Bago nagkaroon Kapamilya, Kapuso, sumikat si Kaka, a.k.a. Bert “Tawa” Marcelo

by PEP Troika
Oct 4, 2020
Bago ngakaroon ng Kapuso at Kapamilya, nagkaroon muna ng isang Kaka, na naging mukha ng isang produkto sa loob ng 25 years. Siya ay si Bert "Tawa" Marcelo.
PHOTO/S: courtesy of PEP Troika

JERRY OLEA

Magdadalawampu’t limang taon na mula nang pumanaw ang komedyanteng si Bert “Tawa” Marcelo, pero buhay pa siya sa aking alaala.

Unforgettable ang kanyang puntong Bulakenyo at infectious laughter sa singing competition na Ang Bagong Kampeon (1985-1988) sa RPN 9.

Naging kilala rin siya bilang Kaka Bert.

Co-hosts sila ni Pilita Corrales sa nasabing paligsahan, kung saan nagwagi si Regine Velasquez, na Chona pa ang pangalang ginagamit noon.

Bantog din ang mga patalastas ni Bert “Tawa” sa San Miguel Beer, kung saan iconic ang linya niyang, “Mag-beer muna tayo!”

Brand ambassador si Bert “Tawa” ng nasabing beer brand mula 1971 hanggang mamatay siya noong Disyembre 16, 1995 dahil sa stroke.

Sa pagdiriwang ng SMC at subsidiary nitong San Miguel Brewery ng kani-kanyang anibersaryo nitong Setyembre 29 at Oktubre, inalala nila si Bert Tawa.

"My father was close to San Miguel people, from its truck drivers up to the chairman. He can relate to them,” kuwento ni Gerard Marcelo, isa sa apat na anak ni Bert “Tawa,” nitong Setyembre 30, 2020, Miyerkules, via email.

Continue reading below ↓

"He talks to everyone since he is easygoing and has a friendly nature. His jokes were snappy and non-lethal.

"He lived that value of friendship over money."

In fact, game na game mag-appear sa "Balikbanda" events at Baguio summer shows noong 1980s "for a minimal fee."

Hindi nasilayan ni Bert “Tawa” ang transformation ng kumpanyang gumagawa ng paborito niyang beer. Pero natitiyak ng 47 anyos na si Gerard na ikatutuwa at ipagmamalaki ng kanyang ama na project ng kumpanya na airport sa lalawigan ng Bulacan.

Nasa PHP734B ang budget para sa itatayong Manila International Airport, na kayang mag-handle ng 100 milyong pasahero bawat taon.

Inaasahang ang airport na ito ay lilikha ng humigit-kumulang 30 milyong trabaho na kaugnay sa turismo.

Makikinabang dito ang Bulacan, ang hometown ni Bert, at mga kalapit-probinsya.

Pahayag ni Gerard, “Central Luzon has the most number of OFWs outside of NCR. With this development, Bulakenyos will benefit with the airport in the province.

Continue reading below ↓

"This will put Bulacan on the world map now with foreign tourists arriving in a world-class airport...

"Because of the COVID-19 pandemic, our economy is hit for the next two years. We hope this airport will provide employment to Bulakenyos and also help in the recovery of tourism nationwide which was severely affected by the pandemic.”

GORGY RULA

Good news iyan lalo na't aligaga ang Department of Tourism sa pagpu-promote na mabalik ang turismo ng ating bansa. Sana, tuluy-tuloy ang construction ng bagong airport kahit lalo pang tumataas ang COVID-19 cases sa ating bansa.

At least, may pakinabang sa ating mamamayan ang ganitong proyekto dahil magbibigay ng mga trabaho sa mga mamamayan.

Hindi naman ito dolomite sands na unti-unti nang naaanod ng malakas na ulan at alon ng Manila Bay.

Samantala, malamang na hindi na kilala ng Gen Z si Bert “Tawa” Marcelo, kahit may memorabilia ito sa museo ng hometown niyang Baliuag, Bulacan.

Continue reading below ↓

bert tawa marcelo

Dapat nilang malaman ang konek ng namayapang komedyante sa Ang Bagong Kampeon, na pinanggalingan din ng Tawag ng Tanghalan, na ngayon ay kilalang segment sa It's Showtime.

NOEL FERRER

This will help solve the traffic sana sa mga pupunta ng mga airport natin na kadalasang kakabahan ka na baka ma-late dahil sa congestion sa Maynila.

Continue reading below ↓

Iba talaga ang mga pinagsamahan kaya hindi rin mapigilang magalak ang isa pang anak ni Sir Bert na si Barry Marcelo, na sobrang ipinagmamalaki ang legacy ng kanyang ama.

Kaya sa panahon ng takot, karahasan, at walang kasiguraduhan, magandang balikan ang disposisyon ng ama nina Gerard at Barry na laging nakatawa, na nakakakalma ngayong panahon ng pandemya!

Sabi nga ni Barry, na estudyante ko rin sa kolehiyo, “Daddy was proud of three things in his simple life, his family, his heritage, and his country."

Kaya kahit bumibiyahe raw ito sa ibang bansa, may baon itong "six-pack," so he would always have "a taste of home."

Sa mga nangyayaring ito, sigurado si Barry, "He must be having a hearty laugh up there for this ultimate gift."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago ngakaroon ng Kapuso at Kapamilya, nagkaroon muna ng isang Kaka, na naging mukha ng isang produkto sa loob ng 25 years. Siya ay si Bert "Tawa" Marcelo.
PHOTO/S: courtesy of PEP Troika
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results