Paolo Contis, time-out muna sa K-Drama; katambal si Andrea Torres sa I Can See You

by PEP Troika
Sep 4, 2020
Sumabak na sa lock-in taping ang sina Paolo Contis at Andrea Torres para sa bagong week-long series na I Can See You.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

"The Family that K-Drama’s Together, Reads the Subtitle Together!"

Pa-good vibes na Facebook post iyan ni Paolo Contis noong Agosto 30, Linggo, kaakibat ang litrato nila ni LJ Reyes at dalawang anak na sina Aki at Summer.

Nangako si Paolo na ipo-post sa kanyang eponymous YouTube channel ang kanyang review sa K-drama na It’s Okay Not To Be Okay.


Continue reading below ↓

Pero hindi na muna iyon maasikaso ng tinaguriang "Netflix King" at "Pandemic Superstar."

Nasa Cavinti, Laguna si Paolo para sa taping ng Kapuso anthology na I Can See You. Co-stars ni Paolo sina Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, at Andrea Torres sa kuwentong "The Promise."

Sa behind-the-scenes photos, makikitang mabusising pinaghahandaan at maingat na sinusunod ng team ang taping guidelines at new normal workflow.


Continue reading below ↓

Nauna nang inanunsiyo ang "Love on the Balcony" episode sa I Can See You, na pagbibidahan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Pancho Magno.

"High Rise Lovers" at "Truly, Madly, Deadly" ang pamagat ng dalawa pang kuwentong itatanghal sa bagong serye ng Kapuso Network.

GORGY RULA

Nasa second taping day na ngayon ang episode nina Paolo Contis at Andrea Torres. Limang araw raw silang naka-lock in sa Laguna.

Sabi ni Paolo nang tinext namin, very smooth ang taping nila roon kahit maraming restrictions.

Hindi raw siya kontrabida o magpapatawa rito. Mabait daw ang role niya bilang si Frank na isang mayaman, pero naging patapon ang buhay na naging alcoholic pagkatapos namatayan ng asawa.


Continue reading below ↓

Si Zig Dulay ang direktor ng episode na ito na gustung-gusto ng Kapuso actor dahil nagagalingan siya sa naturang direktor.

Pagkatapos ng taping ay magsi-self-isolation daw siya uli ng limang araw at magpapa-swab test uli.

Bahagi na ito ng bagong normal sa taping ng TV shows.

NOEL FERRER

So, week-long series na nag-iiba kada linggo ang I Can See You, na mag-uumpisa ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.

Iba-ibang kuwento kada linggo. Bagay na pag-aaralan kung kakapitan ng mga taong nasa bahay.

Sa dami ng mga pagpipiliang mapapanood, at sa pabagu-bagong gusto ng Pinoy audience, masuwerte talaga ang shows na papasukin ng maayos na rating at commercial load!

Aasahan nating magiging maganda ang kalalabasan nito!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sumabak na sa lock-in taping ang sina Paolo Contis at Andrea Torres para sa bagong week-long series na I Can See You.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results