Siya ba ang next Alden Richards ng GMA-7?

by PEP Troika
Oct 4, 2020
Who is he? Ito ang teaser photo ng GMA News TV para sa upcoming prime-time series nitong The Lost Recipe.
PHOTO/S: GMA Public Affairs, Village Pipol on Facebook

JERRY OLEA

Ang hula ng maraming netizens, si Kelvin Miranda ang bagong Kapuso leading man sa prime-time series ng GMA News TV na The Lost Recipe.

Pinost ng GMA Public Affairs sa Facebook page nito ang litrato ng bida sa nasabing palabas noong Oktubre 2, Biyernes ng gabi.

Halos half-body ang litrato, kung saan natakpan ang upper half ng mukha ng lalaki.

At press time, nasa 2,000 na ang comments sa nasabing Facebook post.

Na-tweet din ni Kapuso PR Girl, an account managed by GMA Corporate Communications, ang nasabing litrato.

Naikumpara agad ng netizens ang tatlong palatandaan sa lower half ng mukha ni Kelvin—pilat sa baba, nunal sa pisngi, at marka sa upper lip.

'Tapos, ang suot ng lalaki sa litrato ay kapareho ng suot ni Kelvin sa photo shoot ng isang website na lumabas noong Enero 2020.

Kelvin Miranda

Continue reading below ↓

Meron pa itong video.

Lumabas din ang kaparehong litrato kung saan kita ang mukha ni Kelvin.

May “K” ba ang 21-anyos na si Kelvin para magbida?

Aba! May mga nagsasabi na look-alike si Kelvin ni Daniel Padilla...

At sumusunod ba siya sa mga yapak ni Alden Richards?

Continue reading below ↓

Bida si Kelvin sa Netflix Originals movie na Dead Kids (2019), sa direksyon ni Mikhail Red.

Best actor si Kelvin sa 6th Urduja Film Festival para sa indie movie na The Fate (2019).

Isa siya sa mga bida ng "Beki Basketball Beauties" (2019) episode ng Magpakailanman. Co-stars niya rito sina Martin Escudero, Phytos Ramirez, Buboy Villar, at Donita Nose.

Nakasama rin si Kelvin sa cast ng teledramang Madrasta at ng defunct variety show na Sunday Pinasaya.

Mahusay siyang kumanta, maggitara, at mag-drawing. Ang sports niya ay basketball at boxing.

Naniniwala at aprub ba kayo na si Kelvin Miranda nga ang bagong Kapuso leading man na bida sa The Lost Recipe?

Pakisagot, KelviNation at Kelvin Warriors!

GORGY RULA

Tingnan natin kung ano pa ang plano ng GMA Artist Center kay Kelvin.

Guwapo naman siya na minsan, may anggulo siyang James Reid.

Continue reading below ↓

Minsan, may anggulo ring Enrique Gil.

Pero bakit ang ninega ng mga komento ng iba na tila wala siyang karapatang magbida?

Sana, ang ginawa ng GMA, ini-launch muna ang programa saka pinahulaan kung sino ang bida.

Nauna pa tuloy ang panlalait na hindi pa nga alam kung may karapatan siyang magbida sa prime-time series na iyon ng GMA News TV.

NOEL FERRER

Ok namang mag-launch ng bagong talent. Susuporta tayo riyan.

Pero hindi mo siya pahuhulaan lalo pa kung mas may value siyang blind item na lang.

Oh well, napansin si Kelvin ngayon dahil sa sinasabi ng iba na hindi masyadong pinag-isipang intro campaign.

Lalo niyang dapat patunayan kung ano’ng meron siya para magkapangalan.

O kung sapat ba siyang manatiling pahulaan na lang?

For now, ang tanong, KELVIN MIRANDA... Cynthia? Good luck!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Who is he? Ito ang teaser photo ng GMA News TV para sa upcoming prime-time series nitong The Lost Recipe.
PHOTO/S: GMA Public Affairs, Village Pipol on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results