JERRY OLEA
Good news! Lumampas na sa 1M views ang episode 3 ng Gameboys, gaya ng naunang dalawang episode ng Pinoy BL series nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.
Available na rin sa China (Weibo) at Japan (website) ang subtitled Gameboys.
Siyempre, ibang tao ang kikita sa subtitled versions na iyon. Pero malaking benefit para sa Gameboys in terms of promo kung mag-boom ito sa China.
"Oo nga, e. Ayoko na lang tanungin, paano nila napapanood hahahaha!" sabi ng executive producer ng The IdeaFirst Company na si Direk Perci Intalan nitong Seryembre 24, Huwebes.
At sa Setyembre 27, Linggo ng 7:00 p.m., magla-live reading sina Elijah, Kokoy, at Therese Malvar ng screenplay ng pelikulang Anino sa Likod ng Buwan (2015).
Pinagbidahan iyon nina LJ Reyes, Adrian Alandy, at Anthony Falcon, sa panulat at direksiyon ni Jun Lana.
Ang screenplay ay base sa one-act play of the same title, na nagkamit ng first prize sa 1992 Bulwagang Gantimpala Playwriting Competition.
Ang pelikula ay nag-world premiere sa 2015 Karlovy Vary International Film Festival sa Czech Republic.
Nakamit nito ang mga parangal na NETPAC Asian Critics Prize, FIPRESCI International Critics Prize, Best Actress, at Best Director sa 2015 Pacific Meridian Film Festival sa Russia.
Nag-Best Actress din si LJ sa Gawad Urian for this movie, at nakakuha ng isa pang Best Director award para rito si Direk Jun sa 2015 Kerala International Film Festival sa India.
Ang awards na iyan ay nakalagay sa cover page ng script na ipinabasa kina Kokoy, Elijah at Therese.
Napanood na ng tatlong young actors ang pelikula, kaya alam nila kung gaano kapangahas ang mga karakter dito na ginampanan nina Adrian, Anthony, at LJ.
Kapwa 20 anyos sina Therese at Elijah, samantalang 22 anyos si Kokoy. Pinag-aaralan na nila ang script.
Siyempre, si Therese ang magbabasa ng karakter na Emma.
As of press time, hindi pa napagpasyahan ni Direk Jun kung sino ang magbabasa bilang mister ni Emma na si Nardo, at sino ang sundalong si Joel.
Sa Sabado, September 26, may mahabang rehearsal sina Kokoy, Elijah, at Therese para sa live reading sa Sunday.
Malamang na sa Facebook page ng The IdeaFirst Company ang Live reading, na kapagkuwan ay maaaring i-upload sa YouTube.
NOEL FERRER
Mataas ang expectation sa live reading ng Anino sa Likod ng Buwan sa Sunday night.
Kasi, pawang na-cite ng Urian ang tatlong aktor sa pelikulang ito.
Iba ang hamon ng teatro. Magandang makuha rin ng tatlong batang artista ang disiplina at kahusayan na nire-require dito.
Malay mo, maging foreshadowing ito sa pagkapanalo ni Elijah Canlas bilang best actor sa parating na 43rd Gawad Urian.
Nominado si Elijah para sa pelikulang Kalel, 15, na idinirek ni Jun Lana para sa The IdeaFirst Company, October Train Films, at Cignal Entertainment.
Ang fearless forecast ko, si Elijah ang magwawagi, na puwedeng may ka-tie (in true Urian fashion).
GORGY RULA
Masalimuot ang isyu noon sa pelikulang iyan ni LJ Reyes, na nanalong Best Actress sa Gawad Urian.
Sana, natapos na yun at nakalimutan na ang naging isyu nila noon ni Adrian Alandy.
At any rate, kaya siguro may live reading muna ng Anino sa Likod ng Buwan sa Linggo ay dahil sa Oktubre pa magpi-premiere streaming ang unang Pinay GL series na Pearl Next Door sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.
Last Sunday ay natunghayan natin ang Chapter 13.5 na Alt.Gameboys, na nakasentro kay Terrence (Kyle Velino), who is torn between Wesley (Miggy Jimenez) and Achilles (Kych Minemoto).
Hopefully, sa first Sunday ng October ay mapanood na natin ang Pearl Next Door na pagbibidahan ni Adrianna So.
Tatakbo ng walo hanggang episode itong Pearl Next Door, kaya ang Season 2 ng Gameboys ay sa 2021 na magpi-premiere.
Bagong taon, bagong simula para sa pagpapatuloy ng love story nina Cairo at Gavreel!
Hopefully ay manatiling loyal sa Gameboys ang kanilang fans. More and more kasi ang dating ng mga Pinoy BL series.
Siyempre, andaming nag-aabang kung kailan ang streaming sa iWant TFC ng Oh, Mando! nina Kokoy de Santos at Alex Diaz.
Kapana-panabik din ang unang Pinoy BL series ng Regal Entertainment sa YouTube, ang Ben x James starring Jerome Ponce and Teejay Marquez.
Ayon sa source ng PEP Troika, malapit nang mag-umpisa ang shooting ng Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara.
Sequel ito ng kanilang BL series na napanood sa Facebook page at YouTube channel ng Black Sheep.
Teka, nakakaintriga ang tweet ni Tony nitong early hour ng Thursday, September 24.
Sabi rito, "Sorry I deleted my latest vlog, I didn’t mean to offend anyone. I genuinely care for JC and only want the best for him.
"Right now this is how I feel, but who knows. I’m not a fortune teller and no one can dictate the future.
"Those things take time, love is love."
JERRY OLEA
Pawang lampas 1M views sa YouTube ang first five episodes ng Hello Stranger (8 episodes).
As mentioned earlier, ang first three episodes ng Gameboys (13 episodes) ay pawang lampas sa 1M views.
Ang Episode 1 ng Sakristan (8 episodes) lamang ang lumampas sa 1M-mark.
Ang tatlong Pinoy BL series na mga iyan pa lang ang nasa 1M Club kaugnay sa paramihan ng views sa YouTime.
At this writing, ang Episode 1.4 ng My Day na in-upload noong Agosto 8 sa YouTube channel ng Oxin Films ay naka-946K views na.
Ang Episode 1 ng Quaranthings—na na-publish noong Setyembre 4 sa YouTube channel ng Ride or Die—ay naka-921K views.
Ang Episode 4 ng Quaranthings nina Royce Cabrera at Kyo Quijano ay magpi-premiere streaming ngayong Setyembre 25, Biyernes ng gabi.
Ang Episode 8 ng My Day na matutunghayan sa Setyembre 26, Sabado ng gabi ay kaabang-abang.
Maghahalikan na ba rito sina Sky (Miko Gallardo) at Ace (Iñaki Torres)?
Siyempre pa, may pasiklab din ang Episode 12 ng In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam nina Migs Villasis at Genesis Redido sa Sabado night.
Boom harot!
Kaya good luck sa apat na Pinoy BL series na mag-uumpisa this weekend—Boyband Love nina Arkin del Rosario at Gus Villa, My Extraordinary nina Darwin Yu at Enzo Santiago, Gaya sa Pelikula nina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan, at 90 Days nina Arjhay Espinosa at Brian Cuballes.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika