Benjamin Alves, hindi makakauwi sa Guam para sa death anniversary ng kanyang ama

Oct 5, 2020
Pinili ni Benjamin Alves na manatili muna sa Pilipinas, kahit na ilang Fil-foreigners celebrities ang nagdesisyong umuwi muna sa kani-kanilang bansa dahil sa pandemya.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

GORGY RULA

Nag-decide nang umuwi sa kani-kanilang bansa ang ilang celebrities na may showbiz career dito sa Pilipinas.

Pinapauwi na sila ng kanilang magulang dahil bukod sa wala pa namang trabaho, natatakot sila sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Ang Pinoy Big Brother housemate na si Frankie Russel na taga-New Zealand ay pinauwi na ng magulang niya kahit kasama siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Ang That’s My Bae member na si Kim Last ay nakatakda na ring bumalik ng London, England dahil wala siyang project dito.

Nag-decide na ang mommy niyang pauwiin muna si Kim sa kanila. Ano kaya ang reaksiyon dito ni Julie Anne San Jose?

Ang Ms. World-Eco Tourism 2020 na si Kelley Day ay hinihintay na lang kung matutuloy ang Miss Eco International sa Egypt na sasalihan niya sa November.

Continue reading below ↓

Kung ma-move na naman ito, pinag-iisipan niyang umuwi na lang muna ng London para masamahan doon ang kanyang Daddy.

Pero ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves ay okay na dito muna sa bansa kahit napalayo siya sa kanyang inang nasa Guam.

Nami-miss ni Benjamin ang mommy niya, lalo na’t malapit na ang second death anniversary ng ama niyang si Ebet Sapida kaya balak sana niyang dalawin.

Continue reading below ↓

Pero mahirap pa ang proseso ng paglabas ng bansa dahil pagbalik dito sa atin, kailangan niyang ma-quarantine ng dalawang linggo.

May trabaho kasing ibinibigay sa kanya ang GMA-7 kaya hindi pa raw naiisip ni Benjamin na iwan ang career niya rito at umuwi muna ng Guam.

Itinuturing niyang blessing ang pamamalagi sa GMA-7, kaya tuloy pa rin ang showbiz career niya rito sa gitna ng pandemya.

“I feel stability being here. Although, nami-miss ko yung family ko that’s why I want to go home,” pakli ni Benjamin sa nakaraang mediacon ng "The Promise" episode ng I Can See You.

Continue reading below ↓

Sa Biyernes, October 9, ay second death anniversary ng ama ni Benjamin.

Dahil hindi pa siya makakauwi, magkakaroon daw ng virtual novena at rosary na sasalihan niya.

Pero kapag magkaroon ng pagkakataon, at medyo maluwag na, gusto niyang dalawin ang kanyang pamilya sa Guam.

“I do miss being with my mom. Pero siguro, tiis na lang nang konti,” sabi ni Benjamin.

Kasama ni Benjamin sa The Promise ng I Can See You sina Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi, at Maey Bautista.

Ang pilot episode nito ay ngayong Oktubre 5, Lunes, pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

NOEL FERRER

Sana, patuloy na mag-rate at magtatak ang ganitong mga mini-series.

At dahil pandemya, iba ang expectations ng mga tao. Level up ba ito sa mga usual na napapanood, or one of the same? Gaano kaiba ang quality nito sa mga iWant at YouTube series?

Dahil sa dami ng content na available ngayon, kailangang makahanap ng pantapat (in a sense) sa successful na BL trend sa streaming platforms.

Continue reading below ↓

Nasagot ba ito ng I Can See You series? That remains to be seen!

JERRY OLEA

Nagtayo si Benjamin dito ng negosyong House of Roses PH noong Agosto 6. May Instagram account pa ito, na kaygaganda ng bouquets of Ecuadorian roses.

Say “the promise” with roses! Alangang abandunahin na iyon ni Benjamin, ahh?!

Continue reading below ↓

Ang I Can See You ay wala pong kinalaman sa I Can See Your Voice.

Sa naunang mini-series na tampok sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, nasabi ba ng AlDub Nation na, “I can see your chemistry”?

Pumatok sa Netflix ang pelikulang Through Night and Day (2018) kung saan nategi ang ex-fiancée ni Ben (Paolo Contis) na si Jen (Alessandra de Rossi).

Dito sa "The Promise" ng I Can See You, nategi ang asawa ni Frank (Paolo Contis) na si Clarisse (Yasmien Kurdi), saka umeksena si Ivy (Andrea Torres).

Hmmn... naalala ko ang Oliver’s Story (1977 novel by Erich Segal, 1978 film), na sequel ng Love Story (1970 novel and film) kung saan nategi ang asawa ni Oliver (Ryan O'Neal) na si Jenny (Ali MacGraw).

Ang promo tag ng pelikulang Oliver’s Story, “It takes someone very special to help you forget someone very special."


Continue reading below ↓

Candice Bergen and Ryan O'Neal in Oliver's Story

Tungkol sa Pinoy BL series, inaabangan natin ang Ben x Jim nina Teejay Marquez at Jerome Ponce na mag-uumpisa sa Oktubre 15 sa YouTube channel ng Regal Entertainment. Aba, sa Facebook page pa lang ni Teejay ay may 4.8M views na ang trailer nito.

Iyong teaser 2 ng Beki Problems kung saan nilaplap ng baguhang aktor na si Ardel Presentacion si Chad Kinis, naka-4.7M views na sa Facebook page ni Chad.

This week nakatakdang ipalabas ang trailer nito. Susubaybayan natin ito sa YouTube channel ng heyPogi.

Ang Oh, Mando! nina Kokoy de Santos at Alex Diaz, almost done na ang vfx.

“Still waiting din kami sa release date ng iWant TFC,” sabi ng direktor nitong si Eduardo Roy Jr. nitong Oktubre 5, Lunes ng umaga.

Matapos ang Gameboys, inaabangan natin sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company ang GL series ni Adrianna So na Pearl Next Door.

Continue reading below ↓

Hindi pa tiyak kung magpi-premiere streaming na ito sa darating na weekend. Ayaw ng produksyon na magahol sa mga susunod na episode.

Sabi nga nga executive producer na si Direk Perci Intalan nitong October 4, Sunday via Messenger, “Good things come to those who wait. Patience is a Virtue. In God’s good time.”

Abang-abang tayo sa last three episodes ng Quaranthings nina Royce Cabrera at Kyo Quijano, maging sa natitirang episodes ng My Day nina Iñaki Torres at Miko Gallardo.

Panay-panay pa rin kaya ang landian at halikan ng AkiMi sa pagkawala ni Chuk-chuk?

Looking forward din tayo sa huling paalam ng Season 1 ng In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam nina Migs Villasis at Genesis Redido. Boom harot!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinili ni Benjamin Alves na manatili muna sa Pilipinas, kahit na ilang Fil-foreigners celebrities ang nagdesisyong umuwi muna sa kani-kanilang bansa dahil sa pandemya.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results