PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Revival King Jojo Mendrez, may music video collab kina Buknoy Glamurr, China Roces, Erika Embang

Revival King Jojo Mendrez, 26 years in the making ang kantang "Diwa Ng Pasko."
by PEP Troika
Published Sep 28, 2020
Tampok sa music video ng "Diwa Ng Pasko" ni (L-R) Jojo Mendrez ang vloggers na sina Buknoy Glamurr, China Roces, at Erika Embang.
PHOTO/S: Jojo Mendrez Facebook

GORGY RULA

Natupad na ang pangarap ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez na ma-release ang Christmas song niyang "Diwa ng Pasko," na 26 years in the making.

Nabuo raw niya ang kantang ito noong 1994 nang nagsisimula pa lang siyang kumanta.

Naging kaibigan niya ang composer na si Andrei Dionisio, na hinilingan niyang igawa siya ng isang Tagalog Christmas song at binayaran pa raw niya ito ng five thousand pesos (P5,000).

Inareglo raw ni Dionisio ang awiting "Diwa ng Pasko," at sinamahan pa siyang i-record ito sa Greenhills Sounds Studio.

Pagkatapos daw nilang nabuo ang kanta, hindi na sila uli nagkita.

Naging abala raw si Jojo sa launching ng first album niya sa Ivory Records na ini-launch pa sa GMA Supershow ng yumaong Master Showman na si German Moreno.

Pagkatapos nun ay hindi na siya naging active sa kanyang singing career dahil naging abala naman siya sa negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa noong 2014, nakalkal daw niya ang old files niya at nasa DAT file—o isang uri ng notepad app—pa raw ang lyrics nitong "Diwa ng Pasko."

Sinubukan daw niyang ipahanap ang kaibigang composer na si Andrei Dionisio.

Pero malungkot na sabi ni Jojo, "Doon ko nalaman na wala na pala siya. Nabulag pala siya because of diabetes at namatay.

"Sobrang lungkot ko nun, at nag-flashback sa akin ang mga masasayang memories namin nung ginawa namin itong 'Diwa ng Pasko.'"


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabuksan nila ang DAT file sa tulong ng ilang kaibigan.

At taong 2017, ginawan ni Marvin Querido ng bagong arrangement ang naturang kanta.

Naisip ni Jojo na napapanahon ngayong pandemya ang awiting Pamaskong ito kaya ini-record na niya.

At noong Sabado, September 26, 2020, ini-launch na ang music video nito.

Tampok dito ang ilang vloggers—kabilang si Buknoy Glamurr na pinag-usapan dati dahil sa panlalait niya sa isang pedicab driver. Ginawa siyang pedicab driver dito sa video.

Nasa video rin ang Bisayang vlogger na si Erika Embang na mahilig mang-alipusta ng mga kapitbahay, at si China Roces na pinag-usapan din ang pakikipaghiwalay sa kanyang asawang si Tim Sawyer.

Sa susunod na buwan ay nasa Spotify at iTunes na itong "Diwa ng Pasko" ni Jojo.

NOEL FERRER

Naalala ko itong inawit ni Jojo sa kanyang concert noong Oktubre 5, 2018 sa Resorts World Manila. Dinaluhan iyon ng nag-iisang Superstar Nora Aunor. Kasama pa ni Jojo ang children’s choir sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang matulungin na tao, akala ko nga ay si Jojo ang lalabas sa hulihan ng video na sasaklolo sa nawawalang bata, kasi naturalesa niya yun.

Pero sa huli’t huli, basta Pasko, para sa akin ay napapanahon iyan.

Dahil ang mensahe ng pagmamahalan, pag-asa, at kapayapaan ay hindi lang sa panahon ng Kapaskuhan.

Kakatwa lang dahil nakasulat din ako ng kantang "Diwa ng Pasko," pero at least, nauna na sina Andrei Dionisio at Jojo Mendrez.

JERRY OLEA

"MARAMI ang siguradong magiging MABAIT pagkatapos mapanood ang music video ko na DIWA NG PASKO."

Shout out iyan ni Jojo sa Facebook account niya nitong Setyembre 27, Linggo.

As of this writing, naka-294K views na ang music video sa Facebook account ng Revival King.

Naka-post din ito sa FB page ng Star Image Artist Management kung saan meron na itong 51.3K views.

"Road to 1M views... pls share and share..." panawagan ni Jojo sa Facebook nitong Setyembre 28, Lunes ng umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Philantrophist si Jojo. Kahit hindi Pasko ay nagpapaka-Santa Claus siya. Maraming nabiyayaan sa pagbuo niya ng nasabing music video, kung saan tampok din sina Gigil Kid at You Do Note Girl.


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sa music video ng "Diwa Ng Pasko" ni (L-R) Jojo Mendrez ang vloggers na sina Buknoy Glamurr, China Roces, at Erika Embang.
PHOTO/S: Jojo Mendrez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results