Sunshine Cruz latest victim ng celebrity death hoax

by PEP Troika
Sep 4, 2020
Sunshine Cruz on death hoax: "Nakakagulat naman. Mahaba pa buhay ko. Dami ko pang pangarap for myself and my girls."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Nagulat si Sunshine Cruz paggising niya nitong Setyembre 4, Biyernes ng umaga.

Pag-open ni Sunshine ng Facebook, bumungad ang fake news na patay na siya.

Ini-screenshot ni Sunshine ang hoax at nakiusap siya sa kanyang mga kaibigan sa FB, “Hindi po ito totoo! Buhay na buhay po ako. Please report this(RBB SAVAGE) facebook account. Thank you!”


Continue reading below ↓

Mabilis umaksyon ang mga kaibigan ni Sunshine. Ilang minuto lang, wala na ang balasubas na Facebook account.

“Buti nga, Kuya. Dami na talagang gumagawa ng fake news. Nakakagulat naman.

"Mahaba pa buhay ko. Dami ko pang pangarap for myself and my girls,” sabi ni Sunshine nang maka-chat ko via Messenger.

“Grabe sila sa akin. Una, stressful hacker. Ngayon, patay naman?!”

Kapagkuwan ay nag-post si Sunshine sa FB:

“Nananahimik ako dito sa house at nag-aabang araw-araw ng ‘Love Thy Woman’ kung SINO BA TALAGA ANG PUMATAY KAY ADAM WONG!”

Si Adam Wong ay karakter ni Christopher de Leon sa Kapamilya teleseryeng Love Thy Woman.

Gumaganap dito si Sunshine bilang Kai Estrella, mistress ni Adam, ina ni Jia (Kim Chiu).

After Love Thy Woman, may kasunod nang project si Sunshine. In two weeks, magla-lock in na siya para sa bagong proyekto.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kapag nababalitang namamatay ay humahaba pa raw lalo ang buhay.

Pero hindi talaga magandang biro ang mabalita kang patay na, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

As it is, grabe na ang fear sa mga tao dahil sa pinagdadaanan nating walang kasiguraduhan. Huwag na tayong dumagdag pa sa takot at agam-agam.

Love Thy Self and Love Thy Neighbors and Love Thy Lord. ‘Wag kang papatay, kahit sa maling balita pa iyan!

GORGY RULA

So, segue na talaga sa pagpatay kay Adam Wong sa teleseryeng Love Thy Woman (LTW)?

Kahit paano, nakatulong ang fake news na yun para ma-promote ang kanilang teleserye na mas malakas pa raw online kesa sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nakakalungkot lang dahil unti-unti nang nawawala sa kamalayan ng mga manonood ang mga programa ng ABS-CBN.

Nakakapanghinayang dahil pasabog lagi ang mga eksena sa LTW, at ang bagong sinusubaybayan ng ilan na Ang Sa Iyo ay Akin nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Continue reading below ↓

Pero sa totoo lang, itong mga tipo ni Sunshine Cruz ang hindi mawawalan ng trabaho.

Pagkatapos niya sa Love Thy Woman, huwag na tayong magtaka kung mapapanood siya sa ilang drama ng GMA-7 o baka sa mga bagong gagawin ng TV5.

Hindi na niya kailangang magpapatol sa mga ka-cheapang fake news para lang mapag-usapan. Marami pa ang kukuha ng serbisyo niya bilang aktres.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on death hoax: "Nakakagulat naman. Mahaba pa buhay ko. Dami ko pang pangarap for myself and my girls."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results