Julie Anne San Jose, Rita Daniela napatili nang makita ang isang The Clash contestant

by PEP Troika
Oct 3, 2020
Sa pilot episode ng The Clash Season 3, nagulat ang Clash master na si Julie Anne San Jose at Clashmate Rita Daniela nang makita nila ang isa mga contestants.
PHOTO/S: https://www.facebook.com/GMATheClash

GORGY RULA

Isa sa sorpresang inabangan ngayong gabi, October 3, sa The Clash Season 3 ay ang pagkikita-kita ng ilang miyembro ng dating grupong Sugar Pop.

Nagulat sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela na isa pala sa napiling clashers na makikipaglaban sa singing competition ay ang dati nilang kasamahan sa Sugar Pop na si Pocholo Bismonte.

Continue reading below ↓

Ang saya ng pagkikita-kita nila sa pilot episode na ito.

Isa pang inabangan ay ay ang pagsali ng magaling ding singer na si Jennie Gabriel.

Kung naalala niyo, si Jennie ang magaling mag-impersonate kay Angel Locsin.

Ang dami na rin niyang nasalihang singing competition, pero hindi pa niya nakamit ang championship.

Dito kaya sa The Clash Season 3 niya makakamit?

Paano nila pipiliin ang finalists? Isa rin iyan sa aabangan natin.

Continue reading below ↓

Aminado ang mga taga-The Clash na mahirap ang taping nila dahil sa maraming bawal at mahigpit na pagpapatupad ng safety protocols.

Hindi rin kasi nila matatapos ang buong season nang naka-lock in, kaya umuuwi sila at parang naka-quarantine na rin bilang paghahanda sa pagbabalik-taping.

Sabi ng senior program unit manager na si Ruth Marinas, “Matinding dasal talaga. Going into the show, alam namin na nandoon ang reality na iyong may chance talaga, kaya dasal lang.

“Meron din naman kaming contingency plans na nakaabang, pero talagang sana, walang ganun.

"Kaya we are trying our very best to practice iyong lahat na protocols during taping.

"Kahit na umuwi sila especially the clashers, iyong araw-araw na reminder na huwag na muna kayong lumabas.

"Lahat na paalala, binibigay namin sa kanila na they have to take care of themselves na hindi sila magkasakit.

"Meron kaming mga contingency plans na sana, hindi na namin kailangan i-impose."

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

I can imagine the effort ng lahat sa pag-a-adjust sa pandemya at sa lahat ng health protocols.

Sa kabila ng kanyang hectic sked, mabuti at naagapan ang sakit ng mister at manager ni Lani Misalucha na si Noli Misaluncha.

Yun lang, hindi na muna masasamahan ni Noli ang Asia's Nightingale sa gigs nito dahil nagpapagaling pa siya.

Basta, sana ay safe nilang mairaos ang taping sa studio at pagpapalabas ng third season ng The Clash.

Kailan naman kaya ang BaClash? LOL

JERRY OLEA

Ang inaabangan ko, kung ano ang gagawin nila sa naunang winners ng The Clash na sina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco.

Nasabi ko na before na hindi ko pa ganap na nararamdaman ang kislap ng bituin nina Golden at Jeremiah.

'Tapos, heto, may hihirangin muli silang bagong kampeon?

Huwag sanang pulutin sa La Ocean Deep sina Golden at Jeremiah sakaling mapili na ang winner sa ikatlong season ng The Clash.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pilot episode ng The Clash Season 3, nagulat ang Clash master na si Julie Anne San Jose at Clashmate Rita Daniela nang makita nila ang isa mga contestants.
PHOTO/S: https://www.facebook.com/GMATheClash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results