Marian Rivera backs out of First Yaya: "Hindi ako uuwi ng bahay? Hindi ko kakayanin."

by PEP Troika
6 days ago
Nag-back out na si Marian Rivera sa First Yaya, ang dapat sana'y comeback series ng aktres matapos nitong manganak noong April 2019.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

GORGY RULA

Kinumpirma ni Marian Rivera na hindi na muna niya gagawin ang First Yaya sa kadahilanang hindi raw niya kayang ma-lock in sa taping at hindi makakasama ang mga anak ng ilang linggo.

Nagpasalamat si Marian sa GMA-7 dahil naintindihan ang kalagayan niya. Valid kasi ang rason kaya kailangan niya itong tanggihan.

Pahayag ni Marian sa mediacon via Zoom ngayong Sabado, September 12, “Mahirap man sa akin, kasi hinulma itong karakter na ito para sa akin, at nung storycon, sinabi nila na ginawa nila ang First Yaya ayon sa kapasidad na mag-swak sa akin, e, nagkaroon nga ng pandemya.

"Sabi ko, kinausap ko ang GMA kung paano ang magiging protocols nila sa taping.

"Sinabi nila, may lock in, hindi muna uuwi, or parang Descendants na nandun lahat."

Ang tinutukoy ni Marian ay ang Descendants of the Sun, kung saan bida ang asawang si Dingdong Dantes. Katatapos lang ng kanilang lock-in taping.

Continue reading below ↓

"Sabi ko, ‘Naku, parang mahirapan yata ako diyan.'

"Gustung-gusto kong gawin ang First Yaya. Nakakasa na ako diyan. Buong puso at isip ko, nakalaan na gagawin ko iyan.

“Nagkataon na may pandemya tayong hinaharap ngayon. Sabi ko talaga, ‘Siguro, hindi pa ito yung time.’

“Kasi, mahirap sa akin naka-lock in, hindi ko makita ang mga anak. Nagpapadede pa ako kay Sixto, 1, inaasikaso ko pa si Zia, 4, sa online class niya.

"'Tapos, hindi ako uuwi ng bahay?

“Sabi ko, ‘Naku, paano ito, hindi ko kakayanin.’”

Sinubukan raw mag-adjust ng GMA-7. Gagawing pitong araw na taping at may three days na break para makauwi. Pero mukhang malabo raw talaga dahil sa safety protocol na dapat mag-self-isolation muna ng ilang araw bago mo maharap ang mga kasama mo sa bahay.

Kaya parang mahirap talaga sa ngayon, na mabuti tinanggap ng GMA-7 ang pagtanggi niya dahil safety ng pamilya ang una niyang concern.

Continue reading below ↓

“In fairness sa GMA, naintindihan nila kung saan ako nanggaling.

“Laking pasasalamat ko talaga sa GMA na every time na may ganitong nangyayari sa buhay ko, nabubuntis ako, hindi ko puwedeng gawin, e, bukal sa loob nila na tanggapin nila ang desisyon ko at sinusuportahan nila ako dun.

“Kaya very thankful ako sa GMA na sobra-sobrang lawak ang pagkakaintindi nila sa akin.

“Sinabi naman nila na naiintindihan naman nila ang desisyon ko na hindi ko kayang gawin,” saad ni Marian.

Marian Rivera

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Noon ko pa inasahan na malabong matuloy ang First Yaya dahil isasaalang-alang ni Marian ang kanyang mga anak.

Hindi pa ito nagsisimula kaya okay lang na mag-back out diyan ang aktres.

Ang inaantabayanan natin ay ang pagpapatuloy ng mga umere nang TV series, gaya ng Love of My Life, kung saan kasama si Coney Reyes; ang Prima Donnas at Bilangin Ang Bituin sa Langit, na parehong ratsada sa hapon; ang Magkaagaw at ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday, na napabalitang magbabalik-taping na.

Marami pang ibang Kapuso shows ang naka-line up, gaya ng Legal Wives, Owe My Love, Babawiin Ko Ang Lahat, The Seed of Love, Sanggang Dikit, Lolong, Voltes V Legacy, at Agimat ng Agila.

Kaya hindi big deal kung ma-shelve muna ang First Yaya dahil sa pag-atras ni Marian.

Meron ngang bagong anthology na I Can See You, na inaabangan natin kung magiging buena mano pa rin nito ang "Love on the Balcony" episode nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Continue reading below ↓

Inaabangan rin natin ang pagbabalik-studio ng All-Out Sundays, at ang fresh episodes ng Magpakailanman, Dear Uge, Bubble Gang, at iba pa.

NOEL FERRER

We honor and accept Marian’s decision na mag-focus muna sa kanyang pamilya.

Sa ngayon ay wala pang sinasabi ang GMA kung papalitan na lang si Marian bilang first yaya o tuluyan nang ise-shelve ang project na ito.

“Ako kasi, sabi ko sa kanila, walang problema kung papalitan nila ako. Siyempre, GMA, maraming kailangang mabigyan ng trabaho. Lalo na ngayon na konti ang mga taong nag-iisip ng another kuwento.

“Walang problema sa akin kung palitan nila ako para mag-move on ang First Yaya.

"Walang problema. Kahit sino ang ipalit nila, walang problema sa akin,” pagtatapos ng misis ni Dingdong.

RELATED STORY

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-back out na si Marian Rivera sa First Yaya, ang dapat sana'y comeback series ng aktres matapos nitong manganak noong April 2019.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results