Jay Sonza, may pasabog na tsismis tungkol kina Julia Barretto at Gerald Anderson

by PEP Troika
Sep 21, 2020
Nasagap umano ng dating broadcaster na si Jay Sonza mula sa kanyang kapitbahay ang balitang "may nabuo na sa sinapupunan" si Julia Barretto, at ang ama umano ng dinadala niya ay si Gerald Anderson.
PHOTO/S: PEP

NOEL FERRER

Ano ba itong pasabog ni Jay Sonza ngayong Setyembre 21, Lunes ng umaga?

Sabi ni Jay sa Facebook, “Napatunayan ni Visoy -- Visayan Tisoy Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at ni Marjorie na si Julia Barretto na kapwa hindi sila baog."

Sino ba ang nagsabing baog sila, Jay?

Diretsahang sabi ni Jay, “After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) -- may nabuo sa sinapupunan ni Julia.”

Hindi ko lang maintindihan sa local language ang sumunod niyang sinabi: “Nahinayak ang batang Dadiangas, nasiyot man jud oi. kapugngan pay tren, dili ang gugmang gauros-uros tawon.”

Ang panghuling hirit ni Jay, “Happy Monday po. Makikibalita ako kung kailan ang kasal sa aking neighbor.”

Hindi kaya maling balita ang nakarating kay Jay, at ibang young star ang nasa interesting stage?

Si Jay ay dating sikat na broadcaster na nagtrabaho sa ABS-CBN at GMA-7. Naging ka-tandem siya ni Mel Tiangco sa talk show na Mel & Jay.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

“Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa lahat, nagbunga...”

Bahagi iyan ng mahabang pasakalye ni Jay sa payanig niya tungkol kina Gerald at Julia.

Hangad nating linawin agad iyan nina Gerald at Julia, lalo pa’t hindi matapus-tapos ang intriga na sila pa rin.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mahirap patulan agad-agad ang mga ganitong pasabog, lalo na't galing sa taong di gaanong kabisihan.

Mas mabuting hintayin muna ang pahayag mula kay Julia Barretto o sa kampo nito kung may aabangan ba tayong baby next month.

Ang dami nang nakatakdang manganak, sa dami ng mga totoong nagsipagbuntisan.

Isa sa malapit na talagang manganak ay ang komedyanang si Chariz Solomon, na nagpa-swab test na bago siya ipasok sa hospital.

Huli ko na lang nalaman na sa pangalawang partner niya na pala itong ipinagbubuntis ni Chariz. Matagal na pala siyang hiwalay sa asawa niya kung saan mayroon siyang dalawang anak.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasagap umano ng dating broadcaster na si Jay Sonza mula sa kanyang kapitbahay ang balitang "may nabuo na sa sinapupunan" si Julia Barretto, at ang ama umano ng dinadala niya ay si Gerald Anderson.
PHOTO/S: PEP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results