Andrea Torres at Paolo Contis, nalungkot sa quarantine period pagkatapos mag-taping

by PEP Troika
Oct 2, 2020
Parehong nakaranas ng lungkot sina Paolo Contis at Andrea Torres pagkatapos mag-taping para sa Kapuso drama anthology na I Can See You. Kinailangan kasi nilang mag-quarantine sa kani-kanilang kuwarto kaya hindi nila nakasama at nalapitan ang kanilang mga mahal sa buhay.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

GORGY RULA

Malaki ang pasasalamat ng mga artistang nakabalik na sa trabaho at nakapag-taping na.

Pero medyo nahirapan lang daw silang mag-quarantine pagkatapos ng taping habang hinihintay ang resulta ng swab test after the taping.

Iyon ang pinagdaanan ni Andrea Torres pagkatapos niyang mag-taping sa "The Promise" episode ng I Can See You.

Talagang nanibago raw siya na, pagkauwi, kailangan muna niyang ma-quarantine at hindi pwedeng lumapit sa kanyang pamilya.

Pitong araw raw siyang naka-quarantine sa kuwarto niya.

Noong first three days, medyo okay pa raw. Pero nang mga sumunod na araw, nakaramdam na siya ng inip at matinding lungkot.

“Alam mo, yung kilos ko na akala mo meron akong COVID pero wala naman. Just to be sure, kasi ang kasama ko sa bahay, seniors saka PWD, e.

“Doon lang ako nahirapan, kasi iba yung naka-quarantine ka sa bahay mo, pero yung nasa kuwarto ka lang talaga, nakakalungkot talaga siya.

Continue reading below ↓

“Kaya noong puwede na, bumawi naman ako. Nag-spend na ako ng time sa family ko, gumawa kami ng bonding,” kuwento ni Andrea sa mediacon ng I Can See You noong Huwebes, October 1.

Ganoon din ang kuwento ni Paolo Contis.

Mahirap daw para sa kanya na pagkatapos ng taping ay ilang araw siyang napalayo sa pamilya, dahil hindi rin siya kaagad makalapit sa kanila pag-uwi.

Kuwento niya, “Mahirap yung pag-uwi na nakakulong ka sa kuwarto, malungkot siya. Kasi, ang quarantine area ko, yung kuwarto ni Aki. Si Aki sa kabila, so pag-uwi ko, wala nang laman yun.

“Yung kuwarto, katapat sa labas ng bahay. So, nakita ko sila, naglalaro, nandun lang ako sa bintana, nakatingin sa kanila. 'Tapos, ang saya nila.

"Dun ako nabubuwisit, e. Ba’t sila masaya, wala ako?

"'Tapos pag umaga, minsan wala sila, lalabas ako. Nagpapahangin ako, 'tapos lalabas si Summer. 'Tapos, tatakbo siya papalapit sa ‘yo, 'tapos tatakbo ako palayo. Kasi, hindi puwedeng dumikit, e.

Continue reading below ↓

"Nakakalungkot, pero siyempre safety nila yun,” pahayag ni Paolo.

Ito na ang bagong normal na kailangang makasanayan, pero mahirap daw talaga ang ganung adjustment.

Kaya sabi ng komedyanteng si Maey Bautista, na bahagi rin ng "The Promise" episode, siguro kailangan talagang sanayin na natin ang ganitong set-up.

“I don’t know kung pangit ba itong isipin, pero I think we have to live with it.

“Kailangan lang po siguro ng tamang pag-iingat at pagdarasal,” sabi ni Maey.

Sa Lunes, October 5, na mapapanood ang "The Promise" sa I Can See You, kung saan kasama rin nila si Yasmien Kurdi at Benjamin Alves.


Continue reading below ↓

(L-R) Benjamin Alves, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, and Maey Bautista

NOEL FERRER

Wagi dahil bagong panoorin na naman at fresh episodes.

Work-kete-work ang mga tao habang ino-observe ang strict health protocols.

Ano kaya ang kahihinatnan nito sa ratings compared sa naunang Alden Richards-Jasmine Curtis-Smith miniseries na magtatapos ngayong Friday night, October 2?

Aabangan natin iyan!!!

JERRY OLEA

Naibalita sa All Out-Sundays na pagkatapos ng Love On The Balcony episode nina Alden at Jasmine, ang susunod na handog ng I Can See You anthology ay ang "High Rise Lovers" episode nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Winwyn Marquez, sa direksiyon ni Monti Parungao.

Nag-virtual mediacon ito noong Setyembre 30, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Tom Rodriguez and Lovi Poe

Nagulat na lang ako nang mabalitaan ko nitong Huwebes, Oktubre 1, na ipinagpaliban ang showing ng "High Rise Lovers," at inuna ang "The Promise."

Anyare? Nagkaproblema ba sa ratings ng Alden-Jasmine episode? Binoykot ba ito ng AlDub Nation?

Sa Eat Bulaga! kasi, habang wala si Alden this week, andiyan si DJ Loonyo. Ang cute-cute ng sabayang pagsasayaw nina DJ Loonyo at Maine Mendoza this Friday sa “Bawal Judgmental” segment! May kilig factor!

E, medyo naasiwa ako sa mga pralala na kesyo bongga rin ang pakilig nina Alden at Jasmine sa Love On The Balcony.

Continue reading below ↓

Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith

Parehong mahusay na artista sina Alden at Jasmine, kaya napakunot-noo ako sa mga eme-eme na kilig overload ang kanilang tambalan. Kailangan ba ang ganoong pabebe?!

Saka kapartner ni Jasmine si Rocco Nacino sa Descendants of the Sun. Kaya Pilita Corrales (as in “pilit”) ang dating sa akin na kesyo kilig-kiligan ang Alden-Jasmine tandem.

Siguro rin, sa kaibuturan ng aking diwa, may “high rise expectations” ako na magtambal muli sina Alden at Maine.

Nang tapusin agad ang Kapuso teledramang Destined To Be Yours noong Mayo 2017, may “the promise” na kesyo may nilululutong follow-up project para sa dalawa.

Anong petsa na?! Mahigit kalahating taon na ang COVID-19 pandemic na “truly madly deadly.”

Mali pa ba ang panahon kaya hindi si Maine ang kinuhang partner ni Alden sa Love on the Balcony?!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong nakaranas ng lungkot sina Paolo Contis at Andrea Torres pagkatapos mag-taping para sa Kapuso drama anthology na I Can See You. Kinailangan kasi nilang mag-quarantine sa kani-kanilang kuwarto kaya hindi nila nakasama at nalapitan ang kanilang mga mahal sa buhay.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results