JERRY OLEA
Good news para sa fans nina Heart Evangelista at Marian Rivera!
Excited si Heart dahil mapapakinggan na ng kanyang supporters ang unreleased songs niya mula pa noong 2005.
Sa panahon ng pandemya, nagkaoras si Heart na halukayin ang mga kahon niyang nakatabi.
Nahalungkat ni Heart ang kanyang recording album na iprinodyus labinlimang (15) taon na ang nakalipas, noong 21 anyos pa lang siya. Nakapaloob sa album ang ilang paborito niyang awit na hindi pa na-release.
Nagpakita lang siya before ng snippets ng mga iyon sa socmed, pero sa pagkakataong ito, ire-release na niya ang mga nasabing kanta. Abangan!
Tungkol naman kay Marian, matutunghayan na ang fresh episode ng hinu-host niyang Tadhana sa Oktubre 3, Sabado ng 3:15 P.M., sa GMA-7.
Bida sina Katrina Halili at Jason Abalos sa episode tungkol sa isang misis na naging biktima ng sexual at physical abuse ng kanyang mister habang naka-lockdown.
Tampok din sa episode na ito sina Arny Ross at Ali Khatibi.
Work-from-home ang naging set-up ni Marian kasama ang asawang si Dingdong Dantes na nagdirek sa kanya.
Malaki ang pasasalamat ni Marian sa bumubuo ng Tadhana dahil naiintindihan ng mga ito ang desisyon niyang huwag munang lumabas ng bahay.
Hindi ito ang unang pagkakataong nakatrabaho ni Marian si Dingdong sa Tadhana. Nauna nang nagdirek si Dingdong ng isang anniversary episode ng programa.
Tumayo ring host ng Tadhana si Dingdong last year habang naka-maternity leave si Marian.
NOEL FERRER
Wow, mabuti naman at nahalungkat ni Heart sa kanyang baul ang kanyang mga music recording.
Naalala ko, sumali pa siya sa Himig Handog at maganda ang kanta niya roon!
As for Marian, buti at may fresh entries siya na hindi na kailangang iwan pa ang mga anak niya.
Muli, any new fresh episode is good para sa ating industriya at sa mga manonood!
GORGY RULA
Ang nagagawa talaga ng pandemyang ito, lumalabas ang iba pang talento.
Mabuti at hindi ito ibinaon ni Heart sa limot. Proud siya sa nagawa niyang album kaya ibabahagi na niya ito sa kanyang supporters.
Di ba, nagamit din ni Heart ang skill niya sa pag-interior decorate kaya naayos niya ang bahay nila ni Governor Chiz Escudero sa Sorsogon?
May isa pa siyang planong hindi pa natutuloy—ang pagpapatayo ng shelter sa mga aso't pusa. Balak niyang magpatayo rin nito sa Sorsogon.
Samantala, okay na kay Marian na ang Tadhana muna ang ginagawa niya dahil hindi niya kailangang ma-lock in sa isang location at mapalayo sa pamilya. Dagdag pang si Dingdong naman ang direktor niya sa spiels.
Sabi ni Marian, kung may maibigay ang GMA-7 na iba pang programa na naka-Zoom lang o virtual, okay na okay siya sa ganoon.
***
Shopping online? Enjoy promos and discounts using this Lazada voucher.
