GORGY RULA
Dumalo si James Reid sa event ng Department of Agriculture (DA), ang PAG-AHON Project o Sa Palay at Gulay, May Ani, Hanapbuhay, Oportunidad at Nutrisyon, na ginanap sa Lupao, Nueva Ecija, umaga ng September 23, Miyerkules.
Kasama siya sa party ni DA Secretary William Dar na dumating sa Nueva Ecija para makaharap doon ang mga magsasaka.
Noong buwan ng Mayo pa inilunsad si James bilang Ambassador for Food Security, at isa ito sa activities ng naturang ahensiya na kailangan niyang daluhan para ma-promote ang food security.
Nagpahayag noon si Dar na kailangan ang boses ng mga kabataan kagaya ni James para i-endorse ang main advocacies ng Department of Agriculture, lalo na sa campaign nila on sustained food security, feed accessibility, and affordability.
Kasama si James sa pag-encourage sa mga kabataan na bigyang halaga ang malaking naitulong ng mga magsasaka at mangingisda sa ekonomiya ng bansa.
Sabi ni James noong inilunsad siya bilang Ambassador for Food Security, “I’m very new to the world of agriculture but it’s my passion of sustainability that has brought me here. It’s my privilege to use my voice to support farmers and fisherfolks in the Philippines.”
Kanina, nagbigay siya ng pahayag sa harap ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.
Nang humarap si James sa media, tinanong siya kung ano ang paborito niyang gulay.
Matagal bago nakasagot si James, pero kangkong daw ang paborito niyang kinakain sa sinigang.
Sinamahan si James ng kanyang ama na Malcolm Reid, tumatayo na rin niyang manager.
JERRY OLEA
May video pa ng pag-ani ni Farmer James ng ampalaya sa Facebook fanpage na James Reid-REIDers.
Makabuluhan ang pagiging DA Ambassador on Food Security ni James, kaya ikinatuwa ko ito.
Nakipamiyesta na ako minsan sa Lupao, kung saan sariwa ang hangin, at sagana ang bigas.
If I remember right, unli-rice sa karinderyang kinainan namin!
NOEL FERRER
Kay James ka ba na-inspire kaya certified Plantito ka na rin, Tito Gorgy?
Habang wala pa masyadong trabaho ay sa mga ganitong adhikain nagiging visible ang mga artista at kumikita pa.
Ang tanong ko, kapag ganitong ambassador ba ng proyektong pampamahalaan—tulad nina James sa DA, Catriona Gray (sa DTI), Alden Richards (sa DOH), at Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli (sa Census)—ibig bang sabihin, hindi na sila makakapag-post ng mga pagpuna sa kahit na anong ginagawa ng pamahalaan dahil kumikita sila rito?
Just asking.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
