Paolo Gumabao pumayag pahawakan ang private part sa movie pero iba ang nangyari

by PEP Troika
Sep 12, 2020
Paolo Gumabao, 22, ang bida sa pelikulang Lockdown, na ididirehe ni Joel Lamangan.
PHOTO/S: FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman

JERRY OLEA

Naka-specify sa screenplay ng pelikulang Lockdown na ipapasok ni Mama Rene, ang karakter ni Jim Pebanco, ang kanyang kamay sa loob ng pantalon ni Danny, ang karakter ni Paolo Gumabao, para ma-inspect ang merchandise.

Hindi sinunod ni Jim ang script.

“Hindi ko talaga sinunod! Hahahahaha!” mataginting na halakhak ng 60 anyos na aktor nitong Setyembre 12, 2020, Sabado ng tanghali, sa police station ng Cavite City.

“Masyado akong nahiya! Hahahahaha! Iniba ko talaga! Para maganda ang reaction ni Paolo! Hahahahaha!”

Paolo Gumabao, Jim Pebangco

Ano naman ang verdict ng masuwerteng palad ni Mama Rene?

“Punumpuno! Hahahahaha!"

Inurirat ko rin si Paolo kaugnay sa eksenang nahiyang gawin ni Jim.

Video: Karen AP Caliwara.

Kaswal na tugon ng 22 anyos na aktor, “Hindi naman po kailangang mahiya. Kung kailangan po sa eksena, Okay lang po sa akin.”

Handa siya sa eksenang hahawakan ni Jim ang kanyang private part?

“Opo. Kasi, nabasa ko naman po sa script dati pa. Sabi ko, ‘Okay, papasok sa akin.’ Wala naman pong problema sa akin kasi trabaho lang po.

"Actually, nagulat po ako nang hindi pinasok. Akala ko po kasi talaga, papasukin. Ine-expect ko po talaga is papasukin.”

Nabastos ba siya?

Mabilis na umiling si Paolo, “No! Of course not. Trabaho is trabaho para sa akin.”

Kumustang katrabaho si Jim?

“Ang sarap po niyang ano... kasi po, noong nabasa ko iyong script, nakita ko yung karakter ni Mama Rene, sabi ko, ‘Hmmm, paano kaya ito gagampanan ni Sir Jim?’

“So, excited akong makita. 'Tapos, noong makita kong ginampanan niya, ‘Ay, shet! Ang galing!’”

Binibiru-biro si Jim na Dear Uge dahil may semblance ang karakter niya sa itsura ni Eugene Domingo.

Jim Pebangco

In-embrace iyon ni Jim na maya’t maya ay pumapalahaw sa set ng “Dear Ugeeeeee!”

Natawa si Paolo, “Hahahahaha! Sabi ko naman, ‘Dear Luge!’ Hahahahaha! Dear Lugeeee!”

Ang director ng Lockdown ay si Joel Lamangan.

Kasama rin sa cast ng movie sina Max Eigenmann, Allan Paule, Ruby Ruiz, at Paul Jake Paule.

NOEL FERRER

It matters na professional at award-winning actor si Jim Pebanco, at na ang long-time partner nitong si Direk Joel Lamangan ay hindi matatawaran at kinikilala ang kahusayan.

Nakilala si Jim sa mga pelikulang Bulaklak ng Maynila (1999), Patikul (2011), and Hubog (2001). Regular din siyang napapanood sa mga serye ng GMA-7.

Tama, trabaho lang, at para sa sining ang ginawa nila. Ikaka-shock pa ba natin iyun? Sana, maluwalhating matapos ang shooting ng pelikulang ito nang walang aberya at walang nagkakasakit. All the best!

GORGY RULA

Lalo na kapag sanay sa entablado ang isang aktor, kayang-kayang iarte iyan ni Jim kahit daya lang.

Iyan din ang naikuwento sa amin ni Royce Cabrera nang nakapanayam namin sa DZRH noong Biyernes, September 11.

Malaking bagay daw ang training niya sa stage kaya hindi siya nadadala sa mga maiinit na eksenang ipinapagawa sa kanya. Kapag nandiyan ka na sa eksena at na-internalize ang role na ginampanan, wala ka nang naiisip na malisya o kaya'y madadala sa eksena.

Napansin ko lang pala kay Paolo, ang laki ng nabago sa itsura niya nang pumayat siya. May mga kuha siyang kamukhang-kamukha na niya ang tatay niyang si Dennis Roldan.

Half siblings ni Paolo sina Michele Gumabao at Marco Gumabao.

Taong 2015 nang pasukin ni Paolo ang showbiz.

FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao, 22, ang bida sa pelikulang Lockdown, na ididirehe ni Joel Lamangan.
PHOTO/S: FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results