Bakit nga ba pumatok ang Gameboys?

by PEP Troika
Sep 19, 2020
Elijah Canlas and Kokoy de Santos in a teaser photo for the season 2 of Gameboys.
Dahil sa success ng Gameboys, sinigurado na ng producers ng BL series na ito na magkakaroon ito ng season two.

NOEL FERRER

Maganda ang talakayan namin nitong Setyembre 18, Biyernes, sa Online English Literature 131.30 class ni Professor Louie Jon Sanchez ng Ateneo with the Creative Team of Gameboys—Elmer Gatchalian at Ash Malanum—at ang third at fourth wheel actors na sina Kyle Velino at Miggy Jimenez.

Heto ang napag-usapang main points ng success ng Gameboys following the tenets of the Pinoy Teleseryes.

1. Love Story: It presents the drama of star-crossed lovers doing their best to nurture their newfound love in the midst of a pandemic.

2. Family Story: Family backstories helped shape character and propel narrative.

3. Reference to contemporary times: Like a soap opera, the series maximizes its reference to the times (COVID-19 pandemic) not only to accentuate the world of the characters, but present an interesting opposing force/conflict.

4. Seriality almost without Disturbance: Watching the series almost without commercials [as in TV], or advertising already embedded within the narrative.

Continue reading below ↓

It helped na magagaling at masisipag ang mga artista dahil multi-tasking talaga sila.

At conscious ang effort ng team na hindi gawing palamuti o villain ang female character por que Boys’ Love ito.

Kaya ganun at hindi naging maldita at malaking hadlang si Pearl (Adrianna So) sa kuwento.

In-announce din sa nag-trending worldwide na LevelUp show ng Radyo Katipunan kahapon na maglalabas ng isang GAMEBOYS book which will include the full scripts, reviews, pictures, and a lot more materials na puwede talagang pag-aralan at maging legacy work.

Sabi ng kaibigan nating producer na si Perci Intalan, hindi talaga pera ang habol nila sa paggawa ng libro.

Mas yung pagdo-document ng kakaibang experience at learning sa paggawa ng Gameboys.

Planong ilabas ang librong ito bago mag-Pasko para maging maging regalo mula sa breakthrough project ng taon.

Gameboys' stars Elijah Canlas and Kokoy de Santos's message to their fans. (Video: Noel Ferrer)

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Itong pamamayagpag ngayon ng Pinoy BL series ay taliwas sa sinasabi ni BB Gandanghari na ginagawang katatawanan lang daw ang mga bading at tranny sa ating industriya.

Very '60s, '70s, '80s ang ideyang iyon.

Bahagi na ng lipunan lalo na ng millennials ang ganitong relasyon at set up.

Kaya ang daming interesadong panoorin ito dahil sa kakaibang kuwento—hindi de kahon at nakaka-relate na ang ibang kabataan.

Matino talaga ang Gameboys.

Kaya sana, pag-isipan nang mabuti ang kuwento ng mga sumusunod na BL series at hindi sex lang ang ibebenta.

Pumapasok na ngayon ito sa kamalayan ng ilang producers.

Para ma-curious si Mother Lily (Monterverde, Regal Films Producer) kung ano itong BL-BL, di ba?

May mga lumutang pang ibang magagaling na artista kagaya nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Sana, may mga sisibol pang magagaling na Pinoy BL stars.

JERRY OLEA

Mayo 22 nag-umpisa ang Pinoy BL series na Gameboys (13 episodes) nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Continue reading below ↓

Ito ang unang Pinoy BL series.

Nagtapos ang season 1 nito noong Setyembre 13.

Ang susunod na handog ng The IdeaFirst Company ay ang unang Pinay GL series, ang Pearl Next Door na pagbibidahan ni Adrianna So.

Walo hanggang sampung episode ang Pearl Next Door, na susundan ng season 2 ng Gameboys, at saka pa lang isasapelikula ang love story ng CaiReel (Cairo character ni Elijah at Gavreel character ni Kokoy).

Mayo 31 nagsimula ang Sakristan (8 episodes) nina Clifford Pusing at Henry Villanueva sa YouTube channel ng VinCentiments.

Napabalita na meron itong Ikalawang Pagbasa (season 2).

Abangan natin kung tuloy ito sa VinCentiments, maging ang iba pang napabalitang serye na The Cousins at Ang Jowa Kong DDS.

Hunyo 8 nag-start ang Truly Very Yours (5 episodes) nina Marky Erasga at Wex Andre sa YouTube channel ng JACE TV.

Sequel nito ang Hook Up: A Homemade Series (7 episodes) nina Marky Erasga at JC Lopez, na ang finale ay ngayong Setyembre 19, Sabado ng 10:00 PM.

Continue reading below ↓

Hunyo 24 nag-hello ang Hello Stranger (8 episodes) nina Tony Labrusca at JC Alcantara sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.

Hectic ang sched ni Tony. Katatapos lang niya ng shooting ng pelikulang U-Turn with Kim Chiu and JM de Guzman.

Magte-taping na siya para sa Kapamilya teleseryeng Cara y Cruz with Julia Barretto.

