Ano ang konek ng photos nina Raymart Santiago, Jodi Sta. Maria, sa isang spa?

by PEP Troika
Oct 3, 2020
Ayon sa isang forwarded message na natanggap ng PEP Troika sa Facebook Messenger, sa isang spa kinunan ang mga photos nina Raymart Santiago at Jodi. Sta. Maria.
PHOTO/S: @raymartsantiago @jodistamaria

NOEL FERRER

Nakatanggap ako at iba pang kasamahan natin sa industriya ng forwarded message mula sa isang spa company, na tahasang sumakay sa mga naglabasang photos nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Ang matching caption ng mga photos na natanggap ko sa Facebook direct message ay: “We were the one (sic) who massage (sic) them”—sabay engganyo sa mga tao na magpamasahe roon.

raymart santiago, jodi sta. maria

Continue reading below ↓

Kasama rin sa isang photo sina Judy Ann Santos at Vhong Navarro na parang kuha sa isang party.

Sana lang, hindi gamitin ang image ng mga artista nang walang pahintulot lalo na kung ito ay pinagkakakitaan na.

GORGY RULA

Mali talaga iyan!

Ang lakas ng loob na gamitin at tahasang sabihing nagamit ang serbisyo nila ng mga artistang ito.

Dapat maaksiyunan itong panggagamit sa kanila.

Naalala ko tuloy ang isang actress/TV host na kinuhang endorser ng isang beauty clinic na wala namang isyu sa bayaran.

Ang problema lang, natapos na ang contract nila, hindi naman niya ni-renew, pero nandoon pa rin ang mga litrato ni aktres. Hindi pa tinanggal ang billboard at gamit pa rin ang mukha ng aktres.

Ilang beses nang pinakiusapan ang may-ari ng beauty clinic, pinadalhan pa ng sulat ng abugado, dedma talaga ito.

Halos dalawang taon itong ginagamit na naapektuhan tuloy si aktres. Hindi siya nakukuha ng ibang beauty clinic gawa nito.

Continue reading below ↓

Finally, natanggal na rin ang mga litrato ni aktres dahil sarado na ang clinic at nabulilyaso na rin sa ilang kaso itong may-ari ng beauty clinic na ito.

JERRY OLEA

May mga karinderya, bar, at restaurant na may bulletin board kung saan nakalagay ang pictures ng celebrities na kumain sa kanila.

Madalas na kasama sa litrato ang staff o may-ari ng food business.

Ang “unwritten rule” ay hanggang bulletin board lang iyon.

Sakaling may feature article sa diyaryo o sa TV show ang food business, puwedeng mabanggit na si ganito o ganireng celebrity ay minsang kumain sa kanila bilang trivia.

Halimbawa, iyong isang karinderya sa Brgy. Palanan, Makati City, may wall clock galing sa isang kilalang politician na madalas kumain before sa kanilang puwesto.

The same goes sa isang bulaluhan sa España Boulevard, Manila, at sa isang munting karinderya noon sa Roces Avenue, Quezon City, na ang specialty ay dinarayo ng celebrities.

Continue reading below ↓

Kaya paalala ito sa mga kumpanya na akala nila ay ok lang na gamitin ang pictures ng celebrity clients na nagpa-patronize sa kanila.

Ke social media—as a post or a private message—o sa billboard o poster, hindi ito puwede kung walang kamalay-malay ang mga celebritries na gagamitin sila nang walang pahintulot.

Kaya ayan, iko-call out natin ang may-ari ng spa, pati na rin ang iba pang mga kumpanya na ginagawang practice ito.

Note: Kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook Messenger ang nasabing spa para kunan ito ng pahayag. Offhand, ayon sa staff, never raw na-post sa social media ang mga nasabing larawan nina Raymart at Jodi. Hindi rin daw sila nag-send ng message sa Facebook Messenger.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang forwarded message na natanggap ng PEP Troika sa Facebook Messenger, sa isang spa kinunan ang mga photos nina Raymart Santiago at Jodi. Sta. Maria.
PHOTO/S: @raymartsantiago @jodistamaria
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results