Piolo Pascual, tatahimik lang ba sa "rebelasyon" ni BB Gandanghari?

by PEP Troika
Sep 3, 2020
Ano kaya ang tunay na motibo ni BB Gandanghari (kanan) sa pagsisiwalat ng nakaraan umano nina Rustom Padilla at Piolo Pascual (kaliwa)? Tatahimik lang kaya si Piolo sa pinakawalang pasabog ni BB?
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Enero 2009 “namatay” si Rustom Padilla.

“Kamamatay” pa lang noon ni Rustom nang bumungad sa amin ang isang kaibigan—si BB Gandanghari.

Noon pa man, naikuwento na ni BB ang kanyang masalimuot na pag-ibig na gusto niyang gawing indie movie.

Sabi ko, mahirap iyan. Bukod sa napakapersonal, kailangang humingi ng permiso sa taong patutungkulan nito.

May option na gawing fiction ito. Pero sabi ko, mag-a-attract lang ito ng kontrobersiya, bagay na iniwasan ko.

Lalo pa’t naikuwento sa akin noon ni Tito Alfie Lorenzo (R.I.P.) ang nangyari sa U.S. with Rustom, Piolo Pascual, at ang "kapatid" kong si Judy Ann Santos.

Sa vlog ni BB nitong August 30, idinetalye niya ang nangyari umano kina Rustom at Piolo sa San Francisco, California, noong 2001.

Bagamat itinago pa niya sa Biblical characters na sina David at Jonathan ang mga pangalan nina Rustom at Piolo, ilang beses direktang pinangalanan ni BB ang dalawa habang nagkukuwento.

Continue reading below ↓

Ang tanong ko ngayon ay parang tanong ko rin kay Sarah Balabagan: Bakit nabubuhay ang mga usaping ito sa panahong ito? Ito ba ang dala ng pandemya?

Sa Facebook Live ni Sarah noong August 21 ay direkta niyang pinangalanan ang veteran broadcaster na si Arnold Clavio na siya umanong ama ng kanyang panganay na anak.

Gusto kong intindihin kung saan nanggagaling ang mga rebelasyong ito.

Ito ba ang magpapanatag at magpapabuti sa ating buhay laban sa pag-intindi natin sa coronavirus?

Ano sa tingin ninyo, mga ka-Troika?

GORGY RULA

Dala na rin siguro ng pandemic itong mga pilit na inuungkat ang matagal nang patay na isyu.

Itong binabalak na pelikula ni BB Gandanghari, parang malabong maisakatuparan 'yan. Ang daming masasagasaan kahit sabihing fiction kuning-kuning!

Naaalala ko pa kung paano nabuo ang pangalang BB Gandanghari.

Ang sabi noon ni Rustom, karakter sa isang stageplay ang BB Gandanghari na dinadala niyang bagong pangalan.

Continue reading below ↓

Nabanggit pa niya noon sa akin na ang kapatid daw niyang babae ang magpu-produce ng stageplay.

Nakarating na siya ng Amerika, naging Uber driver na siya, at ngayon ay vlogger, pero wala pa rin ang stageplay na iyon.

Tuluyan na niyang dinala at inako ang pangalang BB Gandanghari.

Akala ko kasi, kaya pinili ni BB na tumira sa Amerika ay dahil gusto niyang manahimik doon.

Pero heto’t nag-iingay siya ngayon, at nadadamay pa ang ibang nananahimik dito sa Pilipinas. Sana, tapusin na ang throwback issues.

Kagaya nang nakapanayam namin si Anjo Yllana sa DZRH noong Martes, September 2 ng gabi. Nagulat siyang naungkat na naman itong isyu ni BB.

Sabi ni Anjo, kapag nagkaroon siya ng chance na magkita sila ni BB, gusto niyang mag-sorry nang personal dahil ginawa nilang biruan noon ang sexual orientation ni Rustom sa set ng defunct sitcom na Palibhasa Lalake.

Dahil sa isyung ito kaya nag-resign noon si Carmina Villarroel sa show.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Dalawampu’t tatlong (23) taong nanahimik si Sarah Balabagan bago inaming nagkarelasyon sila ni Arnold Clavio, at ianunsiyong si Arnold ang ama ng 22-anyos na panganay niyang si Ara.

Semana Santa 2001 sa San Francisco, California, nagkasama-sama sina Rustom, Piolo, Juday, Alice Dixson, Rosanna Roces, Rez Cortez, at Mat Ranillo III sa pagganap sa senakulong Kristo.

Susmaryosep! Labinsiyam (19) na taon na ang lumipas!

Noon ay 34-anyos pa lang si Rustom at si Piolo ay 24.

Nananalig ba si BB Gandanghari na ang katotohanan ay magpapalaya sa kanya? Na walang lihim na hindi mabubunyag?

O nakikisakay si BB sa nauusong BL (Boys’ Love) kaya dinalirot niya ang pinagsaluhan nina “David” at “Jonathan”?

Tahimik lang si Arnold sa rebelasyon ni Sarah. Tatahimik din lang ba si Piolo?

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano kaya ang tunay na motibo ni BB Gandanghari (kanan) sa pagsisiwalat ng nakaraan umano nina Rustom Padilla at Piolo Pascual (kaliwa)? Tatahimik lang kaya si Piolo sa pinakawalang pasabog ni BB?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results