Hopefully, masimulan na rin nila ni JC ang shooting ng movie/sequel ng Hello Stranger.

Hulyo 11 umariba ang In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam (14 episodes) nina Genesis Redido at Migs Villasis sa YouTube channel ng USPH TV.

Episode 11 nito ang palabas ngayong Setyembre 19, Sabado ng 8:00 PM sa YouTube.

Ahead nang two days ang streaming nito sa Gagaoolala.

Kinumpirma ng direktor nito na si Briliant Juan na may season 2 ang romansang TauTep.

Hulyo 21 nagpaandar ang Kumusta Bro? (8 episodes) nina Sky Quizon at Kristof Garcia sa YouTube channel ng Firestarters Studios.

Continue reading below ↓

Interactive ang series na ito sa Kumu.

Hulyo 25 kumalembang ang Even After (10 episodes) nina Kelly Fontanilla at Kristoffer Molina sa YouTube channel na Kelly Fontanilla.

Si Kelly Fontanilla rin ang direktor ng BL series na ito, na nilikha nila ni Menard Marion.

Streaming ang Episode 9 nito ngayong Setyembre 19, Sabado ng 5:00 PM.

Agosto 7 nagpayanig ang Amore nina Erwin Buenaventura at Drei Arias sa YouTube channel ng Star Image Digital Network.

Agosto 8 nagpasiklab ang My Day (12 episodes) nina Iñaki Torres at Miko Gallardo sa YouTube channel ng Oxin Films.

Streaming ang Episode 7 nito ngayong Setyembre 19, Sabado ng 9:00 PM.

Kinumpirma ng project head/producer na si Carlo Morris Galang na may season 2 ang My Day, pero matatagalan pa iyon.

Agosto 15 naghatid ng surpresa ang Unexpected nina Jay Uy at Joe Bardaje sa YouTube channel ng ytteamcavite films.

Agosto 18 bumulaga ang Safe Haven nina EJ Reuven Arcega at Leo Roferos sa YouTube channel ng Gen-Z Production.

Continue reading below ↓

Agosto 18 din humalinghing ang Oh My Sexual nina Arkin del Rosario, Ken Miles, Kim Nigel, Neil Raagas, Thirdy Trinidad, at DJ Cruz sa YouTube channel ng Oh My Sexual.

Setyembre 4 umarangkada ang Quaranthings nina Royce Cabrera at Kyo Quijano sa YouTube channel ng Ride or Die.

Nagpugay ito sa Gameboys. Sa Episode 3 na ipinalabas nitong Setyembre 18, Biyernes, may reference ito sa pelikulang Fuccbois (pinagbidahan nina Royce Cabrera at Kokoy de Santos) at Bench.

Nang araw na iyon ay may pictorial sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas para sa Bench, na major sponsor ng kanilang BL series.

Maglalabas kaya ang Bench ng EliKoy billboard?

Elijah Canlas and Kokoy de Santos with Bench owner Ben Chan.

Continue reading below ↓

Nito ring Biyernes ay lumabas ang official trailer ng mga Pinoy BL series na Lakan (John Kennedy Nakar at Paul Cervantes) sa YouTube channel ng Lakan Series, at Gaya sa Pelikula (Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan).

Setyembre 27, Linggo, 11:00 PM ipapalabas sa TV5 ang My Extraordinary nina Darwin Yu at Enzo Santiago.

Kasabay nito ang premiere streaming sa Gagaoolala. 11:30 PM that night ang premiere nito sa YouTube channel ng AsterisK Digital Entertainment.

Siyempre pa, inaabangan natin ang Oh, Mando! nina Kokoy de Santos at Alex Diaz sa iWant TFC.

Nag-shoot ito noong Marso, pero natigil dahil sa pandemic.

Ito ang unang Pinoy BL na nabalitaan natin, kaya nananabik tayong matunghayan ito.

Sa Oktubre pa ang Ben x Jim nina Jerome Ponce at Teejay Marquez sa YouTube channel ng Regal Entertainment, Inc.

May promo shoot ito sa Oktubre 3 at 4, at inaasahan nating mambubulabog ito.

Maraming iba pang Pinoy BL series na ikinakasa, gaya ng 90 Days (Brian Cuballes at Aejhay Espinosa), Boyband Love (Arkin del Rosario at Gus Villa), Better Days (Chesther Chua at Benedix Ramos), at Boys’ Lockdown (Ali King at Alec Kevin).

Continue reading below ↓

Mapapanood na ang trailer ng short BL movie na Locked Heart This Lockdown (Eugene Bernal at Christian James Correa) sa YouTube channel ng ICYMI Films.

May BL movie rin sina Jameson Blake at Joao Constancia, di ba?

Kung usapang BL, dapat i-mention natin ang Unlocked (9 episodes) anthology ni Direk Adolf Alix Jr. sa Gagaoolala.

Bonggang-bongga ang pilot at finale ng anthology of short films na ito, na parehong pinagbidahan ni Markki Stroem.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa success ng Gameboys, sinigurado na ng producers ng BL series na ito na magkakaroon ito ng season two.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results