaibigan ko ang nagkuwentong may super rich siyang kaibigan na kinukulit daw nitong dating aktres na i-book sa kanya si MMA, na nakasali sa isang top-rated drama series.

Nagulat ako nang binanggit sa akin kung sino si MMA dahil ang alam ko, hindi na nito kailangang mag-walkathon dahil uber-wealthy ang dyowa-dyowaan niya.

Parang ayoko ring maniwalang sumasali sa ganitong raket si MMA.

Kaya minsan, mahirap ding makipagkaibigan sa ilang taga-showbiz na may ganitong raket para lang kumita.

Dala na rin siguro ng matinding pangangailangan, OA raw sa pagkulit itong si dating aktres. Mahina kasi talaga ang mga raket nowadays sa showbiz.

Pati ang mga mayayamang kliyente ay pahinga muna sa booking dahil nag-iingat sila. Hindi naman puwedeng date-date lang dahil sa mas hinihigpitang safety precautions. Kaya wala munang booking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirap na rin tuloy ang mga bugaloo sa paglalako ng kanilang paninda!

NOEL FERRER

Naku, mag-ingat-ingat tayo sa ganito sa panahon ng social distancing.

Baka kailangang sundin talaga ang mga protocols... face masks and face shields! So, wala munang kissing at necking.

Paano na ang down under?

Ingat din at baka magkaroon ng congressional hearing kapag nagkabukingan dito!!!

JERRY OLEA

Cancelledt ang mga boogie wonderland sa panahon ng pandemya, lalo na kung may elemento ng panlilinlang ang paninda.

Laganap ang online selling maging sa flesh trade, pero hindi ko malirip na sasabak sa ganito si MMA.

Baka dumidiskarte si dating aktres sa inaagiw na PBS (Palit-Booking Scam)?

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results